Kabanata 338
Inabot ng lalaki ang kahon kay Isabella at nakangiting sinabi, "Pinapasabi ng Chairlady na ang team niyo ang totoong nanalo sa kumpetisyon kahapon. Nagkamali lang daw siya ng paghusga at sana ay mapatawad niyo raw po siya. Miss Monte, tanggapin niyo po ang reward niyo bilang totoong nanalo."

Pagkatapos magsalita, umalis na rin kaagad ang lalaki.

Samantalang si Isabella ay naiwan sa kinatatayuan niya ng tulala.

Mali ang husga sa resulta kahapon?! Pero... Sampung minuto lang ginawa ni Darryl ang pill.... Hindi napigilan ni Isabella na tignan si Darryl nang may nanlalambot na katawan. Sa tagal niyang nagtuturo, ito lang ang unang pagkakataon na namangha siya sa estudyante niya!

Maging ang mga kaklase ni Darryl ay natameme rin at gulat na gulat sa nangyari.

'Anong nangyayari? Si Darryl, yung hampas lupa, ang nanalo sa Elixir Competition?!!!'

Ang kaninang maraming satsat na sina Daisy at Daphne ay halos hindi rin makapagsalita kaya napatingin nalang sila kay Darryl.

Noong sand
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP