Napabuntong hininga na lang ang kapitan ng mga bantay bago niya naaawang tiningnan si Ambrose.Wala nang malay sa mga sandaling ito si Ambrose na nagtamo rin ng serysong mga injury matapos kaladkarin ng karwahe ang kaniyang katawan sa lupa. Pero wala pa ring plano si Lady Denise na pakawalan ito. Kaya wala nang nagawa ang kapitan kundi mapailing habang iniiwas ang kaniyang tingin kay Ambrose.Durog na durog na ang puso ni Monica sa mga sandaling ito! Walang kahit na sinong ina ang makakatiis na makita ang kanilang anak na kinakaladkad sa lupa!Pero hindi pa rin tumigil ang mga tao sa pagbabato ng mga sirang repolyo at maliliit na bato kay Monica.“Hayop ka! Huwag niyo na siyang iparada! Bitayin niyo na lang ang isang iyan!”“Oo nga, bitayin niyo na lang iyan!”“Bitayin niyo na siya!”Sinimulan ito ng isang tao na agad sinundan ng mga taong nakarinig dito sa loob ng isang iglap. Malakas silang sumigaw habang namumuhing tinitingan si Monica gamit ang kanilang mga mata.Wala naman
Mabilis na naglakad ang ilang mga bantay para buksan ang karwahe para buhatin ang walang lakas na si Monica palabas matapos utusan ni Denise.“Ambrose anak ko…”Sa mga sandaling iyon, binuga ni Monica ang nakataling damit sa kaniyang bibig matapos magpumiglas bago tumalikod at tumakbo papunta kay Ambrose habang umiiyak nang malakas. Pero nakatali pa rin sa kadena ang kaniyang mga kamay at paa kaya agad din siyang naharang ng mga bantay.Nakita ni Monica ang babad sa putik na katawan ng munti niyang anak na si Ambrose habang tahimik at walang malay na nakadapa sa lupa. Hindi niya alam kung buhay pa ba ito o hindi.“Patawarin mo ako, Ambrose. Patawarin mo ako…” Tiningnan ni Monica ang kaniyang paligid at malakas na sumigaw sa mga taong nanginsulto sa kaniya ng, “Hindi ako malanding babae! Hindi ko ginawa ang mga bagay na inaakusa nila sa akin! Hindi ko….”Dito na tumingin si Monica sa debuhat na upuan hindi kalayuan sa kaniya kung saan nakita niya si Denise mula sa kurtinang gawa sa
Lumipad ang may namumulang mga mata na si Lord Kenny Bred sa harapan ng seldang karwahe bago itaas ang kaniyang kamay, bunutin ang kaniyang saber at malakas itong ihampas sa karwahe!Clang!Dito na nagkapirapiraso ang seldang karwahe! Lumipad ang katawan ni Monica na agad namang sinalo ni Lord Kenny Bred matapos nitong hawakan ang baiwang ni Monica na nakapagpalapit dito sa kaniya.“Lord Kenny…”Nasurpresa at natuwa nang husto si Monica noong mga sandaling iyon. Bahagyang bumuka ang mga namumula niyang labi bago nanghihinang magsabi ng dalawang mga salita bago tuluyang huminto sa pagsasalita.Halos naiyak na ni Monica ang kalahati sa kabuohang pagiyak na kaniyang ginawa nang iparada siya papunta sa platform na ito at batuhin ng mga tao sa paligid.“Huwag kang magalala, Dear. Nandito na ako. Nandito na ako…” Dahan dahan siyang kinomfort ni Lord Kenny Bred. Walang tigil na nakaramdam ng sakit ang kaniyang puso na para bang tinamaan ng libolibong pana!Kasalukuyang maputla ang suga
Gasp! Paisa isang tinakpan ng mga tao sa paligid ang kanilang mga tainga habang nanginginig sa tindi ng pananakit ng kanilang mga eardrum!Dahan dahang tumingin si Lord Kenny sa kaniyang paligid. Dito na nadurog ang puso at napapigil ng hininga ang mga taong tinamaan ng tingin nito mapabantay man o mga ordinaryong tao na nakapaligid sa lugar na ito.Masyadong nakakatakot ang kaniyang mga mata!“Lord Kenny…” Natakot nang husto ang kapitan ng mga bantay habang nakaluhod na hindi makapagsalita sa kaniyang puwesto.Thud!Naglakad palapit si Lord Kenny at malakas itong sinipa! Dito na napaungol ang bantay bago malakas na tumalsik patalikod!“Lord Kenny.” Sa mga sandaling ito, nababahalang bumaba si Denise mula sa debuhat nitong upuan. Tinuro niya si Monica at sinabing, “Lord Kenny, hindi karapat dapat na tratuhin nang tama ang hayop na ito. Nagawa ka niyang pagtaksilan at matulog kasama ng ibang lalaki. Isa siyang immoral, isa siyang…”“Manahimik kang hayop ka!” Sigaw ni Lord Kenny
“Lord Kenny!”Dahan dahang bumalik sa realidad si Denise sa mga sandaling ito. Huminga siya nang malalim ng ilang beses bago muling maglakad palapit habang tumutulo ang luha sa kaniyang mga mata. “Lord Kenny, paano mo ako nagawang sakalin nang ganoon katindi nang dahil kay Monica Vaughn? Ako ang asawa mo! At gumawa si Monica ng mga immoral na bagay na nagbigay ng kahihiyan sa ating pamilya. At ang mga taong ito ang humiling na bitayin siya! Kaya bakit mo pa rin ba siya pinoprotektahan? Hinding hindi kita susundin kahit na patayin mo pa ako ngayon!”“Gusto mong mamatay? Pagbibigyan ko ang gusto mo.” Dito na dahan dahang tumalikod si Lord Kenny nang may namumulang mga mata at mabagal na maglakad papunta kay Denise habang hawak ang mahaba niyang saber. Napuno ang kaniyang aura ng intensyong pumatay sa mga sandaling ito!“Lord Kenny...”Tahimik na nanginig ang katawan ni Denise matapos makita ang nakakatakot nitong mga mata. Hindi niya inasahan na magkakaroon ng intensyon si Lord Kenny
Kahit na inosente ang mga taong ito, kinakailangan pa rin nilang magbayad sa ginawa nilang pangaapi kina Monica at Ambrose.Pagbalik sa Guang Ping Palace, ihinatid na ni Lord Kenny si Monica sa higaan into at dahan dahang kinumutan.“Dalian mo! Maghanda ka ng kaunting ginger soup!” Utos ni Lord Kenny sa isang tagapaglingkod.Nakita niyang nilalamig ang buong katawan ng namumutlang si Monica. Nasaktan ang kaniyang puso sa sinapit na ito ni Monica.Hindi nagtagal ay nagdala ang inutusan niyang tagapaglingkod ng ginger soup na kinuha ni Lord Kenny para personal sa subuan si Monica.Maingat na hinawakan ni Lord Kenny ang buhok at mukha nito matapos mapansin ang unti unting pagbalik sa dati ng kulay ni Monica bago sabihing, “Ok na ang lahat ngayon, Dear. Huwag kang magalala. Walang kahit na sino ang magbabanggit ng tungkol sa bagay na ito ngayon. Wala nang kahit na sino ang mangaapi sa iyo.”Mahigpit na isinara ni Lord Kenny ang kaniyang mga kamao matapos maalala ang dinatnan niya kan
“Dear, matutuwa talaga ako, matutuwa talaga ako nang husto kung hindi mo na hahanapin si Darryl. Hahanapin mo pa rin ba siya?” Nagkaroon ng umaasang itsura si Lord Kenny habang itinatanong ang bagay na ito, pero nanginig pa rin nang husto ang kaniyang dibdib sa magiging sagot sa kaniya ni Monica.Marami na siyang mga sitwasyong hinarap pero hindi pa siya ninerbiyos nang ganito katindi sa kaniyang buhay.Masyado niyang mahal si Monica kaya natatakot siya na baka iwanan na lang siya nito nang ganoon ganoon na lang!”Wala nang saysay ang pagiging isang lord kung wala si Monica, paano pa kaya ang pagiging isang emperor dahil wala na ng magiging kahulugan ang kaniyang buhay sa sandaling umalis sa kaniya si Monica.“Ako…”Napakagat nang husto si Monica sa kaniyang labi habang naguguluhan sa kaniyang nararamdaman pero isang bagay lang ang kaniyang nasabi bago tuluyang manahimik.Marami na ang naibigay sa kaniya ni Lord Kenny. Kaya paano niya magagaw na maging ganoon kalupit at iwanan it
Nagsalita si Dahlia. “Huwag ka nang malungkot. Bibigyan kita ng hustisya. Makikipagkita ako ngayon sa New World Emperor.”Bilang South Cloud Empress ay napakabait nang pakikitungo sa kaniya ng New World. Kailangan nitong makita ang New World Emperor at bigyan ng hustisya ang kaniyang kapatid.Isa pa, ang maaliw sa babaeng iyon si Lord Kenny ay isang malaking kamalian.“Salamat, kaparid…” Pinunasan ni Denise ang kaniyang mga luha. Pero labis itong natuwa nang saw alas ay mayroon nang tutulong sa kaniya para makamit ang hustisya.…Sa kabilang banda ng New Worls, sa Mansyon ni Florian Darby.Pinalibutan ng ilang tagasilbi si Yumi habang proud itong pumasok sa hall. Nang sandaling iyon ay hindi maipaliwanag ang naramdaman nitong saya.Ilang sandali ang nakalipas nang dinala si Monica sa kalye.Nabawasan ang galit ni Yumi nang makita ang pag-insulto ng mga tao sa babae ni Darryl. Kahit na niligtas ito ni Lord Kenny ay kumalat na ang balita na pang-aakit ni Monica sa mga tagasunod!