Kabanata 2169
“Bakit na nandito, Ambrose?” Tanong ni Yvette.

“Mamaya na po tayo magtanungan, Auntie—” Mabilis na naglakad paabante si Ambrose para tanggalin ang taling nakapulupot sa katawan ni Yvette. Malinaw na makikita sa guwapo nitong mukha ang sakit na kaniyang nararamdaman. At sa huli ay dahan dahan nitong sinabi na, “Ok lang po ba kayo, Auntie? Nasaktan po ba kayo?”

Hindi na maitago ni Ambrose ang pagaalala sa kaniyang mukha. Inobserbahan niya si Yvette para malaman kung nasaktan ba talaga ito.

Si Yvette ay isa sa pinakamalapit na tao kay Ambrose—para na siyang naging magulang at ate nito. Kaya agad itong nasaktan nang makita siya ni Ambrose na nasa ganito kasalimuot na sitwasyon.

“Ok lang ako.” Nakangiting iling ni Yvette. At pagkatapos ay nagtanong ito ng, “Ambrose, bakit ka naging isang heneral sa North Moana?”

“Ako—"

Awkward na niyuko ni Ambrose ang kaniyang ulo bago sabihing, “Isang buwan na ang nakalilipas mula noong bumagsak ang New World sa mga kamay ni Yang Jian nang dahil sa a
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP