Kabanata 2171
Napuno ng pagmamakaawa ang maluluha nang mga mata ni Eira noong sabihin niya ito.

Woo!

Kasalukuyan pa ring nanlalamig ang itsura ni Yang Jian. Hindi nito sinagot ang pagmamakaawa ni Eira.

Dito na biglang nagpanic si Eira, lumuhod ito sa lupa para sabihing, “Parang awa niyo na po, Kamahalan. Parang awa niyo na po! Nagmamakaawa po ako sa inyo—"

Kagaya ng kaniyang ina na si Aurora Hansen, normal na naging arogante at mapagmalaki si Eira mula pagkabata. Hinding hindi nito nagawang yumuko sa kung sinuman. Pero para sa buhay ng kaniyang kuya, nagawa nitong itapon ang kaniyang ego at dignidad sa harapan ni Yang Jian.

"Eira—"

Namula ang ilong ni Ambrose nang makita niya ito, halos maluha na rin ang kaniyang mga mata. Masyadong naantig ang kaniyang puso sa ginawang ito ng kaniyang kapatid.

Kilala sa pride nito ang kaniyang kapatid pero nagawa pa rin nitong yumuko at magmakaawa kay Yang Jian nang dahil sa kaniya.

"Eira!"

At sa huli ay huminga nang malalim si Yang Jian bago kalmadong tin
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP