Ang natitirang mga kalahok sa arena ay sina James, Feb, Qusai, Brielle, Lucifer, Maveth, Matilde at Wilvalor.
Napukaw ng Guardian ang atensyon ng lahat at pansamantalang natigil ang labanan.
Tumayo siya sa gitna ng arena. Nakasuot siya ng itim na robe at malaking hood na nakatakip sa mukha niya.
Innunsiya ng Guardian, “Ang Ancient Heavenly Court Age ay isang maluwalhating panahon kung saan maraming talentadong mga tao ang ipinanganak. Hindi mabilang na mga Grand Emperor at Ancestral Gods ang ipapanganak sana kung hindi dahil sa universe na pumipigil sa kanila.”
“Kahit na walang Ancestral Gods noong Ancient Heavenly Court Age, marami ang malapit na sa rank na iyon.”
“Ang lahat ng makakapangyarihan na mga tao ay nagmana ng iba’t ibang klaseng Supernatural Powers at Secret Arts, na ngayon ay nakatago sa Ancient Heavenly Court’s ruins. Ngunit, may mga pinili na inilagay sa huling mga lebel ng arena.”
Bigla naalala ni James ang sinabi ni Walganus sa kanya bago siya pumasok sa South Heaven G