Kabanata 2504
Screech.

Pagkaalis nina Edwin ay may dalawang sasakyan na pumarada sa harapan ni Darryl.

Bumaba si Chester kasama ang kaniyang mga alagad.

“Kapatid na Chester.” Malakas na tawag ni Darryl habang malaki ang ngiti sa mukha nito.

Tumawa si Chester. Nilapitan niya si Darryl at niyakap ang lalaki. Nagsimula itong suriin si Darryl mula ulo hanggang paa. “Saan ka nanatili sa loob ng tatlong taon, Darryl?”

Muling nagkita ang magkapatid. Napuno sila ng saya at pagkasabik.

“Mahirap kung susumahin gamit ang ilang salita.”

Mapait na ngumiti si Darryl at nagsalita siya tungkol sa sitwaasyon, lalo na noong hinahabol niya pa si Donoghue.

“Hay*p”

Nang malaman niya ang tungkol sa sitwasyon ay nagbago ang mukha ni Chester at mabilis niyang sinampal ang sariling binti. “Namatay ang batang si Donoghue sa ganoong paraan? Napakadali naman noon para sa kaniya.”

Nagtanong ito. “So nawawala ang dragon ball? Nawawala rin kahit ang Sky Breaking Axe ni Donoghue.” Hindi mapapantayang kayamanan ang dalawa
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP