Hindi tinago ni Darryl ang kaniyang lakas nang buoin nito ang protective shield.Wala nang punto pa para magkunwari dahil finals na.Malapit na tinignan ni Darryl si Carl. “Carl! Hindi mo inakala iyon, hindi ba? Hayaan mong sabihin ko sa iyong; hindi ako isang Martial Saint!”Ang sumunod ay bahagyang pinaglayo ni Darryl ang kaniyang mga braso at binti at kalmado itong nagsalita. “Umatake ka na, pero ngayon ay ako naman!”Sumabog ang internal na enerhiya ni Darryl nang siya’y magsalita, kasing bilis ng kidlat itong sumugod.Bang!Walang naging oras si Carl para maka-react. Tinamaan ito ng malakas ng suntook ni Darryl at lumipad palabas ng arena ng labanan ang katawan nito, pagtapos ay bumagsak ang lalaki na parang sirang saranggola. Tumama ito sa isang haligi matapos lumipad ng may isang daang metrong layo bago lumapag sa sahig.Pinilit ni Carl na tumayo, tumingin ang maputlang mukha nito sa direksyon ni Darryl. Nagulat ang lalaki. ‘Tinago ng lalaking ito ang kaniyang internal na
Napatigil at nanatiling tahimik ang Emperor ng New World nang marinig nito ang diskurso ng mga tao. Hindi ito makapagdesisyon.‘Malaking opensa ang ginawa ni Lucas na itago ang kaniyang pagkatao. Sa kabilang banda ay matalino at matapang ito; isa itong bihirang talent. Matatanggal sa kompetisyon ang lalaki kapag nagpasya akong isa itong panloloko sa maharlikang pamilya at masasayang ang lahat.’Tumingin ito kay Florian nang maisip iyon. “Ministro Florian, ano sa tingin mo ang dapat kong gawin?”“Ah..” nagulat si Florian at nagsimulang bumulong. “Hi-hindi ako sigurado.”‘Ang sambahin ang Kamahalan lamang ang alam kong gawin; wala akong kahit na anong ideya sa paghawak ng ganito kalaking problema.’Hindi mapigilang magsalita ng kanina pa tahimik na si Yvette. “Ama! Tinago ni Luca ang kaniyang totoong kakayahan at niloko ang maharlikang pamilya. Hindi nito nirespeto ang ating pamilya. Hindi lamang siya dapat na matanggal, dapat din itong patayin sa harap ng publiko!”Tumitig si Yvet
Malamig na pinagpawisan si Florian nang sandaling iyon.‘Hayop, buti nalang at panakot lang iyon.’Siyempre ay hindi ito nag-alala sa kaligtasan ni Luca, ngunit maaari itong madamay.Walang nakapansin sa ginawang pagtago ni Luca Moonlight sa kaniyang tunay na lakas. Ito ay resulta ng hindi maayos na pagbantay ng tagahatol.“Woo!”Pasikreto ring napahinga ng malalim ang mga manonood para kay Darryl. Agad ring nagbago ang pananaw ng mga ito kay Darryl.“Isang alagad ng ibang makamundong master ang Luca na ito. Hindi nakapagtataakng napakalakas niya at ayaw nitong ipagsabi ang kaniyang katauhan.”Bumalik ang Emperor sa kaniyang tronong dragon at walang emosyong nagsalita. “Ipagpatuloy ang kompetsisyon!”Agad na tumango si Florian bago ito naglakad at malakas na nagsalita. “Ok! Ngayon ay paglalabanan na ang pagkapanalo sa unang pwesto. Mag papalabunutan kayong tatlo, maglalaban ang dalawang mananalo at ang matitira sa dalawa ay ang lalaban para sa unang pwesto.”Nag palabunutan na
Isang Level One Heaven Ascension?’Tinago rin ni Matteo ang kaniyang lakas! Huminga ng malalaim si Darryl bago ito mas naging maingat!Sa katunayan ay hindi mag-aabala si Darryl para biyan ito ng atensyon kung isa lamang Martial Emperor ang lebel ni Matteo.Ngunit ibang usapan na kapag nasa Heaven Ascension ang lebel nito dahil kung ganoon ay isa na ito sa pinakamalalakas na indibidwal na nasa Nine Mainlands.Sina Gonggong at Zhu Bajie na mula sa North Moana ay parehong Heaven Ascension na mga cultivator!“My God, itinago rin ni Master Hanson ang kaniyang kapangyarihan?”“Mukhang mas lamang si Master Hanson! Sigurado akong hindi ito inakala ni Luca Moonlight…”“Nakakainteres! Mas nagiging interesado ako sa kompetisyon ito!”Nag-init ang mga pag-uusap ng mga manonood habang tinitiis ang nakakasakal na pwersa.Napangiti at tumango ang Emperor ng New World na nasa taas ng entablado. “So, tinago rin pala ni Matteo Hanson ang kaniyang kapangyarihan. Magaling! Mas kaabang-abang ang
’B-bakit napakalakas ni Luca? Isa lamang itong Level Five Martial Emperor pero nagtagal ito laban sa mga pag-atake ni Matteo…’Hindi makapaniwala ang lahat habang nanonood, mas napaisip ang mga ito.Posibleng hindi maintinidihan ng mga ordinaryong tao ang mga pangyayari sa dalawa habang nasa gitna ng ere. Pero may napansing kakaiba ang ilan sa mga cultivator.Kahit na nahirapang magtagal si Luca ay napagtanto nilang nadepensahan parin nito ang mga pag-atake ni Matteo! Mas lalo ring nagulat si Matteo nang sandaling iyon.‘Anong nangyayari?’May nakadikit na Purple Cloud Enchanted Flame sa bawat pag-atakeng ginawa ni Matteo, pero mabilis lamang itong nalulusaw ni Luca.Hindi kaya’y mayroon ding Purple Cloud Enchanted Flame si Luca?Hindi napagtanto ni Matteo na ang taong nasa kaniyang harapan ay mortal niyang kaaway, si Darryl Darby!Sa nakalipas na mga taon ay nagsanay ding maigi si Darryl sa pag-cultivate ng White Lily Cold Flame sa ibabaw ng paghasa niya sa kaniyang cultivati
SI Matteo ang may pinakamaraming naging suporta mula sa mga manonood magmula noong nagsimula ang martial arts marriage tournament at masasabing hindi kakayanin nino man ang kapangyarihan nito sa pagiging isang Heaven Ascension level!Ngunit natalo ito nang sandaling iyon.Ang pinakamahalaga, ang kalaban nito—si Luca Moonlight at isa lamang Level Five Martial Emperor.“Ikaw…”Magulo ang hitsura ni Matteo nang lumabas ito mula sa butas sa oras na iyon at mapula ang mga mata nitong tumitig kay Darryl. “N-nag cultivate ka rin ng Purple Cloud Enchanted Flame?”Kalagitnaan na ito nang kaniayng mapagtanto na parang may mali. Hindi ito matatalo kahit na mayroon din nito si Luca dahil mas malakas ang kaniyang kapangyarihan.Dahan dahang bumaba si Darryl mula sa ere bago nginitian si Matteo. “Hindi na mahalaga kung nag-cultivate rin ako ng Purple Cloud Enchanted Flame dahil talo ka na!”Pinilit ni Darryl na pigilan ang galit na nasa kaniyang puso nang sabihin niya iyon.Sa katunayan ay g
Opisyal nang ntapos ang kompetisyon nang sandaling iyon!Tinakbo ni Darryl ang lugar ng pangganapan ng kompetisyon habang naghiyawan ang libo-libong katao.Matagal na naghintay ang Four Dragons at Four Phoenixes sa lalaki nang makabalik ito sa inn.“Boss, nakakamangha ka!”“Ang kampeon ng martial arts competition. Idol kita Boss!”“Talagang nakakasabik ang naging labanan ninyo ni Matteo Hanson!”Pinalibutan si Darryl ng Four Dragons at Four Phoenixes pagkapasok nito sa loob ng kwarto, kita ang pagkamangha at respeto sa mukha ng mga ito!Labis na nasabik ang mga ito sa finals ng martial arts competition nang makita ng sariling nilang mga mata kung paano tinalo ni Darryl si Matteo!Hindi nila inakalang ganoon kalakas ang kanilang boss, pati ang Deputy Sect Master ng Incandescent Sect ay hindi ito kayang talunin.Ngumiti si Darryl at kaswal na nagsalita. “Isa lamang itong pagkapanalo sa martial arts competition. Wala namang dapat na ikagulat!”Pagtapos ay kinuha nito ang mga bih
Tinawag na child prodigy si Kilenc Dokko mula nang pagkabata nito, marunong itong magsulat ng tula mula noong pitong taong gulang pa lamang ito kahit na mahirap ang paggawa ng tula ay hindi ito isang problema para kay Kilenc!‘Hayop! Poetry?’ Pasikretong kinausap ni Darryl si Pang Tong na nasa pagoda, “Pang Tong, saiyo ako aasa mamaya!”“Huwag kang mag-alala Master. Madali lamang para sa akin ang paggawa ng tula. Maghanda ka para sa iyong pagkapanalo sa kompetisyong ito!” Tumawa si Pang Tong at kalmado itong sumagot!“SImulan na ang literary competition final!”Ngumiti si Florian nang sandaling iyon sa ilalim ng tagubilin ng Emperor, malakas itong nagsalita. “Ang unang kalahok, si Kilenc Dokko!”Swoosh!Agad na tumingin kay Kilenc ang lahat ng mga mata habang maraming kababaihan ang hindi mapigilang humiyaw.“Ah…Mister Dokko!”“Si Mister Dokko ang mauuna, napaka astig…”“Good luck Kilenc!”Napangiti ang Emperor ng New World nang makita nito ang senaryo at may pagpapahalaga an