Nagtaka at nasurpresa ang lalaking nakasuit kay Darryl. Hindi niya inasahang marunong itong magayos ng mga sasakyan. Pero napuno pa rin ng inis ang kaniyang mga mata habang nakatingin dito.Hindi nagtagal ay nalaman na rin ni Darryl kung saan nagmumula ang problema at agad na sinimulan ang pagaayos nito. Kasabay nito ang pagtingin niya sa babae para magtanong ng, “Saan pala kayo nanggaling? Mukhang matagal nang hindi nachecheck ang sasakyang ito tama?”Marami sa mga parts ang kinakailangan nang palitan. Kaya malinaw na hindi marunong ang magkasintahan na magmaintain ng sasakyan.Swoosh! Napasimangot naman dito ang lalaki bago naiinis na sumigaw ng, “Hoy, bilisan mo na itong ayusin kung alam mo talaga ang ginagawa mo. Bakit ba ang dami mong mga tanong? Ano bang koneksyon nito sa buhay mo?”Masyadong naging mapagmataas ang tono ng lalaki matapos nitogn isipin na walang karapatan si Darryl na malaman kung saan sila nagmula.Hindi naman dito natuwa ang babaeng nakacheongsam. Agad ni
“Napakagaling mo talaga!”Napapalakpak si Tanya at halos magtatalon sa sobrang tuwa. Buong paghanga at pagpapasalamat niyang tiningnan si Darryl habang sinasabi na, “Inakala kong sira na talaga ang sasakyang ito. Sino nga ba ang magaakala na maaayos mo ito nang ganoon kadali!”Dito na nagtanong si Tanya ng, “Oh, hindi pa pala kita kilala, saan ka rin pala nagmula?”“Ako?”Nagisip si Darryl ng isang sandali bago siya sumagot ng, “Ako nga pala si Darren Darby na nagmula sa World Universe.”Gusto sanang sabihin ni Darryl ang tunay niyang pangalan pero agad na nagbago ang kaniyang isip. At sa halip ay napagdesisyunan niyang itago ang kaniyang pagkakakilanlan dahil masyado nang kilala ng kaniyang pangalan sa Nine Mainland.“Oh, kaya naman pala marunong kang magayos ng mga sasakyan, nagmula ka pala sa World Universe.” Napapagtantong sinabi ni Tanya.Ang World Universe ay ang pinaka advanced na kontinente sa Nine Mainland pagdating sa teknolohiya. Halos alam ng lahat ang tungkol sa mga
Inistart ni Tanya ang sasakyan at nagmaneho papasok sa Green Dragon City Gate. Napabuntong hininga na lang si Darryl nang makarating sila sa City Gate, bumigat ang kaniyang pakiramdam sa mga eksena na kaniyang nasaksihan. Doon niya nakita ang libo libong mga sibilyan na magkakasamang nagtitipon tipon sa labas ng city gate. Karamihan sa mga taong ito ay mga refugees na lumikas mula sa World Unvierse. May bitbit na gamit ang ilan sa kanila habang ang iba naman ay tumutulong sa pagbubuhat ng matatanda at batang miyembro ng kanilang pamilya. Mukhang pagod na pagod na ang mga ito. Isang checkpoint ang sinetup sa city gate na binantayan ng mga armadong garrison soldier ng Green Dragon City na siya ring naginterview sa mga refugee. Naglakad at nagkatulakan paabante ang mga refugee sa dami ng mga ito. Kasalukuyang nababalot ng kaguluhan ang city gate ng Green Dragon City Gate. “Manahimik kayong lahat!” Dito na sumigaw ang isang captain ng, “Ano ang ingay na iyon? Pumila kayo at pum
Napaaray si Tanya sa kaniyang sarili habang natutulala sa kaniyang puwesto. Pero hindi siya nagalit sa Captain dahil sobra sobra na rin naman ang pamamahiyang ginawa ng kaniyang pinsan. Natawa naman si Darryl sa kaniyang sarili. Habang nagpapakita ng bahagyang ngiti sa kaniyang mukha, lihim siyang natuwa sa mga nangyari. Nakahanap na rin si Jonas ng katapat niya. Siya rin ang may kasalanan nito matapos niyang magpakaarogante sa harapan ng captain. Kasabay nito ang pagbibigay ni Darryl sa captain ng isang sumasangayon na tingin. Hindi niya inasahan na magkakaroon ang maliit na Green Dragon City Gate ng isang sundalong tapat sa kaniyang tungkulin! “Ikaw—" Tinakpan ni Jonas ang kaniyang mukha habang nasusurpresa at nagagalit sa ginawa sa kaniya ng captain. Tinuro niya ito at hindi makapaniwalang sinabi na, “Ang lakas ng loob mong saktan ako ah? Ako ang tagapagmana ng pamilya Dokko sa Middle Terra habang ikaw ay isa lang pipitsuging kapitan na nagbabantay sa miserableng gat
Nakasuot ng isang puting cheongsam si Tanya. Sapat na ang sexy at matikas nitong katawan para maglaway ang napakaraming kalalakihan sa paligid. Nanginig naman dito ang bahagyang nababahala na si Tanya. “Sinabi ng aking assistang na isang magandang binibili mula sa pamilya Snyder ng Middle Terra ang nagpunta sa munti naming bayan. Ang binibining ito ay walang iba kundi ikaw, tama?” Tanong ni Zane habang nakatinging tinitingnan mula ulo hanggang paa si Tanya. Mmm! Hindi na naging kumportable si Tanya sa ginagawang pagtingin sa kaniya ni Zane, tumango lang siya habang sumasagot sa tanong nito. "Tsk... tsk..." Napatitig nang husto si Zane kay Tanya habang sinasabing. “Hindi ko inasahan na magkakaroon ng ganito kagandang binibini ang Middle Terra. Miss Snyder, agad mong nakuha ang puso ko noong una kitang makita. Narinig ko na nandito ka raw para pagusapan ang pageexpand ng inyong mga negosyo rito. Mabuti na lang at marami akong mga kilalang negosyante sa Westrington. Kaya bakit
“Huwag ka nang matakot Ms. Snyder. Hindi ko lang susuportahan ang inyong mga negosyo dahil aalagaan din kita nang husto sa sandaling makipaginuman ka sa akin…” Tumawa at niyakap pa nang husto ni Zane si Tanya bago tumalikod para maglakad papasoksa city. Maraming mga sibilyan ang nakaramdam ng frustration sa kanilang mga sarili pero hindi pa rin nila nagawang ilabas o ipakita manlang ito sa harap ni Zane. Alam ni Tanyang hindi na siya makakawala pa sa ginagawang ito ni Zane kaya sumuko na lang siya at pumikit habang nauubos na ang pagasa sa kaniyang dibdib. Kasalukuyan na siyang nababalot ng desperasyon sa mga sandaling ito! Nagsisi na nang husto si Tanya sa kaniyang ginawang pagpunta rito. Nakinig na lang sana siya sa kaniyang pamilya na nagbabala sa kaniyang huwag umalis at makipagusap sa ibang tao nang magisa. “Tigil!” Pero isang nanlalamig na boses ang narinig ng lahat sa mga sandaling ito. Kasabay nito ang paglalakad ng isang imahe ng tao mula sa gitna ng mga naghihinta
“Darren!” Nabahala nang husto rito si Tanya habang nagpapatuloy sa panginginig ang kaniyang katawan. Naging kasing concerned ng kaniyang mukha ang pagaalala na kaniyang nararamdaman para kay Darryl. Sumigaw na lang ito ng, “Umalis ka na, Dali! Wala ka namang kinalaman pa rito! Kaya tumakas ka na, bilisan mo…”Nagdadalawang isip si Tanya na makita ang pagpasok ni Darryl sa isang gulo nang dahil sa pagtatanggol nito sa kaniya. Nagkataon lang din ang kanilang pagkikita na para bang dalawang mga halaman sa ilog na magkasabay inanod at tumama sa isa’t isa. Pero… Tahimik lang na tumayo roon si Darryl na para bang wala siyang narinig kay Tanya, tiningnan niya ang mga sundalo na pumaligid sa kaniya pero hindi pa rin nagpatinag ang seryoso niyang itsura. “Hoy Bata!”Inobserbahan ng captain si Darryl at nanlalamig na sinabing, “Ang lakas talaga ng loob mo. Paano mo nagawang hamunin si Mr. Xanthos! Kung alam mo pa ang makabubuti sa iyo, sumuko ka na lang para mabawasan manlang ang sakit
”Batang lalaki!” Sa wakas ay nag-react at ngumiti ng malaki si Zane kay Darryl. “Hindi na masama. Kahit na matalo mo pa ang mga lalaking ito, para sa mga mata ko ay isa ka lamang langgam at pool ng putik.Lumamig ang tinign ni Zane at nagsalita ito. “Pero nakikita ko ang halaga ng iyong tapang. So, gusto mong maging bayani? Tutuparin ko ang iyong kahilingan.”Pagtapos ay binigay ni Zane si Tanya sa sundalo sa kaniyang tabi bago niya lapitan si Darryl. Buzz! Nilikom ni Zane ang kaniyang internal na enerhiya. Lumabas ang malakas na kapangyarihan mula sa lalaki at napuno nito ang hangin. Naramdaman ng mga tao ang presyon—nagbago ang kanilang mga ekspresyon at mabilis na umatras ang mga ito.Napabuntong hininga si Darryl bago tuluyang ngumiti nang maramdaman niya ang lakas ni Zane. ‘Hindi nakapagtatakang napakayabang ng batang ito; isa pala siyang level one Martial Emperor.’ “Pumunta ka sa impyerno! Sino ka para banggain ako.” Sigaw ni Zane nang sumintok ito; inilabas niya ang