Kabanata 386
Kahit na hindi takot mamatay si Ferdinand, takot naman ang iba pang mga heneral.

Dahil sa pagbabanta ni James sa kanilang mga buhay, nagpasiya sila na sumuko.

“S-si Willy ang may pakana nito. Inutusan niya kami na ipadala ang hukbong sandatahan ng dalawampu’t walong mandirigma para labanan ka sa Mt. Thunder Pass. Kapag natalo sila, saka lang kami lulusob.”

“Tama siya! Si Willy ang nagplano ng lahat ng ito.”

“Inutusan niya kami na hulihin ang Black Shadow General ng Southern Planis para gamitin laban sayo. Kumilos lang kami ddahil sinabi niya na kailangan niya ang tulong namin.”

Nagsalita ang bawat isa sa kanila.

Kinuyom ni James ang kanyang kamao.

Ang buhay ni Henry ay nasa peligro ng dahil sa kanila.

Gusto niyang patayin silang lahat, ora mismo.

Lumamig bigla ang buong kwarto. ang mga heneral na nakahiga sa lapag ay nararamdaman ang matindi niyang aura. Nanginig sila sa takot na para bang nasa harapan sila ng isang mabangis na hayop.

Huminga ng malalim si James.
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo