Kabanata 2174
“Ikaw—"

Hindi inaasahan ni Donoghue na mapapaatras si Shentel ng ilang hakbang na parang isang takot na bata bago pa man niya ito malapitan. Makikita rin ang stress sa maganda nitong mukha. Ibinuka nito ang kaniyang bibig para sabihing, “Huwag kang lalapit sa akin—"

Swoosh!

Napatigil si Donoghue sa kaniyang paglalakad, pero nanatili pa rin ang ngiti sa ka kaniyang mukha. Kasalukuyan siyang nagtataka sa naging reaksyon ng kaniyang asawa.

Ano ang nangyari? Naging mabait at maalaga sa kaniya si Shentel noong magkasama sila nito. Paano ito napalayo sa kaniya pagkatapos nilang hindi magkita ng mahabang panahon?

Siguradong sinisisi siya nito dahil sa tagal ng ginagawa niyang paghahanap.

Mapait na ngumiti si Donoghue habang nagpapaliwanag kay Shentel. “Patawarin mo ako, mahal kong asawa. Hindi naman sa ayaw kitang hanapin sa lalong madaling panahon. Nagpadala na ako ng mga tauhan para hanapin ka, pero wala pa ring kahit na sino sa mga ito ang nakakuha ng kahit na anong balita tungkol s
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP