Kabanata 2403
Masasabing mayroong pang mga dragon sa Nine Provinces ilang libong taon na ang nakaraan. Pero noong nagsimulang lumakas ang mga tao ay unti-unting naglaho ang mga dragon nang walang bakas. Walang nag-akalang makakakita sila ng perlas ng dragon lalo na ngayon.

Ang perlas ng dragon ay ang sentro ng mga dragon.

Sandaling napatitig ang lahat sa perlas na hawak ni Darryl. Gulat at walang masabi ang lahat.

Sobrang tahimik sa buong Central Army Camp at maaaring marinig ang pagbagsak ng isang patak ng tubig.

Matapos ang ilang minutong katahimikan ay si Quincy ang unang nag-react. Hindi nito mapigilang magsalita. “Dahil ang Dragon Pearl ang sus isa pagbukas sa treasur chest ay mukhang isang dragon ang iniwan ni Emperor Xuanyuan.”

Nang marinig nila ang pagpapalagay na iyon ay hindi nila mapigilang huminga ng malamig na hangin. Isang dragon? Kung ganoon ay bakit pa matatakot ang siyam na kontinente sa Raksasa Tribe?

Huminga ng malalim si Darryl bilang pag sang-ayon. “Tama, iyan ang hula ko.
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP