Kinagabihan ay nanigarilyo si Darryl habang nakaupo sa kama, nang biglang sumandal sa kaniya si Lily at nahihiya nang nagtanong. “Darryl, w-will…you marry me?”Kasing pula ng mansanas ang mukha ni Lily nang sabihin niya iyon.Naibigay na niya kay Darryl ang pinaka iingat ingatan niyang bagay. Ang tanging hiling nito ay ang pakasalan siya ni Darryl nang sandaling iyon. Ayos lang sa kaniya ang paghatian nila nina Debra at ng iba pa si Darryl.“I will, I will.” Tumango si Darryl bago nito halikan ang pisngi ni Little Fairy. “Irene, papakasalan kita pero pwede mo ba akong bigyan ng oras?”“Hmm, hmm!” Masayang tumango si Little Fairy at mabilis itong nagtanong. “Gaano katagal ang pinag-uusapan natin? Gusto kong maghanda para maging pinakamagandang asawa bago ka pakasalan.”Hinaplos ni Darryl ang buhok nito habang nakatingin sa bintana at saka bumulong. “Please antayin moa ko…nang pitong taon.”Pitong taon!Napagdesisyunan ni Darryl na kitain si Lily pagtapos ng pitong taon. Nang sand
Hindi na pinansin ni Ambrose ang ibang mga cultivator dahil abala ang mga ito. Nanghuhuli ang mga ito ng beast habang sinubukan rin ng bata ang manghuli ng para sa kaniya.Hindi maitago ni Ambrose ang pagmamadali sa kaniyang puso at mabilis nitong nilibot ang sinaunang battlefield.Pero halos isang oras na siyang naghahanap at wala pa rin itong nakikitang ni isang enchanted beast. Paniguradong natakot ang mga ito sahil napakaraming cultivator ang nasa paligid kaya nagtago ang mga ito.Wasak ang sinaunang battlefield na ito, nagkalat ang mga sira-sirang pader sa ibabaw ng mga nagkalat na lumang sandata. Nabulok na ang ilan sa mga sandata dahil sa katandaan, halos hindi na makilala ang mga ito at hindi na rin magagamit pa.Bukod doon ay walang nakitang enchanted beast si Ambrose.Nagsimulang maghanap si Ambrose ng lugar na maaari niyang pagpahingahan at ipagpapatuloy nito ang paghahanap sa susunod na araw nang mapansing dumidilim na‘Ano iyon?’Nang sandaling iyon ay nagulat si Am
”Wow…” nagulat si Ambrose nang makita niya ang dalawang metrong taas ng Tyrant Hammer. Nasorpresa ito at hindi nakapagsalita!“Tyrant Hammer! Tyrant Hammer! Lumiit ka!” Sumigaw si Ambrose ng subukan nitong pigilan ang pagkasabik.Swoosh!Agad na kumalahati ang laki ng Tyrant Hammer.“Malaki parin, Tyrant Hammer. Lumiit ka! Ang pinakamaliit na maaari mong maging laki!” Nakatingalang sabi ni Ambrose.Sa inaasahan, lumiit ito na para bang karayon ay lumapag sa kamay ni Ambrose.“Magandang kayamanan. Magandang kayamanan!” Tuwang tuwa ni Ambrose habang hawak nito ang martilyo. Gusto niya itong laruin.Wala itong mahanap na enchanted beast pero bigla niyang nakita ang Tyrant Hammer; Isa itong hindi inaakalang sorpresa!Pero nakarinig ito ng mga yabag mula sa kaniyang likuran.Mabilis siyang lumingon; nag-iba ang kaniyang ekspresyon.Nakita nito ang maraming cultivator, hindi niya alam kung gaano na ito katagal na nakatayo doon. Sabik na tumingin ang mga ito sa Tyrant Hammer na hawa
Nasa pinakailalim ng gusali ng Emei Sect ang kwarto ni Sect Master Aurora. Mabango ang kwartong ito.Nakaupo si Aurora sa higaan, nakasuot ito ng purple na bestida.Maramig tao ang kinilala si Aurora bilang diyosa sa mundo ng mga cultivator.Mas naging sexy ito makalipas ang pitong tao. Mukhang hindi ito tumanda kahit isang araw lamang—batang bata pa rin ang mukha nito, nanatiling nakakaakit ang kaniyang katawan bilang ethereal fairy mula sa kalangitan.Natutulog sa higaan ang maputing batang babae. Nasa edad pito o walong taong gulang ito, napaka-cute niya sa suot na pink romper.Ang batang babae ay ang anak nina Aurora at Darryl.Pinangalanan ito ni Auror bilang Eira Hansen. Gusto niyang maging kagaya siya ng anak—malamig, proud, kakaiba, at dominante.Nang sandaling iyo ay tahimik na pinanood ito ni Aurora. Puno ng lambing at pagmamahal ang mga mata ng bata. Magmula noong naging ina si Aurora ay mas naging mahinahon na ito kumpara noon.Siyempre, pinapakita lang nito ang mal
Tumango na lamang ang Abbess Mother Serendipity nang mapagtanto nitong galit si Aurora. Binago niya ang knaiyang tono. “Oo nga pala, narinig kong may mga bakas ng enchanted beasts sa sinaunang battlefield sa New World. At dahil pinaplano mong sanayin si Eira para maging susunod na Sect master ay bakit hindi mo siya ipadala roon para makakuha ng mga kasanayan?”Sansaling napaisip si Aurora bago tumango at nagsalita. “Oo, magiging maganda kung magkakaroon siya ng mga kasanayan sa sinaunang battlefield. Baka swertihin ito at makahuli ng isa o dalawang enchanted beast.”Kahit na tunay na anak niya si Eira ay hindi niya ito masyadong in-spoil.Kung sasakupin nila ang Emei Sect ay kailangan nitong dumaan sa hirap para makakuha ng mga karanasan.Hindi katagalan ay nagising na si Eira.Sa ilalim ng pagsasaayos ni Aurora ay sinundan ni Eira ang Abbess nang magmadali silang magtungo sa New World.Matapos ang ilang araw sa kalsada at natunton rin nina Eira at ng Abbess ang sinaunang battlef
Bahagyang tumawa si Eira. “Hindi moa ko kailangan pasalamatan! Kaailangan kong tumulong kapag nakakakita ako ng kawalan ng katarungan!”Naniniwala ito sa hustisya bilang isang miyembro ng Emei Sect.Ngumiti si Ambrose at nagtanong. “Saang sekta ka galing? Nandito ka ba para manghuli rin ng mga enchanted beast?”Naramdaman ni Ambrose ang lakas nito nang gamitin ni Eira ang Icy Dragon Punch. Hindi isang ordinaryong tao ang batang babae na nasa kaniyang harapan.Ngumiti si Eira at saka ito sumagot. “Mula ako sa Emei Sect. Ako si Eira Hansen. E ikaw?”“Miyembro ako ng Incandescent Sect. Ako si Ambrose Darby. Dahil nandito tayo para manghuli ng mga enchanted beast, sabay natin itong gawin!” Seryoso ang pagkakasabi ni Ambrose.Pagtapos ay inabot nito ang kaniyang kamay sa batang babae.“Sige ba!” Tumango si Eira nang makipagkamay kay Ambrose.…Samantala, sa Carter Mansion sa World Universe.Maagang tagsibol palang pero mainit na at namulaklak na rin sa kapaligiran.Maganda ang pa
Samantala, sa Great East.Nasa hilagang kanluran ng Great East ang River North City. Ito ang Daanan ng transportasyon.Nang sandaling iyon ay naglakad ang isang babae sa kalsada sa labas ng siyudad; papunta ito sa city gates.Maganda ang hubog ng katawan ng babae at maganda rin ang mukha nito; tila ba isa itong ethereal fairy. Pero medyo kita ang pagod nito.Siya si Monica Vaughn.Sa nakalipas na ilang taon ay iniwan nito ang Grandmaster Heaven Cult para hanapin si Ambrose. Halos nalibot n anito ang buong Nine Mainland, pero wala pa rin itong ideya kung nasaan ang anak.Pero hindi sumuko si Monica. Nasa Great East ito para hanapin ang kaniyang anak.Nang sandaling iyon ay napabuntong hinga ito ng maluwag nang mapaagtantong malapit na siya sa River North City.Gusto sana muna nitong kumain bago ipagpatuloy ang paghahanap kay Ambrose sa siyudad.Binilisan nito ang lakad.Gasp!Nagulat ang abbae nang makapasok ito sa siyudad. Nagtaka siya sa kaniyang nakita.Napansin nitong na
Nang sandaling iyon ay parte ng Westrington elites ang ilang daang libong mandirigma na nasa likuran ni Lindsay!Pitong taon na ang nakaraan, gustong umatake ng Westrington sa South Cloud World. Bago pa man ipinakalat ang mga mandirigma ay naghatid ng diplomatiko ang Westrington para galugarin ang sitwasyon dito.Nang sandaling iyon ay binigyan ng diplomatiko ng mahirap na gawain ang South Cloud Empress—itatali nito ang sinulid sa piraso ng jade.Lumabas na ang maliit na eunuch lang ang nakaayos sa problemang iyon. Kaya naman napagtanto ng Westrington sa napakatapang at maparaan ang mga tao sa South Cloud World. Kaya sinuko na nila ang kanilang mga pano na guluhin ang South Cloud World. Sa halip ay sinubukan nilang umatake sa ibang mga mainland.Pagtapos ay nakamata na ang mga ito sa Great East. Ipinag-utos ng Westrington Emperor na pamunuan ni Lindsay ang 150,000 na malakas na mga mandirigma para sakupin ang Great East!Nang sandaling iyon ay naramdaman ni Monica ang nakakamatay