Samantala, sa Mid City sa kontinente sa World Universe. Pinamunuan ni Yang Jian ang libo-libong mga sundalo at nagtayo ng kampo sa labas ng siyudad. Ilang araw na ang nakalipas nang sakupin ni Yang Jian ang Yunzhou City. Pagtapos ng sandaling pagpapahinga ay nagpatuloy ito sa pagsakop sa mga siyudad. Labis itong naging matagumpay at narating niya ang Mid City sa loob lamang ng ilang araw.Pinag-utos ni Yang Jian sa kaniyang mga tauhan na sakupin ang siyudad pero nagawa itong pahintuin ng ibang mga sekta. Walang laban sa North Moana Army ang pamilya Carter at mga elites mula sa iba’t ibang sekta. Ngunit capital ng World Universe ang Mid City. Ito ang pinakamaunlad at pinakamalagong siyudad sa kontinente. Halos limang beses ang lawak ng lupain nito kumpara sa siyudad ng Yunzhou, pinakamalakas din sa kontinente ang pamamaraan nito sa pagdepensa.Maswerte ang pamilya Carter at ang ibang mga kontinente sa kakayahan ng mga ito para dumepensa laban sa pag-atake ng North Moana Army. D
”Masusunod!” sagot ni Zhang Jue. Pagtapos ay tumayo ito at pumili ng ilan sa mga may kakayahang heneral bilang kandidato sa pagpasok sa Carter Mansion para dukutin si Susan. Malaki ang tiyansang magtagumpay ang taktika kung personal itong gagawin nina Zhang Jue at Yang Jian. Subalit sila ang Emperor at Military Adviser. Paano gagawa ang pinakamatataas na pinuno ng mga bagay na maaaring mabigo? Kaya naman pinadala ang mga nasasakupan. Ilang minuto ang nakalipas nang magbihis sibilyang ang mga napiling heneral na nangaling pa mula sa malayo at pumasok sa Mid City. Sa Carter Mansion… Nagtipon sa main hall ang mga miyembro ng pamilya Carter at mga elites mula sa iba’t ibang sekta. Seryoso ang lahat at sobrang dilim at lungkot ng kapaligiran. Lumapit ang North Moana Army at nasa panganib ang Mid City. Wala sa kanila ang masaya kahit na naharangan nila ang mga alon ng pag-atake ng North Moana Army. Nilikom ni Susan ang lahat para pag-usapan ang mga pagsugpo.Pero hindi sila
Mga heneral ng North Moana Army ang mga taong nakasuot ng itim, pinili ni Zhang Jue ang mga ito para sa misyong pagdukot kay Susan, si Jake ang kapitan sa operasyong iyon. Hiss! Nagulat at nanginig si Susan nang matuklasan niya ang mga ito.‘Sino ang mga taong ito? Sino sila para pumasok sa Carter Mansion?’ Tila nagtagumpay ang pagtawa at pagngiti ni Jake nang magkasalubong sila ng tingin ni Susan. “Hindi ko inakalang magiging maayos ang pagdaloy nito. Kaagad ka naming nakita pagkapasok namin. Sumama kayo sa amin, please, Mrs. Carter!” Labis na anging kalmado ang pakiramdam ni Jake nang sabihin niya iyon, para bang kaswal na pag-uusap lamang ang kanilang ginagawa. Akala nito’y magiging mahirap ang pagpasok nila sa Carter Mansion pati na rin ang pagdukot kay Susan, pero ikinagulat nitong si Susan pala ang una nilang makakasalamuha pagtapos nilang pasukin ang hardin. Ang pinakamahalaga ay mag-isa lamang si Susan, walang sino man ang poprotekta sa kaniya! ‘Isang padala ng pa
Swish!Gumalaw ang bawat puno na para bang buhay ang mga ito sa Peach Blossom Forest! Nagmukhang wala sa ayos ang mgaito pero mabilis pa rin itong matetrace ng kahit na sino. Nalito rito si Jake at ang kaniyang mga tauhan. “Buwisit! Isa itong formation!” Sigaw ng isa sa mga nagpapanic na tauhan ni Jake. Dito na nagdilim ang mukha ni Jake. Hindi niya inasahan na mahuhuli sila ng nilatag na bitag ni Susan. At pagkatapos ay biglang nakaisip ng isang bagay si Jake bago mabilis na tumingin sa kaniyang paligid para hanapin ang lagusan palabas. Pero natigilan siya nang makita niya ang kagubatang pumaligid sa kanila, hindi na nila nakita kung saan ang labasan nito. “Huwag kayong magpanic!” Ginawa ni Jake ang lahat para kumalma. At sa huli ay gumawa ito ng isang nafufrustrate na sigaw habang sinasabi na, “Kayong lahat, kumalat kayo at maghanap ng lagusan palabas. Magpadala kayo ng signal sa sandaling makita ninyo ang babaeng iyon. Huwag niyo siyang harapin nang magisa. Gumuho ang
Napatingin silang lahat kay Susan. Gusto na ng karamihan sa kanila na patayin si Jake at ang mga tauhan nito. Sabagay, marami rami na ring mga city ang nasakop ng North Moana na nagpahirap nang husto sa World Universe. Pero si Susan pa rin ang kanilang lider kaya gusto pa rin nilang marinig ang desisyon nito. Nagisip si Susan at sinabing, “Itali na muna natin sila at hilahin palabas ng city para ipakita kay Yang Jian.” Nagmukha namang kalmado si Susan, pero agad pa ring makikita ng kahit na sino ang pagkislap ng kaniyang mga mata. Gusto na rin nitong patayin si Jake at ang mga tauhan nito pero naisip niya rin na maaaring nilang mapababa ang morale ng mga sundalo ng North Moana Army sa sandaling ipakita nila sa lahat na nahuli ang mga lalaking ito. Importante ang fighting spirit ng mga sundalo sa sandaling humarap ito sa kanilang mga kalaban sa battlefield. Mas malaki ang tiyansang madepensahan ng World Universe ang kanilang teritoryo sa sandaling mapababa nila ang morale ng Nor
Sumagot naman si Donoghue ng, “Pagkatapos ng kalahating araw ay makikita mo na ang daungan ng World Universe.” Nacurious nang husto si Donoghue kaya napatanong ito ng, “Master, narinig ko na umatake raw ang North Moana sa kontinente ng World Universe. Masyado pong magulo roon ngayon kaya bakit po tayo pupunta rito?” Nalaman ni Donoghue na ang pinanggalingang Temple of Enchanted Retreat ni Rama ay isang lugar na malayo sa kabihasnan ng libo libong taon. Bihira lang bumaba ang mga monghe ng templong iyon sa bundok. Nacurious si Donoghue kay Rama dahil bilang pinuno ng templong iyon, hindi dapat ito bumaba kailanman sa bundok. Pero nagawa pa rin nitong itanong kay Donoghue ang sitwasyon ng siyam na mga kontinente na para bang mayroon itong misyon. Nagbuntong hininga si Rama habang tinititigan ang tubig at asul na kalangitansa kaniyang harapan. Hindi nakatulong ang payapang kapaligiran para mapanatag ang kaniyang isipan. At sa halip ay mas nagalala pa ito habang sinasabi na, “Mayro
Sa parehong oras, ang ilan sa mga sundalo ng North Moana ay kinuha ang oportunidad para tumira at saksakin si Dax gamit ang mahahaba nilang espada! “Dax!” Sumigaw si Chester at mabilis na pinuntahan si Dax. Pinagtanggol niya si Dax gamit ang kanyang kanang kamay para gumawa ng isang protective shield. Clang! Clang! Clang! Isang dosenang mga espada ang tumama sa protective shield at nagbigay ito ng malakas na tunog ng bakal na nagkikiskisan. Si Chester ay isang level four Martial Emperor pero marami na siyang nagamit na internal energy noong laban. Namumutla na ang kanyang mukha dahil sa lakas na ginamit niya noong kinalaban niya ang mga sundalo ng North Moana! “Ang yabang niya naman!” Isang tao ang nag bigay nang komento bago nila nakita ang pigura nito. Ito ay si Gonggong. Ang matapang na si Dax at Chester ay nakuha ang atensyon ni Gonggong sa ilang sandali. Pero, hindi na mapakali si Gonggong nung nakita niya ang dalawang ito na nasugatan matapos nilang patayin ang mg
Ang mga sundalo ng North Moana ay nagtinginan sa isa’t isa! Hindi sila naging komportable. ‘Paanong hindi sila nahulog matapos nilang magkaroon nang maraming sugat?’ ‘Taong bakal ba sila? Paanong patuloy pa rin dumadaloy ang dugo nila sa katawan?’ Kumunot ang noo ni Gonggong habang pinapanood niya ang dalawang matapang na lalaki, namangha siya. ‘Ang mga tao na ito na galing sa World Universe ay napakalakas. Hindi na maganda ang sitwasyon pero nanatili pa rin silang malakas! Hindi ba sila natatakot mamatay?’ Si Susan at ang ibang sect masters ay nagulat sa nakita nila at ang mga mata nila ay naging kulay pula. Ang mga tunay na kapatid ni Darryl ay talaga indomitable na mga lalaki. Isasakripisyo nila ang buhay nila at tatanggapin lahat nang sugat na matatamo nila sakanilang katawan kaysa sumuko habang pinaglalaban nila ang World Universe. “Hindi ka natatakot sa kamatayan, ano naman?” Pinuntahan sila ni Gonggong at ngumisi, “Gusto niyong pigilan ang atake ng North Moana