Kabanata 2004
Yumuko ng kaunti si Leandro at ipinakita ang galang sa kanyang master.

Ang lalake sa harapan niya ay ang Son of Heaven, ang pinaka kilalang disipulo ng pinakamalaking pigura sa buong Overworld. Bata pa siyang tignan, pero matinding lakas ang taglay niya.

“Mhm.” Tumango ng kaunti ang lalake at tumungo sa kahoy an upuan sa labas ng bahay at naupo.

“Master, isang tagalupa ang nagpakita sa Mount Bane ilang araw na ang nakararaan…”

Ikinuwento ni Leandro ang mga nangyari sa kanya.

“Oh?” Tulalang nagtanong ang Son of Heaven kay Leandro, “Isang lalake na nagtataglay ng nakakatakot na Demonic Energy… May ganitong tao ba talaga sa Earth?”

“Oo, hindi siya mamataymatay. Kahit gaano katindi ang pinsala niya, nagagawa niyang gumaling sa loob ng maikling panahon. Kahit ang lima sa amin na nasa Supernatural Consummation ay hindi siya mapatay. Bukod pa doon, halos mapatay niya si Yandel Harlow,” sagot ni Leandro.

Naging malagim ang ekspresyon ng Son of Heaven. Habang napapaisip, nanatili siyang tahimik
Sigue leyendo en Buenovela
Escanea el código para descargar la APP

Capítulos relacionados

Último capítulo

Escanea el código para leer en la APP