Sa wakas ay nakabalik na rin si Zhu Bajie sa realidad. Inutusan niya si Shentel na “Bantayan mo siya rito, hahanapin ko lang si Kuya Darryl!” Dito na inubos ni Zhu Bajie ang laman ng hawak niyang wineglass bago tumalikod at umalis sa kuwarto.Napagdesisyunan ni Zhu Bajie na hayaan si Darryl na umayos sa kaniyang problema. Sabagay, babae niya naman ito.“Ms. Debra!”Nang makaalis si Zhu Bajie, bahagyang napabuntong hininga si Shentel bago dahan dahang maglakad paabante para icomfort si Debra. “Kumalma ka lang. Siguradong hindi lang kayo nagkaintindihan ni Darryl. Hintayin lang natin siya para maging malinaw na ninyo ang lahat sa isa’t isa.”Isang maalaga at matalinong babae si Shentel. Alam nito na mayroong hindi pagkakaunawaan sina Debra at Darryl.Siguradong hindi nagsalita nang ganito si Shentel kung nangyari lang ang lahat ng ito noon. Pero matapos nyiang makasama si Zhu Bajie, itinuring na rin niyang kaibigan ang babae nitong si Darryl. Gusto niya sanang pagaanin ang sitwasyon
“Ikaw—"Hindi inaasahan ni Donoghue na mapapaatras si Shentel ng ilang hakbang na parang isang takot na bata bago pa man niya ito malapitan. Makikita rin ang stress sa maganda nitong mukha. Ibinuka nito ang kaniyang bibig para sabihing, “Huwag kang lalapit sa akin—"Swoosh! Napatigil si Donoghue sa kaniyang paglalakad, pero nanatili pa rin ang ngiti sa ka kaniyang mukha. Kasalukuyan siyang nagtataka sa naging reaksyon ng kaniyang asawa.Ano ang nangyari? Naging mabait at maalaga sa kaniya si Shentel noong magkasama sila nito. Paano ito napalayo sa kaniya pagkatapos nilang hindi magkita ng mahabang panahon?Siguradong sinisisi siya nito dahil sa tagal ng ginagawa niyang paghahanap.Mapait na ngumiti si Donoghue habang nagpapaliwanag kay Shentel. “Patawarin mo ako, mahal kong asawa. Hindi naman sa ayaw kitang hanapin sa lalong madaling panahon. Nagpadala na ako ng mga tauhan para hanapin ka, pero wala pa ring kahit na sino sa mga ito ang nakakuha ng kahit na anong balita tungkol s
“Kung ganoon, sige!”Sinundan ito ng mapait na ngiti ni Donoghue habang sinasabing, “Kung ganoon, wala nang rason para sa aking manatili rito.”Hindi pa rin naaalis ang ngiti sa mukha ng nasasaktang si Donoghue sa mga sandaling ito. Nagawa na siyang hiwalayan ng pinakamamahal niyang si Shentel. Hindi rin siya mapatawad ng senior niyang si Debra.Inakala noon ni Donoghue na babalik sa kaniya ang dalawang mga babaeng ito. Pero hindi niya inasahang kabaliktaran ng kaniyang mga inaakala ang mangyayari.Jab! Jab! Dito na biglang nagpakita ang agresyon sa mukha ni Donoghue habang biglaang sumusugod paabante. Itinaas niya ang kaniyang mga kamay para suntukin ang mga acupoint ni Shentel.Hindi ito inasahan in Shentel kaya agad itong nanginig bago tuluyang hindi makakilos ang kaniyang katawan.“Donoghue, ikaw—"Agad na nagbago ang itsura ni Shentel—nasurpresa at natakot siya sa ginawa ni Donoghue. “Ano ang ginagawa mo?”Hindi naman sumagot sa kaniya si Donoghe. At sa halip ay pinatulo
“Hoy!”Dito na galit na lumapit ang staff ng inn. Itinuro nito si Darryl at sumigaw ng, “Sinasabihan na kitang umalis! Hindi mo ba ako naririnig? Bingi ka ba?”Naiinis na si Darryl sa mga sandaling ito, binigyan niya ng isang tingin ang staff at hindi na ito pinansin.“Ano ang nangyayari?” Nakasimangot na lumapit sa kanila ang may ari ng inn. Mukhang nakafocus sa kaniyang kikitain ang mayari nito na isa ring tao na mahilig mangapi ng mas mahina sa kaniya.Woola!Agad na nakuha ng komosyong ito ang atensyon ng mga tao sa paligid.“Boss.”Mas lumakas ang loob ng staff noong makita niya ang kaniyang boss. Itinuro niya si Darryl at naiinis na sinabing, “Pumasok ang taong ito nang walang paalam sa ating mga guest rooms, at hindi rin siya nakinig noong paalisin ko siya rito. Mukhang isa itong manloloko o isang magnanakaw.”Ano?Nagalit nang husto ang mayari ng inn dito. Itinuro niya si Darryl para sermonan ito, “Sino ka ba sa tingin mo? Lumpuhin niyo siya at itapon sa labas.”Naisi
Natigilan ang lahat nang makita nila iyon.Ano ang nangyari? Paanong nakilala ng taong may kakaibang aura ang lalaking iyon?Thud! Habang iniisip ito ng mga tao sa paligid, nilapitan ni Flynn si Darryl bago itiklop ang kaniyang mga tuhod at biglang lumuhod sa harapan nito.Dito na naguluhan ang lahat!Nagulat ang lahat sa mga susunod nilang nasaksihan!Habang ipinapakita ang nasasabik nitong itsura, sinabi ni Flynn kay Darryl na, “Ang mapagpakumbaba po ninyong tagapaglingkod na si Flynn Feuille ay nandito para batiin ang Sect Master. Master, nahanap na rin po kita sa wakas!”Gasp! Natahimik ang buong inn sa mga sandaling iyon. Hindi mapigilan ng karamihan sa mga taong mapapigil hininga nang malakas.Sect Master? Isang Sect Master ang mukhang ordinaryo na taong ito?Saang sekta kaya ito nabibilang?“Ikaw—Ikaw—"At sa wakas, ang may ari ng inn ang naunang makabalik sa realidad. Napalunok ito nang husto habang tinititigan si Darryl. Hindi na ito makapagsalita pa nang diretso
Pagkatapos nilang lumipad ng mahabang panahon, nakarating na rin si Darryl sa hangganan ng Westrington. Nasabik si Darryl nang husto noong makaapak siya sa lupain na sakop ng Westrington.“Buwisit, nakarating na rin ako sa wakas.”Ang Westrington ay isa sa pinakamalalakas na kontinente sa Nine Mainland. Naniniwala si Darryl na mabibigyan niya ng oras para huminga ang World Universe sa sandaling dalhin niya roon ang mga sundalo ng Westrington kung hindi man nila matalo ang mga sundalo ni Yang Jian.Habang iniisip ang tungkol sa bagay na iyon, lumipad muli si Darryl ng isa pang oras bago makarating sa gate ng Green Dragon City.Ang Green Dragon City Gate ay matatagpuan sa hangganan ng Westrington. Isa ito sa mga importanteng gate na kinakailangang lampasan ng kahit na sino bago sila makapasok sa Westrington. Napapaligiran ito ng mga bundok na magpapahirap sa mga umaatakeng sundalo na mapasakamay ang Westrington. Ito rin ang dahilan kung bakit tinawag itong First Fortress ng Westrin
Nagtaka at nasurpresa ang lalaking nakasuit kay Darryl. Hindi niya inasahang marunong itong magayos ng mga sasakyan. Pero napuno pa rin ng inis ang kaniyang mga mata habang nakatingin dito.Hindi nagtagal ay nalaman na rin ni Darryl kung saan nagmumula ang problema at agad na sinimulan ang pagaayos nito. Kasabay nito ang pagtingin niya sa babae para magtanong ng, “Saan pala kayo nanggaling? Mukhang matagal nang hindi nachecheck ang sasakyang ito tama?”Marami sa mga parts ang kinakailangan nang palitan. Kaya malinaw na hindi marunong ang magkasintahan na magmaintain ng sasakyan.Swoosh! Napasimangot naman dito ang lalaki bago naiinis na sumigaw ng, “Hoy, bilisan mo na itong ayusin kung alam mo talaga ang ginagawa mo. Bakit ba ang dami mong mga tanong? Ano bang koneksyon nito sa buhay mo?”Masyadong naging mapagmataas ang tono ng lalaki matapos nitogn isipin na walang karapatan si Darryl na malaman kung saan sila nagmula.Hindi naman dito natuwa ang babaeng nakacheongsam. Agad ni
“Napakagaling mo talaga!”Napapalakpak si Tanya at halos magtatalon sa sobrang tuwa. Buong paghanga at pagpapasalamat niyang tiningnan si Darryl habang sinasabi na, “Inakala kong sira na talaga ang sasakyang ito. Sino nga ba ang magaakala na maaayos mo ito nang ganoon kadali!”Dito na nagtanong si Tanya ng, “Oh, hindi pa pala kita kilala, saan ka rin pala nagmula?”“Ako?”Nagisip si Darryl ng isang sandali bago siya sumagot ng, “Ako nga pala si Darren Darby na nagmula sa World Universe.”Gusto sanang sabihin ni Darryl ang tunay niyang pangalan pero agad na nagbago ang kaniyang isip. At sa halip ay napagdesisyunan niyang itago ang kaniyang pagkakakilanlan dahil masyado nang kilala ng kaniyang pangalan sa Nine Mainland.“Oh, kaya naman pala marunong kang magayos ng mga sasakyan, nagmula ka pala sa World Universe.” Napapagtantong sinabi ni Tanya.Ang World Universe ay ang pinaka advanced na kontinente sa Nine Mainland pagdating sa teknolohiya. Halos alam ng lahat ang tungkol sa mga