Kabanata 333
Walang pakialam si James at para bang hindi siya natatakot sa mga hindi inaasahang bisita.

Tinitigan nang masama nina Bjorn at Bryson si James.

Sumigaw si Bjorn, "Bata, lumuhod ka na at hayaan mong baliin ko ang mga binti mo. Sasama sa'kin ang asawa mo at matatapos na ang lahat ng to."

Tinuro ni Bryson ang mga tauhan niyang nakahiga sa stretcher na pilay ang mga binti at nagsabing, "Paano ko to basta-basta pababayaan? Binugbog mo ang mga tao ko at kailangan mo kong bayaran ng dalawang bilyong dolyar para ayusin ang bagay na'to. Dahil walang pera ang mga Callahan, ang mga Hill ang magbabayad para rito. Kung hindi ka magbabayad, hmph… wag mo kong sisihin sa mangyayari."

Nanahimik ang mga Hill.

Si James ang pakay nilang lahat kaya nanatili silang tahimik.

Hindi hahayaan ni Jedidiah ang ganitong pagpapahirap.

"Ang kapal ng mukha niyo!"

Tumayo siya at sumigaw, "Ito ang Hills' villa! Ang lakas ng loob niyong gumawa ng gulo sa bahay namin!"

"Pa, wag kang masyadong magsalita.
Leia este capítulo gratuitamente no aplicativo >

Capítulos relacionados

Último capítulo