Kabanata 1654
Bang!

Mabilis na nahulog ang katawan ni Darryl at sumgiaw siya. Nahulog siya sa mga sangay nang puno bago siya bumagsak sa lupa.

Bang!

Kung wala ang proteksyon galing sakanyang internal energy, mabigat ang pagkahulog ni Darryl. Ang internal energy niya ay tumataas at nararamdaman niyang mababali na ang kanyang buto habang sumusuka siya ng dugo.

Walang parte sa katawan niya na hindi masakit. Nagdilim ang paningin niya at muntik na siya mahimatay. Sa parehong oras, nagagalit siya. Paano siya nagawang i-ambush ni Tina nang ganito?

Kahit na ang tunog nang pagkahulog ni Darryl ay hindi malakas, naging alerto pa rin si Westley at ang kanyang mga kasama.

Sa sandaling ‘yon, tumingin na sa paligid si Westley. Kahit na isang dosenang talampakan ang layo nila at may malalim na gubat sa pagitan nila, hindi niya nakita si Darryl. Pero, maingat na tao si Westley kaya naman mabilis niyang tinanong ang kanyang alagad sa gilid niya, “Ano ‘yong tunog na ‘yon? Narinig mo ba?”

Lahat sila ay nagkat
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP