Kabanata 1798
Nang magsalita ito, lumingon ang kanilang pinuno at nag-utos. “Bilisan ninyo, ihatid ang balita sa kamahalan. Sabihin ninyong inaatake tayo ng World Universe.”

“Masusunod!” Sagot ng mga ito at kaagad na tumalikod para tumakbo papuntang palasyo.

Nang sandaling iyon ay bahagyang humakbang ang pinuno at tiningnan nitong maigi si Fanny. “Ikaw ang pinuno ng grupong ito, hindi ba? Sasabihin ko sayong kailangan mo nang umalis kasama ang mga tao mo kung ayaw mong mamatay nang wala sa oras. Kung hindi ay kailangan nating magsimula sa one-to-one na labanan.”

Inilabas ng pinuno ang mahaba nitong espada matapos magsalita, umagos palabas ng kaniyang katawan ang internal na enrhiya. Mukhang hand ana itong umatake ano mang sandali.

Bahagyang ngumiti si Fanny at nagkunwaring hindi ito naapektuhan. “Ha-ha! Karapat-dapat bang magkaroon kami ng isang paglalaban ng isang maliit na pinuno? Hindi ka kuwalipikadong gawin iyon. Dapat nang madala dito kaagad ng inyong Emperor ang aming Master.”

Napaalala
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP