Napansin ni Jonas na tila may kakaiba matapos nitong aralin ang ekspresyon ni Tanya. Sumigaw ito. “Huwag mong sabihing nag-aalala ka ngayon kay Darren; hindi manlang natin matulungan ang ating mga sarili! Bakit nag-aalala ka sa isang walang halagang tao?” Pagtapos ay galit na bumulong si Jonas. “Dapat lang kay Darren iyon. Akala niya ay makapangyarihan na siya at maaari na niyang guluhin ang anak ng Garrison Commander. Hayop yan! Hindi kami makukulong dito kung hindi niya ginalit si Zane!” Galit si Jonas. Wala sa kaniyang tabi ang kaniyang pinsan, kundi ay mumurahin nito si Darren.“Tumahimik ka!” Umiling ang buong kaatwan ni Tanya dahil sa galit, pinadyak nito ang kaniyang mga paa. “Tao ka pa ba, Jonas? SInaktan ni Darren si Zane para iligtas tayo. Ayos lang kung patuloy kang magrereklamo pero hindi ka manlang nagpakita ng kaunting pasasalamat sa kaniya.” Bigong tiningnan ni Tanya si Jonas. Naisip nitong nakakahiya para sa kaniyang pinsan na si Jonas, bilang isang lalaki, a
”Talagang matalino si Mister Xanthos.” Nagkomento si tanya nang tingnan nito si Nathan. “Mapagbigay at nakakahanga ka. Isang biyaya ang magkaroon ng mabuting opisyal katulad mo sa Green Dragon City Gate.” “Samalat, Miss Synder, sa pagbibigay ng mataas ng papuri.” Mabilis na kinuway ni Nathan ang kaniyang kamay habang may mapagkumbabang ngiti sa kaniyang mukha. “Ginagawa ko lamang ang parte ko.”Pagtapos ay nag-utos si Nathan sa mga katabi nyang sundalo. “Bakit pa kayo nakatayo riyan? Bilisan ninyong alisin ang kanilang tali.” Mabilis na tinanggal ng dalawang sundalo ang tali na nakapalibot kina Tanya at Jonas. Natuwa si Tanya nang pakawalan ito, pinasalamatan niya si Nathan. “Salamat, Sir.” Tiningnan ng babaw si Darryl. “Darre, maaari ba tayong maglakad nang ilang saglit?” Mmm! Tumango si Darryl at sinundan nito ang babae. Nakita iyon ni Jonas at mabilis na sinundan ang dalawa. “Darren!” Nakatayo ang mga ito sa tabi ng flower bed nang nagalak na kinausap ni tanya s
Nagulat si Zane sa narinig na sinabi ng ama. Nalito ang pag-iisip nito habang nakatingin siya kay Darryl. ‘Anong sinabi ng aking ama? Kamahalan? Ito ang Emperor?’ “Nathan!” Tumitig si Darryl kay Nathan at malamig itong nagsalita. “Bilang opisyal ng pamahalaan, responsibilidad mong bantayan ang Green Dragon City Gate, pero gumawa ng mga masasamang bagay ang pasaway mong anak sa ilalim ng liwanag. Kaya sabihin mo sa akin, guilty ka ba?” Thud! Nanginig si Nathan nang napaluhod ito. Pagtapos ay takot itong nagsalita. “Guilty ako.” Bigla ring napaluhod si Zane; napuno ng malamig ng pawis ang knaiayng noo. Takot na takot ito at halos malawa ang kaniyang kaluluwa. ‘Naku po!’ ‘Sinigawan ko ang Kamahalan? Nanakot pa ako na puputulin ko ang kaniyang mga paa’t kamay at itatapon siya sa bundok para ipalapa sa mga lobo! Naku po! Nagkasala ko. Tapos na ang buhay ko ngayon.’Mukhang walang pinagbago si Darryl. Wala manalang kahit kaunting pagbabagao sa kaniyang ekspresyon. Labis na
Tumawa si Donoghue.Suminghal ito at tiningnang maigi si Shentel. “At dahil sa tingin mo ay isa akong matuwid na lalaki, bakit gusto mo akong iwan at kalimutan ka?” “Ako—” Nanginig si Shentel nang tahimik itong napanganga habang nakatingin kay Donoghue. Maraming bagay ang nangyari noong maghiwalay sila. Paano ito maipapaliwanag ni Shentel kay Donoghue? Bahagyang ngumiti si Donoghue. “Wala kang maibibigay na sagot sa akin? Nagsinungaling ka, hindi ba? Sa tingin mo ay isa akong talunan. Kailangan ko bang mag-alala sa ibang mga bagay kung iniwan na ako ng babae ko?” Nakita ang labis na kasiyahan sa mga mat ani Donoghue; hindi na ito makapag-isip ng maayos. Nang bigla nitong hinila si Debra palapit sa kaniyang mga braso. Dumaing si Debra nang humampas ang kaniyang katawan sa mga braso ni Donoghue. Bago nito subukang kumawala ay mahigpit siyang niyakap ni Donoghue.“Huwag kang mag-alala ate. Labis kitang mamahalin sa hinaharap.” Tumawa si Donoghue nang lumapit ang mga labi nito
Ginamit ni Donoghue ang kaniyang buong lakas. Umihip ang malakas na hangin sa sirang tamplo at nag-iba ang hangin; labis na nakakatakot ang lakas. Akala ni Donoghue ay isa lamang ordinaryong monghe si Rama; akala nito’y mabilis niyang mapapatay ang monghe. Nagpigil hininga sina Debra at Shentel habang matindi rin silang pinagpawisan; nag-alala ang dalawa para kay Rama. Hindi sinubukang Ilagan ni Rama ang pag-atake. Salungat dito ay umiling si Rama nang umatake si Donoghue; nakita ang kaunting awa sa kaniyang mga mata. “Mag-iingat ka, Mister.” Nagbigay babala si Debra. Kinabahan din ang katabi nitong si Shentel. Mayroong Sky Breaking Axe si Donoghue. Napaka kaunting tao lamang sa siyam na kontinente ang makakatalo rito. Boom! Sa wakas ay tumama ang palad ni Donoghue sa dibdib ni Rama! Narinig nila ang mahinang pagdaing! Ipinikit nina Debra at Shentel ang kanilang mga mata. Akala ng mga ito ay mawawalan na ng buhay ang monghe matapos itong tamaan gn palm attack ni Dono
Whoa! Parang pinunit sa dalawa ng axe ang madilim na kalangitan! Biglang nanginig sina Debra at Shentel—labis silang nag-alala kay Rama. Paniguradong nasa peligro ang monghe matapos itong gamitan ng Sky Breaking Axe ni Donoghue. ‘Ang Sky Breaking Axe?’ Napasigaw ang puso ni Rama nang maramdaman niya ang lakas na nasa gintong liwanag. Hindi na ito kalmado katulad ng dati; hindi niya inakalang mayroong Sky Breaking axe ang kaniyang kalaban. Maraming natutunan si Rama bilang pinunong monghe ng Temple of Enchanted Retreat at tagatanggap ng mga kakayahan ng Bodhidharma. Kaya paano nito hindi malalaman ang mga sandatang katulad ng Sky Breaking Axe?“Mayroon ka palang Grand Weapon; hindi nakapagtatakang mayabang ka.” Dahan dahang sinabi ni Rama nang huminga ito ng malalim. Madilim ang kaniyang mukha. Buzz! Lumutang ang katawan ni Rama habang tahimik nitong binigkas ang Buddhist mantra. Pagtapos ay lumabas ang gintong liwanag sa buo katawan nito. Ipinagdikit ni Rama ang kan
Sa wakas ay malamig na nagsalita si Rama! “Thousand Buddhas!” Nag-iba ang kulay ng daigdig matapos bigkasin ni Rama ang huling salita! Biglang nakita ang malaking gintong ulap sa madilim na kalangitan. Bumulong sa hangin si Rama at pumunta sa maliwanag na mga gintong ulap. Malinaw na nakita sa kaniyang likuran ang malaking anino ng Buddha. Nabuo ang anino gamit lamang ang Buddhist internal energy. Para bang nagpakita ang totoong Buddha. Boom! Malakas na nanginig ang kalbong bundok nang marinig nila ang malakas na ingay. Pagtapos ay kaagad na gumuho ang sirang templo. Nabalot ng maliwanag at makinang na liwanag ng Budha ang lugar na mayroong ilang kilometrong lawak. Thousand Buddhas—ito ang pinaka makapangyarihang mataas na kakayahan ng Bodhidarma, at ito rin ang pinakamahirap gawin. Ilang libong taon na ang nakalipas pero hindi pa rin lubusang naiintindihan ng mga pinunong monghe ng Temple of Enchanted Retreat ang tungkol sa kakayahang ito. Sampung taon na ang nakalipas nan
”Mister!” Tahimik na tiningnan ni Rama si Donoghue at nagsalita. “Mahabagin at mabait sa mundo si Buddha. Kahit gaano pa kasama ang isang tao, basta tuluyan lang nitong tigilan ang masasamang gawain at gumawa ng mabubuting bagay ay papatawarin at tatanggapin siya ni Buddha. Natalo kita. Anong pang gusto mong sabihin?” Hindi malakas ang boses nito pero nakakakumbinsi. Itinapon ni Donoghue ang kaniyang ulo pataas at tumawa sa langit; mayabang at hindi pa rin ito natitinag. “Gusto mo akong maging masunurin? Kakakilala mo lang sa akin, kalbong asno. Naging Emperor ako ng Westrington, at mayroon akong sinaunang Grand Weapon. Wala sa buong mundo ang makakapagpasuko sa akin; kahit na ang Buddha ay hindi iyon magagawa.” Nandilim ang mukha ni Rama; lumaki ang gulat na mga mata nito habang matinding nakatitig kay Donoghue. Bilang isang monghe ay palaging sinunod ni Rama ang prinsipyo ng pagiging mahabagin, pero alam nito kung saan titigil. Ginalit si Rama ng malupit na pahayag ni Dono