Whoa! Parang pinunit sa dalawa ng axe ang madilim na kalangitan! Biglang nanginig sina Debra at Shentel—labis silang nag-alala kay Rama. Paniguradong nasa peligro ang monghe matapos itong gamitan ng Sky Breaking Axe ni Donoghue. ‘Ang Sky Breaking Axe?’ Napasigaw ang puso ni Rama nang maramdaman niya ang lakas na nasa gintong liwanag. Hindi na ito kalmado katulad ng dati; hindi niya inakalang mayroong Sky Breaking axe ang kaniyang kalaban. Maraming natutunan si Rama bilang pinunong monghe ng Temple of Enchanted Retreat at tagatanggap ng mga kakayahan ng Bodhidharma. Kaya paano nito hindi malalaman ang mga sandatang katulad ng Sky Breaking Axe?“Mayroon ka palang Grand Weapon; hindi nakapagtatakang mayabang ka.” Dahan dahang sinabi ni Rama nang huminga ito ng malalim. Madilim ang kaniyang mukha. Buzz! Lumutang ang katawan ni Rama habang tahimik nitong binigkas ang Buddhist mantra. Pagtapos ay lumabas ang gintong liwanag sa buo katawan nito. Ipinagdikit ni Rama ang kan
Sa wakas ay malamig na nagsalita si Rama! “Thousand Buddhas!” Nag-iba ang kulay ng daigdig matapos bigkasin ni Rama ang huling salita! Biglang nakita ang malaking gintong ulap sa madilim na kalangitan. Bumulong sa hangin si Rama at pumunta sa maliwanag na mga gintong ulap. Malinaw na nakita sa kaniyang likuran ang malaking anino ng Buddha. Nabuo ang anino gamit lamang ang Buddhist internal energy. Para bang nagpakita ang totoong Buddha. Boom! Malakas na nanginig ang kalbong bundok nang marinig nila ang malakas na ingay. Pagtapos ay kaagad na gumuho ang sirang templo. Nabalot ng maliwanag at makinang na liwanag ng Budha ang lugar na mayroong ilang kilometrong lawak. Thousand Buddhas—ito ang pinaka makapangyarihang mataas na kakayahan ng Bodhidarma, at ito rin ang pinakamahirap gawin. Ilang libong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin lubusang naiintindihan ng mga pinunong monghe ng Temple of Enchanted Retreat ang tungkol sa kakayahang ito. Sampung taon na ang nakalipas nan
”Mister!” Tahimik na tiningnan ni Rama si Donoghue at nagsalita. “Mahabagin at mabait sa mundo si Buddha. Kahit gaano pa kasama ang isang tao, basta tuluyan lang nitong tigilan ang masasamang gawain at gumawa ng mabubuting bagay ay papatawarin at tatanggapin siya ni Buddha. Natalo kita. Anong pang gusto mong sabihin?” Hindi malakas ang boses nito pero nakakakumbinsi. Itinapon ni Donoghue ang kaniyang ulo pataas at tumawa sa langit; mayabang at hindi pa rin ito natitinag. “Gusto mo akong maging masunurin? Kakakilala mo lang sa akin, kalbong asno. Naging Emperor ako ng Westrington, at mayroon akong sinaunang Grand Weapon. Wala sa buong mundo ang makakapagpasuko sa akin; kahit na ang Buddha ay hindi iyon magagawa.” Nandilim ang mukha ni Rama; lumaki ang gulat na mga mata nito habang matinding nakatitig kay Donoghue. Bilang isang monghe ay palaging sinunod ni Rama ang prinsipyo ng pagiging mahabagin, pero alam nito kung saan titigil. Ginalit si Rama ng malupit na pahayag ni Dono
Oh… Nagkatinginan sina Debra at Shentel nang pareho silang nag-alangan. Nabigo si Debra sa ginawa ni Donoghue. Gusto nitong makita kung anong gagawin ni Rama kay Donoghue matapos niyang kaponin ang lalaki. Gayunpaman, hindi nangialam ang parehong babae matapos nilang maramdaman ang nakakatakot na aura ni Rama. Tumango at sabay na bumaba ng bundok ang dalawa. Huminga ng malalim si Rama pagkakita nitong nakaalis na ang dalawang babae. Nang sumunod na segundo ay lumingon si Rama at tahimik na tiningnan si Donoghue. Pagtapos ay malinaw itong nagsalita. “Tinanggal ko ang parte ng iyong katawan dahil ayaw kong mayroon ka pang hahamaking mga inosenteng babae. Sunod ay lilinisin ko ang mga masasamang kaisipan at nakakamatay na intensyon sa iyong puso.” Taimtin na pinulot ni Rama ang string ng mga Buddhist beads. Tiningnan nito si Donoghue at nagsalita. “Nakatanim na sa iyong kaibuturan ang nakakamatay na intensyon at masasamang pag-iisip. Magiging mahirap para sayo ang magsisi sa
Samantala, sa Mid City sa kontinente sa World Universe. Pinamunuan ni Yang Jian ang libo-libong mga sundalo at nagtayo ng kampo sa labas ng siyudad. Ilang araw na ang nakalipas nang sakupin ni Yang Jian ang Yunzhou City. Pagtapos ng sandaling pagpapahinga ay nagpatuloy ito sa pagsakop sa mga siyudad. Labis itong naging matagumpay at narating niya ang Mid City sa loob lamang ng ilang araw.Pinag-utos ni Yang Jian sa kaniyang mga tauhan na sakupin ang siyudad pero nagawa itong pahintuin ng ibang mga sekta. Walang laban sa North Moana Army ang pamilya Carter at mga elites mula sa iba’t ibang sekta. Ngunit capital ng World Universe ang Mid City. Ito ang pinakamaunlad at pinakamalagong siyudad sa kontinente. Halos limang beses ang lawak ng lupain nito kumpara sa siyudad ng Yunzhou, pinakamalakas din sa kontinente ang pamamaraan nito sa pagdepensa.Maswerte ang pamilya Carter at ang ibang mga kontinente sa kakayahan ng mga ito para dumepensa laban sa pag-atake ng North Moana Army. D
”Masusunod!” sagot ni Zhang Jue. Pagtapos ay tumayo ito at pumili ng ilan sa mga may kakayahang heneral bilang kandidato sa pagpasok sa Carter Mansion para dukutin si Susan. Malaki ang tiyansang magtagumpay ang taktika kung personal itong gagawin nina Zhang Jue at Yang Jian. Subalit sila ang Emperor at Military Adviser. Paano gagawa ang pinakamatataas na pinuno ng mga bagay na maaaring mabigo? Kaya naman pinadala ang mga nasasakupan. Ilang minuto ang nakalipas nang magbihis sibilyang ang mga napiling heneral na nangaling pa mula sa malayo at pumasok sa Mid City. Sa Carter Mansion… Nagtipon sa main hall ang mga miyembro ng pamilya Carter at mga elites mula sa iba’t ibang sekta. Seryoso ang lahat at sobrang dilim at lungkot ng kapaligiran. Lumapit ang North Moana Army at nasa panganib ang Mid City. Wala sa kanila ang masaya kahit na naharangan nila ang mga alon ng pag-atake ng North Moana Army. Nilikom ni Susan ang lahat para pag-usapan ang mga pagsugpo.Pero hindi sila
Mga heneral ng North Moana Army ang mga taong nakasuot ng itim, pinili ni Zhang Jue ang mga ito para sa misyong pagdukot kay Susan, si Jake ang kapitan sa operasyong iyon. Hiss! Nagulat at nanginig si Susan nang matuklasan niya ang mga ito.‘Sino ang mga taong ito? Sino sila para pumasok sa Carter Mansion?’ Tila nagtagumpay ang pagtawa at pagngiti ni Jake nang magkasalubong sila ng tingin ni Susan. “Hindi ko inakalang magiging maayos ang pagdaloy nito. Kaagad ka naming nakita pagkapasok namin. Sumama kayo sa amin, please, Mrs. Carter!” Labis na anging kalmado ang pakiramdam ni Jake nang sabihin niya iyon, para bang kaswal na pag-uusap lamang ang kanilang ginagawa. Akala nito’y magiging mahirap ang pagpasok nila sa Carter Mansion pati na rin ang pagdukot kay Susan, pero ikinagulat nitong si Susan pala ang una nilang makakasalamuha pagtapos nilang pasukin ang hardin. Ang pinakamahalaga ay mag-isa lamang si Susan, walang sino man ang poprotekta sa kaniya! ‘Isang padala ng pa
Swish!Gumalaw ang bawat puno na para bang buhay ang mga ito sa Peach Blossom Forest! Nagmukhang wala sa ayos ang mgaito pero mabilis pa rin itong matetrace ng kahit na sino. Nalito rito si Jake at ang kaniyang mga tauhan. “Buwisit! Isa itong formation!” Sigaw ng isa sa mga nagpapanic na tauhan ni Jake. Dito na nagdilim ang mukha ni Jake. Hindi niya inasahan na mahuhuli sila ng nilatag na bitag ni Susan. At pagkatapos ay biglang nakaisip ng isang bagay si Jake bago mabilis na tumingin sa kaniyang paligid para hanapin ang lagusan palabas. Pero natigilan siya nang makita niya ang kagubatang pumaligid sa kanila, hindi na nila nakita kung saan ang labasan nito. “Huwag kayong magpanic!” Ginawa ni Jake ang lahat para kumalma. At sa huli ay gumawa ito ng isang nafufrustrate na sigaw habang sinasabi na, “Kayong lahat, kumalat kayo at maghanap ng lagusan palabas. Magpadala kayo ng signal sa sandaling makita ninyo ang babaeng iyon. Huwag niyo siyang harapin nang magisa. Gumuho ang