Sa sinaunang lagusan, nakikita ni James na may ilang tao sa harapan niya na umuusad nang may katamtamang bilis. Nang pumasok si James sa lagusan, napansin mas matindi ang spatial pressure sa lugar na ito kumpara sa mga nauna. Babagal siya nang sobra kung hindi siya gagamit ng True Energy. "Ang lugar na'to ay ang perpektong lugar para sanayin ang pisikal kong katawan. Kahit papaano hindi ko na kailangang magsuot ng armor," bulong ni James. Hindi nagtagal, dumating siya sa city gate. Maraming tao ang nagtipon doon, kabilang ang Son of Heaven at si Marcello. Maliban sa kanila, mayroon ring iba pang pamilyar na mga mukha—sina Xain, Samarth, Yandel, Wynter, at iba pang hindi kilala ni James. Nakatitig si Marcelo sa city gate nang bigla siyang lumingon. Nang nakita niya si James, lumapit siya sa kanya at masayang ngumiti, "James, nakalampas ka ba sa unang limang barrier?" Nabigla si Marcello. Alam niya kung gaano kahirap ang mga naunang barrier. Maliban sa golem formation,
Hindi makapaniwala si James sa swerte niya. Sa lahat-lahat ng tao, nag-aalala siya na baka maharap siya kay Marcello o sa Son of Heaven. Matagal nang nakarating sa Herculean rank ang dalawa, samantalang siya, kakarating niya lang sa Herculean rank. Maski ang Inner Gates niya ay di pa niya nagagalaw. Ngayon, ang masasandalan niya lang ay ang pisikal niyang katawan. Gayunpaman, kahit na malakas ang pisikal niyang katawan, mas mahina pa rin siya sa mga nasa Supernatural Consummation rank. Kahit na lumakas ang pisikal niyang lakas pagkatapos magcultivate sa loob ng Celestial Abode, halos wala siyang tyansang madali ang Son of Heaven. Tumingin ang Son of Heaven kay James habang lumitaw ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. Ang tanging kinakatakutan niya ay si Marcello dahil hindi niya siya mabasa. Nang narinig niyang si James ang magiging kalaban niya, nakahinga siya nang maluwag. Tiyak na mananalo siya. Naniniwala si James na hindi patas ang desisyon ng anino. Gusto ni
Humakbang paharap si Marcello at nagsabing, "Hindi na natin kailangang magsayang ng oras. Lalabanan ko na lang ang lahat." "Oh?" Sa pagkabigla, tumingin ang anino kay Marcello at nagtanong, "Sinasabi mo bang balak mong hamunin ang lahat ng nandito?" "Oo." Tumango si Marcello. "Magaling!" Nagdiwang ang anino, "Gusto ko ang mga matatapang na kagaya mo. Paano kung ganito? Kapag natalo mo ang lahat ng narito, bibigyan din kita ng paraang makarating kaagad sa ninth barrier." "Tandaan mong tumupad sa sinabi mo," nakangiting sabi ni Marcello. Hindi natuwa ang Son of Heaven. Nang nakita niyang may karapatan si Marcello na makarating sa huling barrier, humakbang siya paharap at nagtanong, "Anong karapatan niya para mabigyan ng ganitong pagkakataon? Nakapunta rito ang lahat gamit ng pagsisikap namin. Bakit sila may karapatang makapunta diretso sa huling barrier? Tumututol ako rito." Tumingin ang anino sa kanya at nagtanong, "Hindi ka ba natutuwa sa desisyon ko?" "Oo," determina
Ang taong nagsalita ay isang lalaki. Nasa isang metro at animnapung sentimetro ang taas niya at may kaliitan. Medyo maitim ang balat niya at sa likod niya ay isang long sword. Nakatayo siya sa likuran ng madla at dahan-dahang naglakad. Tumingin muna ang lalaki sa madla bago simpleng nagsabing, "Gusto kong hamunin ang lahat." "Magaling," sabi ng anino. Mukhang maraming malalakas sa mga nakarating rito. "Kung ganun, magsimula na tayo." Simpleng kumumpas ang anino. Sa palad niya, isang puting sinag ng liwanag ang nabuo. Unti-unting nakita ang puting sinag at nabuo sa city gate. Pagkatapos nito, isang malaking arena ang lilitaw sa city gate. Sa diyametrong halos sampung libong metro, napakalaki ng arena. Sa paligid ng arena, mayroon ring mga misteryosong pabilog na ilaw. Nagpatuloy ang anino, "Isa itong death match. Kung hindi susuko ang isa, kailangan siyang patayin ng kalaban niya para makalampas sa checkpoint." Tumango ang lahat. Sa bawat isang hakbang papunta sa p
Tahimik na bumulong si James sa sarili niya. Nang kumalat ang pisikal na lakas niya sa buo niyang katawan, nagsimula siyang maging mas kampante. "Mga ginoo, magsimula na tayo." Mula sa labas ng arena, narinig ang boses ng anino. "Maglaban kayong maigi. Ngayong nasa Celestial Abode pa rin ang espiritu ng Master, siguro ay nanunuod ang Master ngayon. Kung sapat at magugustuhan ng Master ang performance niyo, baka hindi niyo pa kailangang dumaan sa checkpoint at maging bagong owner kaagad ng Celestial Abode." Sumigla ang ekspresyon ng Son of Heaven nang narinig niya ito. Lumalabas na narito pa rin ang espiritu ng dating may-ari ng Celestial Abode sa loob ng Celestial Abode. Sa sandaling iyon, nagpasya siyang pabagsakin nang napakabilis ang kalaban niya. Balak niyang talunin si James sa isang atake. Pagkatapos itong maisip, binuhos niya ang buo niyang lakas. Dumaloy ang True Energy sa katawan niya. Kaagad na lumaki sa kasukdulan ang aura sa katawan niya. Nang bumagsak ang aura
Napakalakas ng Blithe Fist of Abomination. Mabisa, mabilis, at agresibo ito. Gayunpaman, sa harap ng Son of Heaven, hindi gumagana ang atakeng ito. Madali itong nabura ng Son of Heaven. Kahit gamit ng Tenth Fist, hindi siya nasaktan ni James. Maliksing binura ng Son of Heaven ang lahat ng atake. Pagkatapos balewalain ang mga atake ni James, tumalon siya sa ere at lumitaw sa likuran ni James. Sa isang malakas na atake, tumalsik si James na parang isang bolang gawa sa goma. Tumumba siya ulit sa lapag. Sobrang sakit ng katawan niya dahil sa pagbagsak niya. Ang Son of Heaven na nasa ere ay may malamig na ekspresyon sa mukha niya. Tinaas niya ang mga kamay niya at nabuo ang malakas na True Energy sa palad niya. Pagkatapos, umatake siya nang may bangis. Isang bagyo ng True Energy ang nalaglag mula sa langit at bumagsak nang malakas kay James. Boom. Sa isang iglap, isang malalim na hukay ang lumitaw sa arena. Samantala, nalaglag sa malalim na hukay ang katawan ni James. "Pat
Bahagyang ngumiti ang Son of Heaven. "Inasahan kong napakalakas ng signature martial skill mo, tapos ganito?" Pagkatapos gamitin ang espada niya, tinulak niya ang palad niya nang may matinding pwersa. Tumilapon ulit si James at bumagsak nang malakas sa lapag sa malayo. Nang wala nang lakas para makatayo, nakahiga si James sa mga bato. Naniwala siyang pagkatapos niyang gamitin ang Invincible Body Siddhi, kahit na wala siyang laban sa Son of Heaven, tatagal siya kahit papaano. Gayunpaman, hindi niya alam na ganito palang nakakatakot ang isang Herculean. Hindi niya inasahang sa sobrang lakas ng Son of Heaven ay kaya niyang sirain ang Invincible Body Siddhi nang ganun kadali. Binasag ng mga atake mula sa Son of Heaven ang laman-loob niya at meridians sa buo niyang katawan Nagtamo siya ng mga sugat na hindi pa niya naranasan. Humiga siya sa lapag at hindi makatayo. Sa kasalukuyan, inaayos ng katawan niya ang sarili nito. Hindi kaagad kumilos ang Son of Heaven para durugin s
Nang naisip ito ng Son of Heaven, bahagya siyang nakahinga nang maluwag. Alam niyang ang isang napakamakapangyarihang taong naghahanap ng tagapagmana ay may napakataas na ekspektasyon para sa taong iyon. Kailangan nilang panatilihing maging makatao. Nagiging mapagbigay siya ngayon kaya tiyak na tatandaan ito ng dating may-ari ng Celestial Abode. "James, kumilos ka na. Hindi ako iilag. Gagamitin ko ang sarili kong kapangyarihan para pigilan ang kahit na anong atakeng ibibigay mo. Kung hindi ko kayang salagin ang atake mo, hindi rin ako nararapat para sa Celestial Abode na ito." Umalingawngaw ang boses ng Son of Heaven. Sa labas ng arena, nanginig ang gilid ng bibig ni Xain. Alam na alam niya ang lakas ni James. Isa talagang halimaw si James. Hindi siya nag-ingat tatlong taon ang nakaraan at nabiktima siya ng plano ni James. Ang resulta nito, nagtamo siya nang matinding mga sugat at nawalan ng kakayahang lumaban. Tatlong taon ang nakaraan, wala lang si James sa mga mata ni