“Susubukan ba ito muli ni James?”“Napapaisip ako kung makakatawid ba ang tagalupa sa ikatlong barrier.”Marmai ang nagtipon sa ikatlong barrier sapagkat hindi sila makatawid. Napaisip silang lahat kung kaya ni James na lampasan ito kung saan hindi sila makalampas.Hindi nag-isip si James at inalis ang lahat ng mga impurities bago humakbang. Kasabay nito, naglabas siya ng Psynergy at pinakiramdaman ang paligid, sa tuwing kumikilos ang mga golem, sumasagi ito sa isip niya. Malinaw niyang nakikita ang pagmumulan ng atake, kaya nakakaiwas siya agad.Habang maliksi siyang kumikilos, nagpatuloy siya.Hindi nagtagal, umabot na siya sa 200-meter mark.Ngunit, bumilis ang atake ng mga golem. Kahit na nararamdaman ni James ang mga atake nila, hinidi siya makaiwas sa tamang oras.Tinamaan ang balikat niya, at nakaramdam siya ng matinding sakit. Samantala, nagpakita siya ng senyales na tutumba na siya. Matapos tamaan ng isang beses, marami pang mga pinsala ang tinamo niya mula sa mga golem. Haba
Hindi nag-aalala si James sapagkat pansamantala siyang napatigil dito.May plano na siya sa isip niya. Sa opinyon niya, kailangan lamang niyang icultivate ng paulit-ulit ang katawan niya. At hindi magtatagal, malalampasan niya ang ikatlong barrier.Kahit na hindi niya makuha ang Celestial Abofe sa huli, malaki na rin ang mapapala niya sa pagpapalakas ng katawan niya.Matapos ang panandaliang pahinga, sinugod niya muli ang golem formation. Sa pagkakatapos na ito, hindi siya pumasok habang iniisip ang barrier, pero para icultivate ang pisikal niyang katawan.Hindi nagtagal, umabot siya sa 200-meter mark.Sa oras na ito, bumilis na ng husto ang mga golem sa puntong hindi na ito masundan ni James. Sa loob ng maiksing oras, nagtamo siya ng maraming pinsala.Hindi matalim ang mga espada ng mga golem at hindi kaya mag-iwan ng panlabas na pinsala. Pero, matindi ang puwersa nila at bumagsak agad si James sa sahig. Ganoon lang at nagawa ni James na magpatuloy pa ng isang dagdag na isang daang me
Isa itong tulay na batong gawa sa puting granite. Pagkatapos huminto sandali, naglakad si James papunta sa tulay. Nang humakbang siya sa tulay, bigla siyang sinalubong ng napakatinding bigat. Nakaramdam siya ng isang bundok na dumagan sa mga balikat niya habang dahan-dahang sumuko ang tuhod niya at bumagsak siya sa lapag. Kahit anong gawin niya, hindi siya makabangon. Kaya nanatili naang si James na nakabulagta sa tulay at huminga nang mabilis. Pagkatapos ng ilang sandali, ginamit niya ang True Lunar at Terra Energy sa loob ng katawan niya. Nang kumalat sa katawan niya ang True Lunar at Terra Energy, ginamit niya ang pisikal niyang lakas at tumayo. Nilabanan niya ang matinding bigat na dumadagan sa kanya. Krak! Sa sobrang tindi ng bigat, nagsimulang magkalamat ang mga buto niya. Gayunpaman, dahil mayroon siyang matinding lakas, nagawa niyang makayanan ang bigat. Nang itataas niya ang binti niya para humakbang muli, para bang nakadikit ang paa niya sa tulay. Kahit ilang be
Ngayong nasa kalahati na si James, nabigyan siya nito ng pag-asa. Gumapang siya nang hirap na hirap at umupo nang naka-lotus position sa lapag. Nang ginamit niya ang Novenary Golden Body Siddhi, pumasok ang Empyrean Spiritual Energy sa katawan niya at pinawi ang sakit na nararamdaman niya. Samantala, may tao sa tabi ni James. Bumagsak ang lalaki sa lapag at nababalot ng dugo. Basag na ang mga buto niya at nawalan siya ng kakayahang magpatuloy. Gayunpaman, dahil ayaw niyang umamin ng pagkatao, nagpatuloy siya at nag-iwan ng bakas ng dugo. Nang nakita ito ni James ay nagsabi siya, "Tama na. Mamamatay ka kapag nagpatuloy to." "H-Hindi ako susuko. Kahit na mamatay ako, kailangan kong malampasan ang barrier na'to at makuha ang Celestial Abode. Ako ang magiging pinakamagaling sa mundo," sagot ng lalaki. Nagulat si James sa obsesyon niya. Pagkatapos, hindi niya siya pinansin; sa halip ay binuhos niya ang lahat ng atensyon niya sa pagcucultivate. Sa tulong ng matinding biga
Sa sinaunang lagusan, nakikita ni James na may ilang tao sa harapan niya na umuusad nang may katamtamang bilis. Nang pumasok si James sa lagusan, napansin mas matindi ang spatial pressure sa lugar na ito kumpara sa mga nauna. Babagal siya nang sobra kung hindi siya gagamit ng True Energy. "Ang lugar na'to ay ang perpektong lugar para sanayin ang pisikal kong katawan. Kahit papaano hindi ko na kailangang magsuot ng armor," bulong ni James. Hindi nagtagal, dumating siya sa city gate. Maraming tao ang nagtipon doon, kabilang ang Son of Heaven at si Marcello. Maliban sa kanila, mayroon ring iba pang pamilyar na mga mukha—sina Xain, Samarth, Yandel, Wynter, at iba pang hindi kilala ni James. Nakatitig si Marcelo sa city gate nang bigla siyang lumingon. Nang nakita niya si James, lumapit siya sa kanya at masayang ngumiti, "James, nakalampas ka ba sa unang limang barrier?" Nabigla si Marcello. Alam niya kung gaano kahirap ang mga naunang barrier. Maliban sa golem formation,
Hindi makapaniwala si James sa swerte niya. Sa lahat-lahat ng tao, nag-aalala siya na baka maharap siya kay Marcello o sa Son of Heaven. Matagal nang nakarating sa Herculean rank ang dalawa, samantalang siya, kakarating niya lang sa Herculean rank. Maski ang Inner Gates niya ay di pa niya nagagalaw. Ngayon, ang masasandalan niya lang ay ang pisikal niyang katawan. Gayunpaman, kahit na malakas ang pisikal niyang katawan, mas mahina pa rin siya sa mga nasa Supernatural Consummation rank. Kahit na lumakas ang pisikal niyang lakas pagkatapos magcultivate sa loob ng Celestial Abode, halos wala siyang tyansang madali ang Son of Heaven. Tumingin ang Son of Heaven kay James habang lumitaw ang isang maliit na ngiti sa mukha niya. Ang tanging kinakatakutan niya ay si Marcello dahil hindi niya siya mabasa. Nang narinig niyang si James ang magiging kalaban niya, nakahinga siya nang maluwag. Tiyak na mananalo siya. Naniniwala si James na hindi patas ang desisyon ng anino. Gusto ni
Humakbang paharap si Marcello at nagsabing, "Hindi na natin kailangang magsayang ng oras. Lalabanan ko na lang ang lahat." "Oh?" Sa pagkabigla, tumingin ang anino kay Marcello at nagtanong, "Sinasabi mo bang balak mong hamunin ang lahat ng nandito?" "Oo." Tumango si Marcello. "Magaling!" Nagdiwang ang anino, "Gusto ko ang mga matatapang na kagaya mo. Paano kung ganito? Kapag natalo mo ang lahat ng narito, bibigyan din kita ng paraang makarating kaagad sa ninth barrier." "Tandaan mong tumupad sa sinabi mo," nakangiting sabi ni Marcello. Hindi natuwa ang Son of Heaven. Nang nakita niyang may karapatan si Marcello na makarating sa huling barrier, humakbang siya paharap at nagtanong, "Anong karapatan niya para mabigyan ng ganitong pagkakataon? Nakapunta rito ang lahat gamit ng pagsisikap namin. Bakit sila may karapatang makapunta diretso sa huling barrier? Tumututol ako rito." Tumingin ang anino sa kanya at nagtanong, "Hindi ka ba natutuwa sa desisyon ko?" "Oo," determina
Ang taong nagsalita ay isang lalaki. Nasa isang metro at animnapung sentimetro ang taas niya at may kaliitan. Medyo maitim ang balat niya at sa likod niya ay isang long sword. Nakatayo siya sa likuran ng madla at dahan-dahang naglakad. Tumingin muna ang lalaki sa madla bago simpleng nagsabing, "Gusto kong hamunin ang lahat." "Magaling," sabi ng anino. Mukhang maraming malalakas sa mga nakarating rito. "Kung ganun, magsimula na tayo." Simpleng kumumpas ang anino. Sa palad niya, isang puting sinag ng liwanag ang nabuo. Unti-unting nakita ang puting sinag at nabuo sa city gate. Pagkatapos nito, isang malaking arena ang lilitaw sa city gate. Sa diyametrong halos sampung libong metro, napakalaki ng arena. Sa paligid ng arena, mayroon ring mga misteryosong pabilog na ilaw. Nagpatuloy ang anino, "Isa itong death match. Kung hindi susuko ang isa, kailangan siyang patayin ng kalaban niya para makalampas sa checkpoint." Tumango ang lahat. Sa bawat isang hakbang papunta sa p