Kabanata 2614
“Sino ka ba?” Galit na galit na singhal ni Shaun kay Darryl dahil naiinis ito na may pumigil nanaman sa plano niya.

“Sino yan?” Bulungan ng mga tao, na hatalang nagulat sa presensya ni Darryl.

Dahil nakasuot lang siya ng ordinaryong damit, sa tingin ng mga tao ay mukhang wala naman siyang binatbat sa lakas ni Shaun, kaya nagtataka ang lahat bakit ang lakas ng loob niyang makielam.

‘Gusto na ba niyang mamatay?’ Isip-isip ng lahat.

Pero ang hindi alam ng lahat, ang taong nasa harapan nila ay ang Elysium Gate Sect Master, na sikat na sikat sa lahat ng siyam na kontinente at tinatago lang ni Darryl ang lakas nito.

“Darren?” Gulat na gulat si Lillian nang imulat niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Darryl. “Bakit ka nandito?”

Ngumiti lang si Darryl at sinensyasan si Lillian na wag mag-alala.

Samantalang si Shaun naman ay tinignan si Darryl mula ulo hanggang paa. “Sino ka ba?”

Tinignan ni Darryl si Lillian at sumagot, “Isa ako sa mga miyembro ng Blood Thorn M
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP