Isinama ni James sina Walganus at Yanina para tanungin ang Blademaster ng Mount Grinch tungkol sa paghahatid sa kanila patungo sa Seafolk.Ngunit, nagbago ang ugali ng Blademaster ng Mount Grinch matapos mabanggit ang tungkol sa Seafolk.Tinignan ng malungkot ni Walganus si James at sinabi, “Malakas ang Blademaster ng Mount Grinch. Kahit na magtulugnan tayo, hindi natin siya kaya. Mahirap siyang kumbinsihin na isama tayo papunta sa Seafolk. Anong gagawin natin ngayon?”Hindi alam ni James kung anong gagawin nila. Naguguluhan siya kung bakit nagbago bigla ang ugali ng Blademaster ng Mount Grinch matapos marinig ang tungkol sa Seafolk.Napaisip si James.Matapos ito isipin, nagsalita si James, “Mainitin ang ulo mo, Walganus. Kung ako ang Blademaster ng Moutn Grinch, magagalit din ako sa ugali mo. Maghintay kayong dalawa dito. Susubukan ko siyang muli na kausapin.”“Sigurado ka?” tanong ni Walganus.“Kailangan ko subukan.”Hindi kumpiyansa si James. Ngunit, nasasabi niya na ang Blademast
“Problema ko na iyon, at wala itong kinalaman sa iyo.” Galit na sagot ng Blademaster ng Mount Grinch.Sinubukan siyang kumbinsihin ni James, “Sigurado akong narinig mo na ang tungkol sa balita na magpapakita ang itinadhana sa Sangria at aalisin ang sumpa. Ako ang itinadhana. Maaari ko alisin ang sumpa at alisin ang Cursed Seal sa planeta. Matapos ko magtagumpay, mawawala na ang sumpa sa planeta, at wala ng hangganan ang buhay ng mga nilalang dito. Maaari ka ng mabuhay pa.”Tinignan ng Blademaster ng Mount Grinch si James at nagtanong, “Anong dahilan mo para makipagkita sa akin?”Sinabi ni James, “Ang Crepe Myrtle Sword Pavillion ay may malaking kinalaman sa pag-alis sa sumpa. Ang susi para sa lihim ng Crepe Myrtle Sword Pavillion ay ang Crepe Myrtle Divine Sword na matagal ng nawawala. Nakakuha ako ng clue tungkol sa lokasyon nito na nasa Seafolk. Kailangan ko maglakbay patungo sa Seafolk para makuha ko ang espada at maalis ang sumpa sa mundong ito.”“Sinasabi mo sa akin isama ka sa Se
Wala lang para sa mga cultivator ang kalahating taon.Matapos magsalita ng Blademasterng Mount Grinch, pumitik siya sa hangin.Isang nakakasilaw na liwanag ang nagmula sa palad niya, at isang maliit na warship ang nagpakita.Unti-unting lumaki ang warship at tumigil noong kasing laki na ito ng gusali.Nagsalita ang Blademaster ng Mount Grinch, “Hindi mabilang na taon ang ginugol ko sa pag gawa ng lumilipad na battleship na ito. Sobrang tibay ng depensa nito at kahit mga halimaw na nasa Sage Rank’s Fifteenth Stage ay hindi ito magagawang galusan.“Maraming mga makapangyarihan na halimaw sa karagatan. Mas magiging ligtas na maglakbay sa lumilipad ko na battleship.”“Sige na at sumakay na kayo.”Matapos magsalita, sumakay ang Blademaster ng Mount Grinch sa lumilipad na battleship.Sumakay din sina James at iba pa pagkatapos.Matapos sumakay sa battleship, dahan-dahang itong lumipada sa kalangitan at mabilis na naglakbay sa karagatan. Hindi maikukumpara ang bilis ng Sage na lumilipad ng to
Nagsalita si James, “Dumaan tayo sa ibang ruta.”Umiling-iling ang Blademaster ng Mount Grinch at sinabi, “Ito lang ang paraan para marating ang Seafolk. Maraming mga space storm at dimensional crack sa ibabaw ng karagatan. Kung sa iba tayo dadaan at mapunta sa mga rift na ito, mamamatay tayo.”“Anong gagawin natin kung ganoon?” nabalisa si Walganus.“Bumalik na tayo.”Nag-isip ang Blademaster ng Mount Grinch bago sinabi, “Base sa kasalukuyan kong estado, hindi ko matatalo ang dragon kahit isugal ko pa ang buhay ko. Pero, maaari akong mabuhay pa ng kaunti kung babalik tayo sa pinagmulan natin.”Agad na sinabi ni Walganus, “Hindi puwede. Malapit na tayo sa teritoryo ng Seafolk. Bakit tayo susuko agad? Lumaban tayo ng magkasama. Baka matalo natin ang dragon kung magtutulungan tayo.”Noong narinig niya ito, napasulyap ang Blademaster ng Mount Grinch kay Walganus.“Hindi sa minamaliit kita bata, pero, anong gagamitin mo laban sa dragon?”Hindi masukat ng Blademaster ng Mount Grinch ang cul
Ang Yogacara ni James ay walang katapat na Sword Energy na iniwan ng Ancestral Sword Master ng Primeval Age, at nagtataglay ng lakas para sirain ang mga mundo.Naging Yogacara ni James ang Sword Energy na ito. Umabot na sa Tribulation Rank’s Third Stage ang lakas ni James, pero hindi niya magamit halos ang lakas ng Yogacara niya.“Susugod na ako.”Sinabi ito ng Blademaster ng Mount Grinch kay James bago lumipad.Lumipad ang itim na dragon sa kalangitan at napalibutan ang katawan nito ng mga ulap. Mabilis itong lumipad sa mga ulap at sumigaw.Sa lakas ng nakabibingi nitong sigaw, lumikha ito ng mga tsunami.Sa oras na nagpakita ang Blademaster ng Mount Grinch, inatake siya ng itim na dragon. Hinampas siya ng malaking buntot na lumikha ng napakataas na tsunami.Ang malaking tsunami ay aabot ng 10,000 metro ang taas.Rumagasa ang tsunami dahil sa buntot ng dragon.Hindi mahinang tao ang Blademaster ng Mount Grinch. Itinaas niya ang espada niya at lumikha ng libong Sword Light. Ang mga Swo
Sa sandaling nagsanib ang mga anino, nakabuo sila ng napakalaking silhouette sa kalangitan.Lumipad si James mula sa langit at itinusok ang kanyang mahabang espada sa katawan ng itim na dragon.Tila natigil ang oras sa mga sumunod na segundo.Makalipas ang ilang segundo, tila mabilis ang oras.Ang espada ni James ay ganap na tumagos sa katawan ng itim na dragon, at si James ay makikita sa ilalim ng itim na dragon.Ang afterimage ni James ay hindi makasabay sa sariling bilis ni James. Marami sa kanyang mga shadow clone ang nakasunod kay James at sumanib sa kanyang katawan.Boom!Umalingawngaw sa hangin ang tunog ng isang malakas na pagsabog.Libu-libong Sword Energies ang lumabas mula sa katawan ng itim na dragon, pinunit ito mula sa loob. Hindi nakayanan ng itim na dragon ang pinsala ng Sword Energies at sumabog, naging kawalan at naglaho sa paningin.Nawala ang itim na dragon matapos itong matalo.Ang Blademaster ng Mount Grinch ay tumingin kay James na nanlaki ang mga mata.
Malaki ang paghanga ni James sa swordsmanship ng Ancestral Sword Master. Matapos niyang makuha ang napakahusay na pamamaraan, wala na siyang dapat katakutan.Palibhasa'y nagsasanay ng napakalakas na espada, si James ay walang takot, anuman ang magiging hamon ng Ikatlong Kalamidad ng Daigdig. Tiwala si James na magagabayan niya ang mga tao sa Earth sa pamamagitan ng kalamidad.Ang lumilipad na barkong pandigma ay maayos na naglayag sa ibabaw ng karagatan.Ang natitirang bahagi ng paglalakbay ay lumipas nang hindi nakatagpo ng iba pang mga fanger.Lumipas ang isa pang tatlong buwan sa isang kisap-mata.Biglang huminto ang barkong pandigma.Si James ay naglilinang sa kanyang silid, sinusubukang higit na maunawaan ang espada na natutunan niya.May kumatok sa pintuan niya.Bumangon siya at binuksan ito.Isang matandang lalaki ang nakatayo sa labas ng kanyang silid. Nakasuot siya ng kulay abong damit at may puting balbas.Magalang na tumingin kay James ang matanda at sinabing, “Mr.
Inikot ni James ang kanyang mga mata sa sinabi ni Walganus. Hindi siya mapakali na tumugon kay Walganus.Lumingon siya kay Yanina at nagtanong, "Nararamdaman mo ba ang enerhiya ng Crepe Myrtle Divine Sword?"Umiling si Yanina at sinabing, “Hindi.”Kumunot ang noo ni James at sinabing, “Hindi? Hindi ba dapat maramdaman mo kung lalapitan mo ito dahil pinagkadalubhasaan mo ang Propitious Crepe Myrtle technique?"Sinabi ni Yanina, "Totoo iyon, ngunit hindi ko nararamdaman ang Crepe Myrtle Divine Sword dito. Isa lang ang paliwanag para dito, iyon ay, ang Crepe Myrtle Divine Sword ay wala sa teritoryo ng Seafolk."Umiling si James at sinabing, “Imposible. Nakakuha ako ng mapagkakatiwalaang impormasyon na narito ang espada."Tanong ni Walganus, “Sino ang nagbigay sa iyo ng impormasyon, James? Dahil ikaw ay mula sa Earth at hindi isang taga-Galileo, nakakapagtaka na alam mo ang tungkol sa kinaroroonan nito pagkatapos lamang na nasa planetang ito sa maikling panahon."“Hindi mo kailangan