May ilang maps na puno ng maraming linya at bilog ang nakakalat sa lamesa.Pagkatapos ng mabusising pagsusuri, naglabas ng panibagong mapa si James, kumuha ng panulat, at binilugan ang mapa.“Nahanap mo na ba?” Tanong ni Quincy.Hindi tiyak na tugon ni James, “Sampung taon na ang nakakaraan, naaalala ko na kakatapos ko lang kumain ng hapunan kasama ng aking pamilya bago sinunog ang aming villa. Pagkatapos akong mailigtas, tumalon ako sa ilog at nawalan ng malay. Nung nagising ako, nasa loob na ako kaagad ng isang yungib sa ilalim ng lupa. Natagalan ako bago ako nakaramdam ng gutom, kaya masasabi ko na ang yungib sa ilalim ng lupa ay hindi ganun kalayo sa aming villa.”Tinuro ni James ang isang ilog sa mapa.“Tumalon ako sa ilog na ito. Ayon sa bilis ng agos ng tubig, ang yungib sa ilalim ng lupa ay malamang nasa lugar na ito.”Pagkatapos, tinuro niya ang isang bundok.Muling nagtanong si Quincy, ‘Kung ganun, kailan ka pupunta?”Kinaway ni James ang kanyang at sinagot, “Hindi na
Sa may villa ng mga Callahan.Binato no Thea ang kanyang phone sa galit. Bang!Humampas ang phone sa pader at nawasak sa lapag.‘Ang p*ta na yun!”Galit na galit siyang umupo sa sopa. ‘Anong problema, Thea? Bakit galit na galit ka?” Nilapitan siya ni Gladys at nagtanong matapos niyang makita na sinira ni Thea ang kanyang phone.“W-Walang lang.”Huminga ng malalim si Thea, tumayo, at lumabas.‘Sa akin lang si James. Hindi ko hahayaan na makuha siya ng ibang babae.’Nakapunta na siya sa bagong biling villa ni Quincy noon at may kutob siya na nandoon si James. Tumakbo palabas si Thea ng bahay, sumakay sa bagong bili niyang Porsche, at nagmamadaling pumunta sa bahay ni Quincy.Namomoblema si Quincy matapos niyang sagutin ang tawag ni Thea. Alam niya na darating ang araw na ito.Para sa kanilang pagkakaibigan, pinigilan ni Quincy ang kanyang sarili sa paghahabol kay James at hindi kumilos hanggang sa nag-divorce ang dalawa. Alam niya na kapag nagsama sila ni James ay man
“Paanong nangyari na wala akong pakialam doon? Asawa kita! Magpakasal tayo uli…”Hinawakan niya ang kamay ni James at gusto nang umalis. Hinila siya ng malakas ni Thea at hinila siya paalis ng wheelchair. Mahina na si James at hindi na kayang tumayo ng maayos. Nang mawalan ng balanse, natumba siya sa lupa. “Anong ginagawa mo?!” Mabilis siyang nilapitan ni Quincy at tinulak si Thea palayo, habang sinisigaw, “Hindi mo ba alam na nanghihina na siya ngayon?”Kaagad niyang tinulungan si James na makatayo sa lupa at nag-aalalang tinanong, “Ayos ka lang ba?”Kinaway ni James ang kanyang kamay. Nang makita niya ang eksenang ito, humagulgol si Thea at sinigaw, “Sabihin mo sa akin, James! Sino ba ang gusto mo? Ako ba o siya?” Hindi na masimura ni Quincy ang inaasal ni Thea. Tinulungan niya si James na makabalik sa wheelchair at malamig na tinitigan si Thea. “Thea, lagi mong sinasabi na mahal mo siya, at ngayon ay pinipilit mo siya na pumili. Pero, hindi mo ba natatandaan na ik
Umiling-iling si James habang sinusubukan na alisin si Thea sa isipan niya.Tinignan niya ang pisngi ni Quincy, na namumula matapos masampal. Tumayo siya, hinimas ang namamaga niyang mukha, at nagaalang nagtanong, “Masakit ba?”“Oo,” malungkot na sagot ni Quincy habang nakadantay siya sa mga braso ni James.“Natatakot ako na mawala ka sa akin. Sa oras na maka-recover ka at bumalik kay Thea, ano na lamang ang gagawin ko?”Niyakap siya ng malumanay ni James at bumuntong hininga. “Kung ganoon, tadhana siguro ito. “May utang ako sa kanya at maaaring hindi ko siya mabayaran sa buhay kong ito. Kasalanan ko kung bakit siya nalason. Paano ko siya hahayaan lamang at kakalimutan ng hinidi sinusubukan na alamin kung paano magagamot ang lason?”Alam ni Quincy kung ano ang iniisip niya, kaya siya nagaalala.Kahit na ganoon, kuntento na siya na kasalukuyan siyang babae ni James.Kung ano man ang mangyayari sa hinaharap, hindi ito maiiwasan.Gayunpaman, willing siya na lumaban dito.Naniniwala si Qui
Sumagot si Quincy habang nakangiti, “Sapagkat gusto sumama ni Thea, hayaan mo siya na sumama sa atin.”“Hmph!” padabog na sagot ni Thea.Hindi niya binigyan pansin si Quincy, at sinubukan na alalayan si James na sumakay sa sasakyan.“Kaya ko ito mag-isa.”Inalis ni James ang kamay niya at sumakay ng walang tulong.Agad na pumasok si Thea at tumabi sa kanya.Dahil sa ayaw niya magpatalo, sumakay din si Quincy sa kabilang panig ng sasakyan. Binuksan niya ang pinto at umupo sa tabi ni James.Matapos sumakay ang lahat sa kanya kanyang mga sasakyan, dahan-dahan umalis ang grupo papunta sa destinasyon nila.Pagkaraan ng ilang sandali ng pagsakay sa sasakyan, sumandal si James at ipinikit ang mga mata niya para magpahinga.Hinawakan ni Thea ang kamay niya at tinanong habang nakangiti, “Honey, saan tayo pupunta?”Pinagsabihan siya ni Quincy, “Tumahimik ka muna. Kailangan magpahinga ni James.”Sumagot si Thea, “Kausap ko ang asawa ko ngayon. Huwag ka makielam.”“Ikaw…”Galit na galit si Quincy.
Mount Dragon Treasure Mountain, Fortune River.Umupo si James sa isang bato habang hawak ang phone niya, iniisip ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwan bago sinunog ang villa ng mga Caden sampung taon na ang nakalilipas.Nakita siya ni Quincy at nagtanong, “Anong tinitignan mo, James?”Napukaw din ang atensyon ni Thea.Kagabi, napagtanto niya na ayaw niya magpatalo kay Quincy. Kaya, pinuntahan niya si James at nagkataon na nakasama sa lakad nila. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung ano ang plano ni James.Ibinaba ni James ang phone niya at tinignan ang bundok sa kabilang panig ng ilog, at ipinaliwanag, “Tinitignan ko ang mga weather report noon. Sinusubukan ko na alamin ang lalim ng ilog habang inaalam ko kung mayroon ba na matinding ulan sa taon na iyon.”Napasimangot si Quincy at nagtanong, “Bakit kailangan mo malaman ang lebel ng tubig noon?”Ipinaliwanag ni James, “Noon, tumalon ako sa ilog at kumapit sa palutang lutang na kahoy habang tinatangay ng agos. Sa ganoon na paraan a
Agad na inabala ni Thea sina Quincy at James at sinubukan na alalayan si James. Tinitigan niya ng masama si Quincy at sinabi ng malamig, “Ako na ang bahala dito. Hindi ka na dapat maging intimate sa asawa ko sa hinaharap.”Binitiwan ni Quincy si James habang nahihiya.Kahit na tinanggap siya ni James bilang girlfriend niya, si Thea pa din ang ex-wife niya at pakiramdam niya guilty siya.Sa loob loob niya, pakiramdam niya inaagaw niya ang lalake ni Thea.Nilalamig si James at masakit ang ulo niya. Pakiramdam niya hihimatayin na siya, wala siyang lakas para makipagtalo kay Thea.Tinignan na lang niya si Quincy habang tila humihingi ng tawad gamit ang mga mata niya.Naintindihan siya ni Quincy at tumango ng kaunti sa kanya.Tinulungan ni Thea si James papasok sa tent para makapagpahinga. Puno ng mga kumot at unan ang tent.Matapos maging kumportable ni James sa puwesto niya, sinubukan na niyang magpahinga.Ngunit, hindi siya iniwan ni Thea. Sa halip, umupo siya sa tabi niya at tinignan si
Natigilan si Thea.“Pumunta si James sa cavern na ito para humanap ng paraan para malunasan ang lason?”“Ginagawa niya ang lahat ng ito para sa akin?”Pakiramdam niya bigla hindi niya maintindihan si James.Napakarami na ang nagawa ni James para sa kanya at ngayon nagaalala pa siya para sa lason sa katawan niya. Samantalang siya, nagbibigay ng problema sa kanya.“Ano…”Binuka niya ang bibig niya pero wala siyang masabi.Hindi siya binigyan pansin ni Quincy at bumalik na sa loob ng tent.Nakapikit ang mga mata ni James, nakatulog na siya.Kahit na tulog siya, mukha siyang nanghihina at namumutla.Natulog ng matagal na oras si James at nagising dahil sa sakit.Sa pagkakataon na ito, hindi lang simpleng sakit ng ulo. Sa halip, matinding sakit sa buong katawan niya.Pakiramdam niya hindi mabilang na dami ng mga nakalalasong uod ang kumakagat sa balat niya, iniinom ang dugo niya at pumapasok sa buto niya para pagpirapirasuhin siya.Sundalo siya na daan-daan na ang digmaan na pinagdaanan at