”Si-Sino ba ang earthling na ito?” “Bakit siya napapalibutan ng maraming mga bigatin?” “Napapalibutan siya ng maraming mga cultivators na nasa Supernatural Consummation rank. Kahit ang isang Herculean ay hindi mananalo sa sitwasyon na ito.” Marami ang nag-usap. Samantala, sa may labanan… Kahit na si Samarth ang unang kumilois, ang kanyang atake ay madali lang na nasalag ni James. Labis siyang napahiya dahil dito. Dumilim ang kanyang mukha habang nakatingin sa iba pa, at sinabi, “Ano pa ang tina-tayo-tayo ninyo dyan? Umatake na dapat tayo ng sabay!” Ang iba pa ay inilabas na ang kanilang mga sandata. Swish! Sa pagkakataon na ito, si Leandro ang kumilos. Habang hawak ang kanyang espada, isang malakas na Sword Energy ang nabuo at sumugod kay James ng may malakas na pwersa. Ang maaasahan lang ni James ay ang nagising niyang Natal Supernatural. Ang black lotus ay kaagad na lumitaw sa kanyang harapan at hinarang ang atake ni Leandro. Nang tumama ang Sword energy ni Leand
Kahit na malubhang nasugatan ni James si Yandel, nagtamo din siya ng pinsala. Ang kanyang katawan ay nasaksak ng espada, at ang kanyang likuran at tinamaan ng suntok. Bumagsak siya mula sa langit at humampas sa isang bundok sa ibaba, na kaagad naman gumuho. “Patay na ba siya?” “Marahil ay tinamaan siya ng espada sa delikadong lugar. Kahit na mabuhay pa siya, hindi na niya magagawa pang lumaban.” “Kung ganun ay tapos na ang laban na ito.” “Ang martial artist na iyon mula Earth ay nakakatakot. Para isipin na nagawa niyang puruhan ang kabilang partido habang napapalibutan ng mga ito.” Mula sa malayo, maraming mga martial artists mula sa Overworld ang pinanood ang laban mula sa malayo. Nang makita nila ang duguang katawan ni Yandel, hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na huminga ng malalim. At nung ang lahat ay iniisip na natalo na si James, isang itim na ilaw ang lumipad sa ere mula sa ilalim ng lupa. Pagkatapos, lumitaw si James sa ere. Kahit na mukha siyang
Humalakhak siya. Pagkatapos, tumuntong siya sa black lotus at nagtungo sa direksyon ni Yandel. “Nanaman?!” Nang makita niya na muling pasugod si James sa kanyga, si Yandel, na sa wakas ay nakahinga na ng maluwag, ay sinumpa, “Sino ka ba sa tingin mo?” Nagalit ito. Hindi alintana ang kanyang mga sugat, ginamit niya ang buo niyang lakas, at ang kanyang aura ay biglang lumakas. Isang ilusyon ng isang tigre ang nabuo mula sa True Energy sa kanyang likuran. Na may taglay na kakaibang kapangyarihan, naglabas ito ng isang matinding aura. Sa mga sandaling ito, umalulong ang tigre at tumalon papunta kay James. Nang maramdaman niya ang parating na panganib, sinubukan ni James na umilag ngunit hindi niya nagawa. Ang tigre ay nakalmot siya sa dibdib at tumapyas ng piraso ng kanyang laman. Nakaramdam ng matinding sakit si James sa buo niyang katawan. Sa mga sandaling iyon, gayunpaman, isang itim na aura ang lumabas mula sa kanyang katawan, na kaagad na nagpagaling sa kanyang s
Pinili ni Yandel na tanggapin ang pagkatalo niya at nagdasal na hindi siya patayin ni James.Tinignan lang siya ni James ng masama.Habang malalim ang iniisip, pinagninilayan niya kung gagamitin ba niya ang pagkakataon na ito para takutin ang mga Overworld Outsider sa pagpatay kay Yandel.Ngunit, nag-aalala din siya na baka maging kabaliktaran ang epekto nito at sa halip, magalit ang mga taga Overworld. Sa ganitong sitwasyon, ang mga tagalupa ang pagbabalingan nila ng galit. Kahit na hindi siya takot sa mga taga Overworld, hindi ganito ang nararamdaman ng mga tagalupa.Bukod pa dito, matapos ang matinding laban, nagsimula niyang maintindihan lalo ang katawan niya. May malakas na Demonic Energy ito, pero nauubos ang Demonic Energy sa tuwing nagkakaroon siya ng pinsala. Sa oras na ito, wala na siyang Demonic Energy sa katawan. At ganoon na nga, nararamdaman niya na bumabagal ang bilis ng pag galing niya.Dito napagtanto ni James na hindi pang habang panahon ang tatag ng katawan niya. Lim
Ngumiti si Leandro, “Walang problema. Naparito nga naman kami para maghanap ng mga pagkakataon. Nangangako ako na hindi papahirapan ng mga taga Overworld ang mga tagalupa, simula ngayon hanggang sa magbukas ang seal.”Tumango ang iba, bilang sagot nila na gusto nila mabuhay ng tahimik kasama ang mga tagalupa.Nagpatuloy si James, “At para sa lokasyon ng seal, napakahalaga ng Mount Bane at misteryoso sa Earth. Kaya, maraming mga may mahika na bagay ang magpapakita dito. Simula ngayon, maaaring pumasok ang mga tagalupa sa Mount Bane ano man oras nila gustohin. Hindi ninyo sila maaaring pagbawalan.”Tinignan ng iba si Leandro.Ang Son of Heaven ang pinakamagaling sa lahat ng nagmula sa Overworld. Samantala, bilang butler ng Son of Heaven, maaaring tanggapin ang mga salita ni Leandro bilang mga kagustuhan ng Son of Heaven.Napaisip si Leandro ng ilang sandali bago sumagot, “Wala akong problema doon. Pero, hindi maaaring pumasok ang mga tagalupa sa lugar ng mga sect na itinaguyod namin. Kun
Hindi makapaniwala si Xandra sa narinig niya. Alam niya na makapangyarihan ang mga Overworld Outsiders at mga tao na nagbabantay sa Mount Bane. Kaya, hindi niya inaasahan na kaya silang tapatan ni James.“Hindi ako sigurado kung mararamdaman ko ang lokasyon ng mga mahiwagang mga bagay. Pero sapagkat ligtas na sa Mount Bane, tutungo ako agad dyan. Hintayin mo ako, James. Dadating ako sa loob ng isang araw.”“Sige.”Ibinaba ni James ang tawag.Pagkatapos, naupo siyang lotus position sa sahig at hinigop ang Empyrean Spiritual Energy para magkaroon siya muli ng Demonic Energy sa katawan niya.Naubos ang Demonic Energy niya matapos ang laban. Hindi ito ang True Lunar and Terra Energy na kinucultivate niya, at hindi rin ito lakas ng katawan niya.Habang pumapasok ang Empyrean Spiritual Energy sa katawan niya, ang naubos na Demonic Energy ay unti-unting bumabalik. Matapos ang ilang oras, nabawi na ang Demonic Energy, bumalik ang lakas ni James. Hindi siya umalis, sa halip, matiyagang naghinta
Yumuko ng kaunti si Leandro at ipinakita ang galang sa kanyang master.Ang lalake sa harapan niya ay ang Son of Heaven, ang pinaka kilalang disipulo ng pinakamalaking pigura sa buong Overworld. Bata pa siyang tignan, pero matinding lakas ang taglay niya.“Mhm.” Tumango ng kaunti ang lalake at tumungo sa kahoy an upuan sa labas ng bahay at naupo.“Master, isang tagalupa ang nagpakita sa Mount Bane ilang araw na ang nakararaan…”Ikinuwento ni Leandro ang mga nangyari sa kanya.“Oh?” Tulalang nagtanong ang Son of Heaven kay Leandro, “Isang lalake na nagtataglay ng nakakatakot na Demonic Energy… May ganitong tao ba talaga sa Earth?”“Oo, hindi siya mamataymatay. Kahit gaano katindi ang pinsala niya, nagagawa niyang gumaling sa loob ng maikling panahon. Kahit ang lima sa amin na nasa Supernatural Consummation ay hindi siya mapatay. Bukod pa doon, halos mapatay niya si Yandel Harlow,” sagot ni Leandro.Naging malagim ang ekspresyon ng Son of Heaven. Habang napapaisip, nanatili siyang tahimik
Walang naniwala na buhay pa si James. Ang akala nila prank ang message na ito.[Anong klaseng biro ito?][Pumasok sa Mount Bane ano mang oras namin gustohin? Ang makahanp ng mahiwagang bagay ay kanya na iyon? Hindi pa ba naririnig ng taong ito ang tungkol sa Overworld?][Kagagawan siguro ito ng Overworld. Marahil wala silang magawa at gusto tayo papuntahin doon.]Tuloy ang diskusyon sa forum.Matapos magpost ni James, hindi siya agad umalis, sa halip, binantayan niya ang mga reaksyon nila.Matapos makita na walang naniniwala sa kaniya, napakamot siya ng ilong.Pagkatapos, nagpost siya muli.[Ako si James Caden ng Wyrmstead. Buhay pa ako at nagbalik. Sa Mount Bane, pinatay ko si Matias Judah, ang tao na marmaing pinaslang mula sa Japura at kinalaban ko ang maraming mga Overworld Outsider.][Kinalaban ko si Xain Judah, Samarth Carter, Wynter Freya, Yandel Harlow, at Leandro Xamir hanggang sa naging tabla kami kung saan nagkaroon ako ng karapatan para makipagdiskusyon at negosasyon sa kan