“Napakabait mo sa akin.” Mahinang sinabi ng natutuwang si Darryl. “Papakawalan kita mamaya, Kuya. Bumalik ka kaagad sa World Universe para alagaan ang aking pinsan!” Napansin ni Queenie na maaaring hindi gawin ni Darryl ang kaniyang mga sinabi nang makita niya itong matuwa at makipagbiruan sa kaniya, kaya kinakailagan niya itong paalalahanan muli. Tumango rito si Darryl. Kahit na walang utos mula kay Queenie, kaagad siyang pupunta kay Lily sa sandaling makabalik siya sa World Universe. Nagsisi nang husto si Darryl nang makalimutan niya ang tungkol sa pitong taon nilang kasunduan. “Queenie!” Tumalikod si Celine at sumigaw ng, “Anong binubulong bulong mo kay Darryl? Halika na!” Tumingin si Celine kay Darryl nang sabihin niya iyon. Hindi niya masyadong sinelyuhan ang mga acupoint ni Darryl pero sapat na ito para selyuhan ang paggamit niya sa internal niyang lakas. Hindi nito naapektuhan ang iba niyang mga pagkilos. “Papunta na po ako, Master!” Sagot ni Queenie habang mabilis na
Nakulong ang tatlo sa malaking net na ito, nagsiksikan silang tatlo rito na parang mga sardinas kaya nagawang malanghap ni Darryl ang mabangong amoy ni Celine sa mga sandaling ito. “Napakaganda kong Celine!” Habang pasimpleng nagbubuntong hininga, lumingon si Darryl kay Celine at sinabing, “Siguradong gawa sa mga espesyal na materyales ang net na ito, kaya hindi mo ito mabubuksan nang basta basta gamit ang iyong internal energy! Kahit na isa ka nang Heaven Ascension Level na cultivatior, hinding hindi mo pa rin ito masisira. Bakit hindi mo na lang kaya ako pakawalan para masubukang sirain ito?” Gusto sanang sunugin ni Darryl ang lambat gamit ang kaiyang White Lotus Cold Flame, na susunog sa lahat ng bagay nang walang kahiraphirap. “Paano mo nalamang hindi ko ito kaya?” Pangkaraniwang sumagot si Celine at nagpatuloy sa paggamit ng kaniyang internal energy para sirain ang lambat pero wala itong nagawa na kahit anong epekto. “Tingnan mo, sinabi ko na sa iyo!” “Huwag kang magsa
“Oh!” Nagulat ang Eldest Dragon nang may makakilala sa kanila. Dito na niya nakangiting tiningnan si Celine at sinabing “Hoy Ganda! Mukhang itinadhana talagang magkrus ang ating mga landas! Alam mo na pala ang tungkol sa amin—ang Four Dragons at Four Phoenixes!” Kaagad namang sumali sa tawanan sina Second Dragon, Third Dragon at Fourth Dragon. “Oo nga!” “Isang biyaya na makakilala kami ng ganito kagandang babae…” Nanunuksong nagsalita ang apat habang dahan dahang tinitingnan ang hubog ng katawan ni Celine. Hindi naman nagalit dito si Celine, nanlalamig lang itong sumagot ng, “Wala kaming ginawa na kahit ano sa inyo. Kaya pakawalan mo na kami ngayundin!”“Hoy, Ganda!”Nakangiting tumingin kay Celine ang Eldest Dragon habang nagpapakita ang palabiro nitong mukha. “Itinakda tayong magkita kaya bakit kita pakakawalan nang ganoon ganoon nalang? Bakit hindi na lang kayo sumali sa amin? Puwede nating tawagin ang ating mga sarili na Five Dragons at Six Phoenixes?”Buwisit! “Napa
Pero napaghandaan na ni Celine ang bagay na ito. Itinaas niya ang malajade niyang kamay at itinulak ang Eldest Dragon gamit ang kaniyang palad. Bang! Dito na biglang nanigas ang katawan ni Celine, hindi na siya nakagalaw pa sa mga sandaling ito. Masayang nagsalita si Second Dragon sa kaniyang likuran. “Hoy Ganda! Hindi mo inasahan iyon no? Dinidistract ka lang niya.” Hindi na masama! Mayroong hindi mapapantayang pagkakaintindihan ang mga miyembro ng Four Dragons at Four Phoenix. Gumawa si Elder Dragon ng pagkatake sa harapan na kumuha sa atensyon ni Celine habang umaatake naman sa likuran si Second Dragon para atakihin ito sa likuran. Ugh! Mahina namang napabuntong hininga rito si Celine. Kahit na hindi siya natakot sa harap ng panganib, wala pa rin siyang magagawa sa mga sandaling ito. Masyadong mautak ang Four Dragons at Four Phoenixes na kanilang nakaharap.Ito na iyon!” Pasimpleng nagreklamo rito si Darryl. Nagaalala siya sa mga mangyayari sa kanila nang mahuili sila
Tumawa at tumango si Eldest Dragon dahil naramdaman niyang sincere si Darryl nang sabihin niya iyon. “Masyado kang direkta at madaling kausap, Darryl! Mukhang mabilis tayong magkakasundo! Nakabukas ang aming pintuan para makipagkaibigan sa iyo!” “Oo, tama nga iyon. Magkakapatid tayong lahat…” “Magiging magkaibigan na tayong siyan mula ngayon…” Dito na sumunod ang malakas nilang tawanan. Walang sinusunod na kahit anong rule ang Four Dragon at Four Phoenix. Masaya na silang makita na totoo ang mga sinabi at intension ni Darryl na makipagkaibigan sa kanila. Lalo na si Eldest Phoenix na humahanga sa magandang katangian at liberated na pagiisip ni Darryl. Dito na naglakad si Eldest Phoenix palapit kay Darryl, kinuha nito ang braso ni Darryl at nangaakit na ngumiti habang sinasabi na, “Sumama ka sa amin, ngayong magkaibigan na tayo. Huwag kang magalala dahil babantayan kita sa hinaharap.” Dahang dahang dumikit ang malambot at maselang katawan ni Eldest Phoenix kay Darryl habang n
Maraming nainom si Darryl noong gabing iyon. Dito na namula ang kaniyang lasing niyang mukha. “Darryl.” Ngumiti si Eldest Phoenix at sumandal sa kaniya, dito na siya bumulong nang mahinhin kay Darryl. “Lumalalim na ang gabi, hayaan mong samahan kita na magpahinga.”Ipinulupot ni Eldest Phoenix ang kaniyang mga kamay sa leeg ni Darryl habang nagsasalita, tiningnan ng nanunukso nitong mga mata si Darryl.Hindi na maiimagine ng kahit na sino ang sirang sira nitong prinsipyo sa buhay. Pinanatili naman ni Darryl ang passive niyang itsura habang bumubulong sa kaniyang sarili. Ikinaway niya ang kaniyang kamay at nagsabi ng, sige, magpahinga ka na. Dito na lang muna ako.” Gising pa sina Celine at Queenie sa isang tabi. Kaya paano magagawang magpahinga ni Darryl nang hindi alam kung ano ang mangyayari sa mga ito. Hindi naman nagalit dito si Eldest Phoenix, kahit na inisnob siya ni Darryl. Tiningnan niya lang ito at nakangiting sianbi na. “Anong problema? Hindi ba ako maganda? Sigurado
Galit na ipinadyak ni Queenie ang kaniyang mga paa. Nakakadiri talaga ang Four Dragons at Four Phoenixes na ito. “Ano ba kami sa tingin nila? Paano nila nagawang pagpilian kami ng aking master gamit ang mga dice na iyan?” Nagalit nang kaunti rito si Celine, pero hindi pa rin niya ipinakita ang kaniyang emosyon. Hinanap niya ang mga mata ni Darryl para malaman kung ano talaga ang mangyayari! “Nakuha na ba niya ang loob ng Four Dragons at Four Phoenixes? Makakahanap naman siya ng paraan para iligtas kami ni Queenie hindi ba?” “Oh, Ganda!” Parang parasite na tiningnan ng Second Dragon si Queenie. “Huwag kang magalala dahil ikaw ang pipiliin ko sa sandaling manalo ako rito.” “Ikaw—" Hindi naging kumportable si Queenie sa ginagawang pagtingin sa kaniya ni Second Dragon, namula ang kaniyang mukha sa sobrang galit na umabot sa punto na kung saan hindi na siya makapagsalita pa ng kahit na ano rito.Nang mapansin na hindi pumapabor sa kaniya ang mga pangyayari, mabilis na tumayo si D
Dito na nagpatuloy ang laro kina Third Dragon at Fourth Dragon… Sa loob ng dalawang minuto, natalo ni Darryl ang Four Dragons, walang kahit na sino sa mga ito ang nanalo. Malakas na namawis ang Four Dragons, namangha silang lahat sa kanilang nakita. “Paano siya naging ganito kasuwerte?” “Paano niya nagawang manalo sa ating lahat?”Masyado itong kakaiba. Humahanga namang tumingin ang Four Phoenixes kay Darryl, wala na silang naramdaman kundi pagkagusto sa kaniya. Masyadong guwapo at suwerte si Darryl. Masyado siyang attractive. Ang hindi alam ng Four Dragons at Four Phoenix na ginagamit ni Darryl ang kaniyang Shadow Skill para ipakita ng dice ang numero na gusto niyang makita sa bawat sandaling iroll niya ito. At nagawa niyang gamitin ang Shadow Skill na ito nang patago. Hindi na natalo si Darryl nang gawin niya iyon.“Kuya—” Napatitig nang husto si Queenie kay Darryl. “Kailanpa siya natuto magsugal? Napakasuwerte niya rito!” Maging si Celine ay napatingin kay Dar