Kabanata 497
Hindi na nangialam pa si James. Nagdesisyon siya na hayaan ang mga Callahan na harapin ito ng sila-sila lang. Tutulungan niya sila pagkatapos ng medical conference.

Bumalik siya sa kanyang kwarto.

Nagbabasa ng libro si Thea sa kwarto.

"Mahal, anong binabasa mo?"

Binaba ni Thea ang libro at kinausap niya siya. "Bumili lang ako ng mga libro kasi nababagot ako dito sa bahay."

Tumango si James. "Maganda 'yan."

Pinagmamalaki ni James si Thea dahil hindi niya sinukuan ang kanyang sarili at nagpatuloy siya sa pag-aaral sa kabila ng sitwasyon ng kanyang pamilya.

Noong sandaling iyon, tumunog ang kanyang phone, isa itong unknown number.

Sinagot niya ito.

"Hello? Sino 'to?"

"Ako 'to, si Quincy."

Sumimangot si James noong narinig niya ang kanyang boses, "Bakit? May nangyari ba?"

Narinig mula sa speaker ng phone ang sumisigaw na boses ni Quincy at umalingawngaw ito sa loob ng kwarto. "James, ganito ka ba kumilos bilang isang empleyado? Tumatanggap ka ng five thousand dollar ba
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo