Kabanata 218
Napuno rin ng pagaalala ang mukha ni Giselle. Napakagat na lang ito sa kaniyang labi habang bumubulong ng, “Ok lang ako, kuya Darryl.”

Ngumiti naman si Darryl sa kaniya at sinabing. “Huwag kayong magalala, maguusap lang kami roon. Hindi ako makikipagaway.”

“Makinig ka sa akin Darryl. Huwag ka nang pumunta roon.” Mahinang sinabi ni Lana.

Nasa dalawang metro ang taas ng dalawang mga bodyguards na ito! Kaya siguradong hindi magiging maganda ang lahat para kay Darryl sa sandaling magdesisyon siyang pumunta sa washroom.

“Makinig ka sa akin, hindi pupuwedeng pumunta roon. Naririnig mo ba ako?” Nagpatuloy si Lana sa pagkumbinsi kay Darryl.

“Ok lang ako, huwag kayong magalala.” Mabilis na naglakad si Darryl papunta sa washroom.

Nang marealize nilang hindi na nila ito mapipigilan pa, nagaalala na lang na tumingin sina Giselle at Lana sa isa’t isa.

Agad na nakarating si Darryl sa washroom. Agad niyang nakita si Dalton at ang dalawa nitong mga bodyguard paghakbang niya papasok ng CR.

Luma
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP