Kabanata 486
Thud!

Nang makalabas siya sa kagubatan, bumagsak siya at napaupo sa lupa. Halos isang linggo na rin siyang hindi kumakain at nagawang mabuhay sa paginom ng tubig sa ilalim ng balon—gutom na gutom at pagod na si Darryl sa isang linggong pagkakakulong niya sa loob ng peach blossom forest.

Pero natuwa pa rin siya nang husto dahil nagawa niyang makalabas ng buhay sa gubat na iyon!

“Young Master?”

“…Nagpakita ang Young Master!” Sigaw ng isa sa mga tagasunod. Nagulat sila nang husto na para bang nakakita sila ng multo.

“Ipaalam niyo ito kay Master ngayundin!” Sigaw ng isa sa kanila.

Nanghihina na sa mga sandaling ito si Darryl. Nagngitngit ang kaniyang mga ngipin habang kinukuha ang kaniyang cellphone para tawagan si Dax.

Hindi niya matawagan si Dax kaya agad niyang tinawagan si Nancy—pero hindi rin kumonekta ang kaniyang tawag dito; parehong nakapatay ang mga cellphone ng dalawa.

“Hayop ka, Rachel Carter. Hinding hindi kita mapapatawad sa sandaling may mangyari kay Dax!” Mura ni Dar
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo