Kabanata 178
Dahil isa lang itong misunderstanding, wala nang pakialam si Darryl kahit makita pa siya ng mga Lyndon na kumain kasama si Shelly. Malaki na ang naitulong ni Shelly sa kaniyang ama mula noong una itong maadmit sa ospital. Pero ngayon ay nagawa pa itong ipahiya ni Samantha dahil sa mali nitong pagkakaintindi, kaya naramdaman ni Darryl na kinakailangan niyang ilibre ito ng pagkain.

“Sigurado ka bang ok lang ang bagay na ito, Kuya Darryl?” Sabi ni Shelly habang kinakagat ang kaniyang mga labi at halatang napapahiya sa harap nilang lahat. Kanikanina lang ay nagawa na siyang pagisipan ng kung ano ano ni Samantha. Kaya sa sandaling kumain siya kasama ni Shelly, siguradong iba na ang iisipin sa kanila ng mga Lyndon.

Pero mukhang wala namang pakialam dito si Darryl. “Ano ba ang dapat mong ikatakot? Gusto ko lang magpasalamat sa pagaalaga mo sa aking mga magulang nitong mga nakaraang araw.”

Habang sinasabi ang mga bagay na ito, buong pasasalamat na tumingin si Darryl kay Shelly. Hindi maik
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo