Pinili ni Yandel na tanggapin ang pagkatalo niya at nagdasal na hindi siya patayin ni James.Tinignan lang siya ni James ng masama.Habang malalim ang iniisip, pinagninilayan niya kung gagamitin ba niya ang pagkakataon na ito para takutin ang mga Overworld Outsider sa pagpatay kay Yandel.Ngunit, nag-aalala din siya na baka maging kabaliktaran ang epekto nito at sa halip, magalit ang mga taga Overworld. Sa ganitong sitwasyon, ang mga tagalupa ang pagbabalingan nila ng galit. Kahit na hindi siya takot sa mga taga Overworld, hindi ganito ang nararamdaman ng mga tagalupa.Bukod pa dito, matapos ang matinding laban, nagsimula niyang maintindihan lalo ang katawan niya. May malakas na Demonic Energy ito, pero nauubos ang Demonic Energy sa tuwing nagkakaroon siya ng pinsala. Sa oras na ito, wala na siyang Demonic Energy sa katawan. At ganoon na nga, nararamdaman niya na bumabagal ang bilis ng pag galing niya.Dito napagtanto ni James na hindi pang habang panahon ang tatag ng katawan niya. Lim
Ngumiti si Leandro, “Walang problema. Naparito nga naman kami para maghanap ng mga pagkakataon. Nangangako ako na hindi papahirapan ng mga taga Overworld ang mga tagalupa, simula ngayon hanggang sa magbukas ang seal.”Tumango ang iba, bilang sagot nila na gusto nila mabuhay ng tahimik kasama ang mga tagalupa.Nagpatuloy si James, “At para sa lokasyon ng seal, napakahalaga ng Mount Bane at misteryoso sa Earth. Kaya, maraming mga may mahika na bagay ang magpapakita dito. Simula ngayon, maaaring pumasok ang mga tagalupa sa Mount Bane ano man oras nila gustohin. Hindi ninyo sila maaaring pagbawalan.”Tinignan ng iba si Leandro.Ang Son of Heaven ang pinakamagaling sa lahat ng nagmula sa Overworld. Samantala, bilang butler ng Son of Heaven, maaaring tanggapin ang mga salita ni Leandro bilang mga kagustuhan ng Son of Heaven.Napaisip si Leandro ng ilang sandali bago sumagot, “Wala akong problema doon. Pero, hindi maaaring pumasok ang mga tagalupa sa lugar ng mga sect na itinaguyod namin. Kun
Hindi makapaniwala si Xandra sa narinig niya. Alam niya na makapangyarihan ang mga Overworld Outsiders at mga tao na nagbabantay sa Mount Bane. Kaya, hindi niya inaasahan na kaya silang tapatan ni James.“Hindi ako sigurado kung mararamdaman ko ang lokasyon ng mga mahiwagang mga bagay. Pero sapagkat ligtas na sa Mount Bane, tutungo ako agad dyan. Hintayin mo ako, James. Dadating ako sa loob ng isang araw.”“Sige.”Ibinaba ni James ang tawag.Pagkatapos, naupo siyang lotus position sa sahig at hinigop ang Empyrean Spiritual Energy para magkaroon siya muli ng Demonic Energy sa katawan niya.Naubos ang Demonic Energy niya matapos ang laban. Hindi ito ang True Lunar and Terra Energy na kinucultivate niya, at hindi rin ito lakas ng katawan niya.Habang pumapasok ang Empyrean Spiritual Energy sa katawan niya, ang naubos na Demonic Energy ay unti-unting bumabalik. Matapos ang ilang oras, nabawi na ang Demonic Energy, bumalik ang lakas ni James. Hindi siya umalis, sa halip, matiyagang naghinta
Yumuko ng kaunti si Leandro at ipinakita ang galang sa kanyang master.Ang lalake sa harapan niya ay ang Son of Heaven, ang pinaka kilalang disipulo ng pinakamalaking pigura sa buong Overworld. Bata pa siyang tignan, pero matinding lakas ang taglay niya.“Mhm.” Tumango ng kaunti ang lalake at tumungo sa kahoy an upuan sa labas ng bahay at naupo.“Master, isang tagalupa ang nagpakita sa Mount Bane ilang araw na ang nakararaan…”Ikinuwento ni Leandro ang mga nangyari sa kanya.“Oh?” Tulalang nagtanong ang Son of Heaven kay Leandro, “Isang lalake na nagtataglay ng nakakatakot na Demonic Energy… May ganitong tao ba talaga sa Earth?”“Oo, hindi siya mamataymatay. Kahit gaano katindi ang pinsala niya, nagagawa niyang gumaling sa loob ng maikling panahon. Kahit ang lima sa amin na nasa Supernatural Consummation ay hindi siya mapatay. Bukod pa doon, halos mapatay niya si Yandel Harlow,” sagot ni Leandro.Naging malagim ang ekspresyon ng Son of Heaven. Habang napapaisip, nanatili siyang tahimik
Walang naniwala na buhay pa si James. Ang akala nila prank ang message na ito.[Anong klaseng biro ito?][Pumasok sa Mount Bane ano mang oras namin gustohin? Ang makahanp ng mahiwagang bagay ay kanya na iyon? Hindi pa ba naririnig ng taong ito ang tungkol sa Overworld?][Kagagawan siguro ito ng Overworld. Marahil wala silang magawa at gusto tayo papuntahin doon.]Tuloy ang diskusyon sa forum.Matapos magpost ni James, hindi siya agad umalis, sa halip, binantayan niya ang mga reaksyon nila.Matapos makita na walang naniniwala sa kaniya, napakamot siya ng ilong.Pagkatapos, nagpost siya muli.[Ako si James Caden ng Wyrmstead. Buhay pa ako at nagbalik. Sa Mount Bane, pinatay ko si Matias Judah, ang tao na marmaing pinaslang mula sa Japura at kinalaban ko ang maraming mga Overworld Outsider.][Kinalaban ko si Xain Judah, Samarth Carter, Wynter Freya, Yandel Harlow, at Leandro Xamir hanggang sa naging tabla kami kung saan nagkaroon ako ng karapatan para makipagdiskusyon at negosasyon sa kan
Kasabay nito, sa Cansington…Naglakad si Cynthia sa labas ng kuwarto niya habang naka pajama. Hindi siya makatulog, kaya tumungo siya sa living room at tinignan ang Martial Arts Forum. Gusto niyang malaman kung may malaki na nangyari sa mga nakalipas na araw.Sa oras na binuksan niya ang forum, nakita niya ang dalawang mensahe ni James. Matapos basahin ang post, hindi niya napigilan na sabihin, “Buhay pa si James?”Hindi siya makapaniwala sa nabasa niya. Habang hawak ang phone niya, umakyat siyasa itaas at kumatok sa pinto.Knock! Knock! Knock!“Maxine! Maxine!”Pero, kahit gaano kalakas siyang kumatok, walang sumagot sa pinto. Kaya, binuksan niya ito at pumasok sa kuwarto,Pagpasok niya, nakita niya si Maxine na nakaupo ng lotus position sa kama. Suot ang puti na pajama, nakalutang ang buhok niya at mapula ang mga mata niya. Kulay berde na mga ugat ang nakabukol sa mukha niya.Kinilabutan si Cynthia at sinubukan na umalis.Fwoosh!Sa isang iglap, nagpakita si Maxine sa harap niya at s
Napagalaman ni Maxine na buhay pa si James. Para malaman ang totoo, tumungo siya sa Mount Bane.Sa katahimikan ng gabi, may bonfire sa paanan ng Mount Bane.Nakikipag-usap si James kay Xandra ng may isang grupo ng mga tao ang nagpakita sa malayo. Ang nangunguna dito ay isang lalake na nakaputi na robe at makinis ang balat. May hawak siyang puti na perlas na kasing laki ng kamay niya. Kuminang ang perlas na ito at may itim na tuldok sa loob ng perlas na kumikilos.Ngunit, tila may naramdaman na isang bagay, nanginig ito ng matindi. Pagkatapos, isang itim na aura ang sumugod sa perlas. Sa isang iglap, naging itim na ang perlas.“Ano?” natulala ang lalake. “Nakakatakot na Demonic Energy…”Hindi pa siya nakakaramdam ng ganito na katindi ng Demonic Energy sa mundong ito.Ang perlas sa kamay niya ay kayamanan na iniregalo sa kanya ng master niya na kayang maramdaman ang presensiya ng mga tao na may Supreme Spiritual Root na nacontaminate ng Demonic Energy.Ang lalake sa likod ng nakaputi na
Agad na humingi ng tawad si Marcello, “Pasensiya na, mukhang sumobra ako.”Naupo si James sa isang bato at itinuro ang bato sa tabi niya, “Maupo ka.”Ang isa sa mga tagasunod ni Marcello ay lumapit sa bato at naglagay ng tela doon. Dito lamang naupo si Marcello.Samantala, si Xandra ay nanatiling tahimik sa buong pag-uusap.Nagtanong si Marcello, “Oo nga pala, hindi ko pa naitatanong ang pangalan mo.”Nagsalita si James, “James Caden.”“Ang ganda ng pangalan mo… Kahanga-hanga ka talaga, James. Nagawa mo labanan ang limang makapangyarihan na pigura at halos mapatay ang isa,” pinuri siya ni Marcello. “Nararamdaman ko na mababa ang rank mo, pero kahanga-hanga nag pisikal na lakas mo. Ang black lotus mo ay kakaiba. Mukhang nakokontrol mo ito ng husto.”Tinignan siya ni James. Mukhang dumating si Marcello sa Mount Bane at hindi pa ganoon katagal dito at nanonood mula sa malayo. Ngunit, wala siyang ideya kung anong binabalak ni Marcello.“Wala akong ibig sabihin doon.” Sa oras na nakita niya