Kabanata 482
Dito na nagpanic si Darryl. Sa sandaling may mangyari kay Dax, siguradong pagsisisihan niya ito habambuhay!

“Palabasin mo na ako, Rachel Carter!” Sigaw ni Darryl pero walang kahit na sino ang sumagot sa kaniya.

“Buwisit!” Sinuntok ni Darryl ang isang puno. Matapos makita ang papalubog na araw, wala nang nagawa si Darryl kundi maglakad ng diretso. Naisip niya na parang isang maze ang kagubatang ito na hangga’t magagawa niyang maglakad ng diretso ay magagawa niyang makita ang daanan palabas sa lugar na ito.

Mabilis na naglakad si Darryl, pero matapos ang kalahating oras ay hindi pa rin niya nakita ang daanan na kaniyang pinanggalingan. Wala siyang nakita kundi walang katapusang mga puno sa paligid! Naging kakaiba ang bagay na ito para kay Darryl. Siguradong makakarating na siya sa labasan papunta sa mansyon ng mga Carter sa sandaling maglakad siya ng 30 minutes sa direksyon na kaniyang pinanggalingan, pero hindi pa rin niya nagawang makalabas sa gubat na ito. Maliban na lang kung isa
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo