Kabanata 692
Galit na galit ang Emperor.

Lumuhod sa sahig ang ilang mga babae at nanginig sa takot.

Pagkatapos niyang ilabas ang sama ng loob niya, pinakalma ng Emperor ang kanyang sarili.

Umupo siya sa sofa at nagsindi siya ng sigarilyo.

Binuo niya ang planong ito upang patayin si James.

Ngayon, bukod sa hindi pa siya patay, nagawa pa niyang pahangain at protektahan ang buong Sol.

Sa taglay niyang kasikatan at karangalan, mas magiging mahirap na siyang patayin ngayon.

Kailangang mamatay si James.

Habang naninigarilyo siya, nag-isip siya ng mga paraan upang tapusin si James.

"Mukhang kailangan kong humingi ng tulong sa matandang 'yun."

Pagkalipas ng mahabang oras, nagsalita ang Emperor.

Nagmadali siyang tumayo. "Ihanda niyo ang kotse."

Umalis sa Capital ang Emperor at nagtungo siya sa bundok sa suburbs.

Tinatawag na Five Monasteries Mountain ang bundok na ito, na hango sa monasteryo na matatagpuan sa tuktok nito.

Nagtungo ang Emperor sa tuktok ng bundok.

Sa lo
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo