Kabanata 1507
Talentado si Kilenc Dokko!’

Pasikretong napakunot ng noo si Darryl nang masaksihan nito ang pangyayari habang tinanong nito si Pang Tong. “Pang Tong, kamusta na? Sa tingin mo ba ay matatalo natin itong si Kilenc Dokko?”

Katunayan ay hindi naman masama ang kakayahan nito sa pampanitikan, pero medyo kinabahan parin ito kung ikukumpara kay Kilenc.

Kung sabagay, kilala bilang talentadong henyo at tunay na scholar si Kilenc.

Tumawa si Pang Tong at pinakalma nito ang lalaki. “Huwag kang mataranta Master! Talentado si Kilenc pero tiwala akong kaya ko siyang talunin!” Kalmadong sabi ni Pang Tong habang may pagka-arogante sa boses nito.

Hindi kailanman natalo si Pang Tong sa kakayahan sa pampanitikan, kapantay nito ang sikat na si Zhuge Liang.

Umakyat sa entablado ang tatlo pang kalahok habang nag-usap naman ang natirang dalawa. Kahit na nagawa nilang bigkasin ang kanilang mga tula at hindi ito maikukumpara kay Kilenc kung pag-uusapan ang kakayahan at pagsulat. Malagi ang agwat.

Wow!

Ag
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP