“Lucas!”Nagawa na ring magreact ni Jacob. Napasimangot siya habang tinatanong si Lucas ng, “Ano ang nangyayari?”Hindi mawawala ang pagkaarogante sa kaniyang pamangkin pero nagawa pa rin nitong lumuhod sa harap ng isang babae. Kaya agad siyang nagtaka sa ginawang ito ni Lucas.Swoosh! Tiningnan nang maigi ng mga nagmula sa Famed Sword Manor si Lucas habang naghihintay ng magiging sagot nito.“Uh—”Pinunasan ni Lucas ang malamig na pawis sa kaniyang noo bago magisip ng isang sandali at sabihing, “Nagawa akong tulungan ng bayaning ito noon, kaya itinuturing ko na siyang tagapagligtas ko. Hindi ko siya nakilala mula sa malayo kanina.”Natatakot pa rin nang husto si Lucas sa mga sandaling ito. Hindi ba niya alam kung sino talaga si Jackie? Kilalang kilala ito sa hindi mapapantayan niyong lupit at kawalan ng awa. Siguradong papatayin siya nito sa sandaling sabihin ni Lucas sa lahat ang tunay nitong pagkatao.Mabuti na lang at mabilis magisip si Lucas, kaya mabilis itong nakagawa n
Woo! Nagliwanag ang mga mata ng lahat. Naintindihan na rin nila ang tunay na nangyari.Inakusahan ni Lucas si Darryl na isang masamang tao. Kaya paanong hindi magagalit ang asawa nito sa kaniya?Katahimikan!Nabalot ng katahimikan ang buong Sword Casting Pool na para bang malinaw na maririnig ng lahat ang pagbagsak ng isang maliit na karayom.“Lucas!”Tumawa si Darryl at tumingin sa lalaki. “Mukhang kailangan mo nang sabihin sa amin ang katotohanan. Ano ang nangyari noong gabing iyon?”Kahit na hindi pa rin niya alam ang koneksyon sa pagitan nina Jackie at Lucas, naniniwala si Darryl na hindi magsasalita ng kahit na anong kalokohan si Lucas sa kanilang harapan.“Uh—”Biglang pumait ang mukha ni Lucas. Mayroon siyang binulong sa kaniyang sarili bago tumingin kay Jackie at nanginig. Hindi na niya ipinagpatuloy pa ang pagsasalita.Siniraan niya si Darryl para matulungan si Jackie na maghiganti, pero paano niya sasabihin ang bagay na ito kay Darryl?”“Sabihin mo sa amin!” Nanla
Napakagat na lang sa kaniyang labi si Parker habang nakatingin kay Darryl. Dito na niya sinabing, “Huwag mo sana kaming sisihin sa hindi pagkakaunawaang ito. Huwag ka ring magatubiling tawagin kami sa susunod kapag nangailangan ka ng aming tulong. Sinisiguro ko na sa iyo ngayon pa lang na tutulong ang Famed Sword Manor sa abot ng aming makakaya.”Napuno ng sinseridad ang magandang mukha ni Parker nang sabihin niya iyon.Isa nang maimpluwensyang tao si Darryl. Halos masira na ni Parker ang kanilang relasyon nang dahil sa isang hindi pagkakaunawaan, kaya dapat lang na siya rin ang umayos dito.“Walang problema!”Tumango si Darryl habang kumakaway at nagpapaalam kay Parker.Mayroong hindi mapapantayang husay ang Famed Sword Manor sa paggawa ng mga sandata, kaya alam ni Darryl na makikinabang din siya nang husto sa sandaling makipagalyansa siya sa mga itoPagkatapos ng ilang minuto, makikita ang dalawa sa tabi ng isang burol na may ilang kilometrong layo mula sa Famed Sword Manor. Na
“Bakit na nandito, Ambrose?” Tanong ni Yvette.“Mamaya na po tayo magtanungan, Auntie—” Mabilis na naglakad paabante si Ambrose para tanggalin ang taling nakapulupot sa katawan ni Yvette. Malinaw na makikita sa guwapo nitong mukha ang sakit na kaniyang nararamdaman. At sa huli ay dahan dahan nitong sinabi na, “Ok lang po ba kayo, Auntie? Nasaktan po ba kayo?”Hindi na maitago ni Ambrose ang pagaalala sa kaniyang mukha. Inobserbahan niya si Yvette para malaman kung nasaktan ba talaga ito.Si Yvette ay isa sa pinakamalapit na tao kay Ambrose—para na siyang naging magulang at ate nito. Kaya agad itong nasaktan nang makita siya ni Ambrose na nasa ganito kasalimuot na sitwasyon.“Ok lang ako.” Nakangiting iling ni Yvette. At pagkatapos ay nagtanong ito ng, “Ambrose, bakit ka naging isang heneral sa North Moana?”“Ako—"Awkward na niyuko ni Ambrose ang kaniyang ulo bago sabihing, “Isang buwan na ang nakalilipas mula noong bumagsak ang New World sa mga kamay ni Yang Jian nang dahil sa a
“Kamahalan, ako po—” Nanginginig na sinabi ni Ambrose. Ibinuka niya ang kaniyang bibig pero hindi pa rin niya alam kung paano ipapaliwanag ang kaniyang sarili.“Tama na! Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag.” Maiksi lang ang pasensya ni Yang Jian kaya wala na siyang sinabi pa na kahit ano. Agad itong tumuro kay Ambrose at nanlalamig na sinabing, “Pabagsakin ninyo siya!”Swoosh! Swoosh! Swoosh!Agad na lumipad sa kalangitan si Gunggong kasama ang ilan pang mga naglalakasang cultivator para sugurin si Ambrose.“Magiingat ka, Ambrose!”Nanginig dito si Yvette, nabahala siya nang husto sa mga pangyayari. Gusto niyang tumulongpero hindi pa niya nababawi ang nawalang enerhiya sa kaniyang katawan. Wala rin siyang maitutulong sa inaatakeng si Ambrose.Ka-cha! Hindi na makapagisip pa si Ambrose sa mga sandalig iyon. Dito na nagflash ang isang gintong beam ng liwanag sa kaniyang mga palad kung saan nagpakita ang kaniyang Tyrant Hammer!Ayaw na niyang gawing kumplikado ang lahat para
Napuno ng pagmamakaawa ang maluluha nang mga mata ni Eira noong sabihin niya ito.Woo!Kasalukuyan pa ring nanlalamig ang itsura ni Yang Jian. Hindi nito sinagot ang pagmamakaawa ni Eira.Dito na biglang nagpanic si Eira, lumuhod ito sa lupa para sabihing, “Parang awa niyo na po, Kamahalan. Parang awa niyo na po! Nagmamakaawa po ako sa inyo—"Kagaya ng kaniyang ina na si Aurora Hansen, normal na naging arogante at mapagmalaki si Eira mula pagkabata. Hinding hindi nito nagawang yumuko sa kung sinuman. Pero para sa buhay ng kaniyang kuya, nagawa nitong itapon ang kaniyang ego at dignidad sa harapan ni Yang Jian."Eira—"Namula ang ilong ni Ambrose nang makita niya ito, halos maluha na rin ang kaniyang mga mata. Masyadong naantig ang kaniyang puso sa ginawang ito ng kaniyang kapatid.Kilala sa pride nito ang kaniyang kapatid pero nagawa pa rin nitong yumuko at magmakaawa kay Yang Jian nang dahil sa kaniya."Eira!"At sa huli ay huminga nang malalim si Yang Jian bago kalmadong tin
“Aking disipulo!” Ikinaway ni Zhang Jue ang kaniyang kamay at sinabing, “Ngayong bihag na ng kamahalan ang iyong kuya, siguradong ligtas siya sa mga sandaling ito. Magpahinga ka na iha. Kailangan ko pang tingnan ang mga mapa para tingnan kung ano ang susunod nating magiging hakbang.”Mabagal, kalmado at hindi makukwestyon ang tono sa pananalita ni Zhang Jue.“Opo, Master!” Sagot ni Eira habang mabilis na lumalabas ng kuwarto.Nadismaya nang husto si Eira nang makalabas siya sa kuwarto ni Zhang Jue. Kasabay nito ang malakas na pagkabog ng kaniyang dibdib sa sobrang pagkabagabag.“Hindi ba walang pakialam si Master sa mga kasalukuyang pangyayari sa mundong ito? Bakit bigla na lang nagbago ang kaniyang pananaw at naging isang taong sabik sa pakikipaglaban? Paano itong nangyari?”“Siguradong hindi ko maililigtas si Ambrose kung ayaw akong tulungan ng aking Master. Ano na ang dapat kong gawin?”…Samantala, isa Windhill Town ng Yellow Sea Continent.Matatagpuan ang Windhill Town sa
Sa wakas ay nakabalik na rin si Zhu Bajie sa realidad. Inutusan niya si Shentel na “Bantayan mo siya rito, hahanapin ko lang si Kuya Darryl!” Dito na inubos ni Zhu Bajie ang laman ng hawak niyang wineglass bago tumalikod at umalis sa kuwarto.Napagdesisyunan ni Zhu Bajie na hayaan si Darryl na umayos sa kaniyang problema. Sabagay, babae niya naman ito.“Ms. Debra!”Nang makaalis si Zhu Bajie, bahagyang napabuntong hininga si Shentel bago dahan dahang maglakad paabante para icomfort si Debra. “Kumalma ka lang. Siguradong hindi lang kayo nagkaintindihan ni Darryl. Hintayin lang natin siya para maging malinaw na ninyo ang lahat sa isa’t isa.”Isang maalaga at matalinong babae si Shentel. Alam nito na mayroong hindi pagkakaunawaan sina Debra at Darryl.Siguradong hindi nagsalita nang ganito si Shentel kung nangyari lang ang lahat ng ito noon. Pero matapos nyiang makasama si Zhu Bajie, itinuring na rin niyang kaibigan ang babae nitong si Darryl. Gusto niya sanang pagaanin ang sitwasyon