Sa mga mata ni Yandel, ang mga taga-Earth ay mga makasalanan. Bilang mga alipin, wala silang karapatan na umupo sa main hall ng Sacerdotal Sect. Ngumiti ng mapait si Xain. Syempre, alam niya ang mga magiging epekto nito. Subalit, maikukumpara sa kanya ang lakas ni James. Kahit na ibuhos niya ang lahat ng lakas niya at mapatay niya si James, malubha siyang masusugatan.“Xain, anong pinaggagawa mo sa mga nagdaang taon? Nakakahiya ka.”Galit na tumingin si Yandel kay Xain. Dahil ang Scholastic Sect ay karibal ng Sacerdotal Sect, hindi siya nag-aksaya ng oras sa panenermon kay Xain ngayong nagkaroon siya ng pagkakataon.Sa karaniwang pagkakataon, siguradong magagalit si Xain. Gayunpaman, nagawa niyang pigilan ang kanyang galit.Nginitian niya si Yandel at sinabing, “Yandel, wala akong karapatan na sabihin kung may karapatan ba siyang umupo sa main hall. Bakit hindi mo na lang siya paalisin para sa’kin?”Nang marinig niya ito, tumingin si Yandel kay James, na mayroong kampanteng eksp
Base sa impormasyon sa Martial Arts Forum, naabot na ng Son of Heaven ang Herculean rank. Noong sandaling iyon, isang matabang lalaki na nakasuot ng kulay berdeng damit at may hawak na espada ang dumating. Habang nakatingin siya sa kanila, sinabi niya na, "Abala ang Young Master sa ibang mga bagay. Kaya naman, pinapunta niya ako bilang kinatawan niya." Tumayo si Xain at pinakilala niya siya kay James, "James, ito si Leandro Xamir, ang butler ng Son of Heaven. "Leandro, ito si James Caden, isang napakalakas na martial artist mula sa Earth." Tumingin sandali si Leandro kay James at umupo. Nang mapansin niya na nandito na ang lahat, tumingin si Xain kay James at sinabing, "Tutal nandito na ang lahat, sabihin mo na ang gusto mong sabihin." Tumayo si James at tumingin siya sa paligid, mula kay Samarth hanggang kay Yandel, Wynter, at kay Leandro. "Pumunta ako dito sa Mount Bane upang sitahin ang mga karumaldumal na bagay na ginawa niyo sa Earth. Nauubos na ang pasensya ko."
Ang Mount Bane ay isang bundok sa Sol. Mula noong sumulpot ang Seal, biglang nagsulputan ang mga misteryosong bundok. Marami sa mga ito ang nakasara at imposibleng mapuntahan, habang may ilan naman na hindi. Sa tuktok ng Mount Bane, hawak ni James ang Primordial Dragon Blade. Habang may kampanteng ekspresyon sa kanyang mukha, tumingin lamang siya kay Yandel na ilang daang metro ang layo mula sa kanya. Laban sa isang makapangyarihang tao mula sa Overworld, hindi siya natinag. Kahit na mas mahina siya tatlong taon na ang nakakaraan, nagawa niyang saktan ng malubha si Xain pagkatapos niyang gamitin ang pinakamalakas niyang atake. Ngayon, kahit na malayo pa ang realm niya kay Xain, magkapantay ang lakas nila. Dahil kasing lakas lang si Yandel at Xain, hindi natatakot si James. Suot ang puting damit, winasiwas ni Yandel ang pamaypay na hawak niya habang nagmumula sa kanya ang isang karismatikong aura. Ang pamaypay na ito ang kanyang sandata. Paggalaw ng kanyang pamaypay, isang mist
Nilapitan ni Samarth si Xain at binulong, “Xain, bakit hindi na lang tayo magtulungan at talunin siya?” Tiningnan ni Xain si Samarth. Bakas sa mukha ni Samarth ang kagustuhan na pumatay habang sinasabi nito, “Na-obserbahan ko na siya. Kakaiba ang kanyang kakayahan. Kapag pinakawalan natin siya, tuluyan niya tayong malalamangan sa loob lamang ng ilang taon.” Pinag-isipan ito sandali ni Xain at saka sinabi, “Hindi natin kailangan magmadali. Mag-obserba muna tayo.” Samantala, si James nasa gitna pa rin ng isang matinding laban laban kay Yandel. Ngayon na wala na siyang sandata, ang tanging magagawa na lang niya ay ang labanan ang kanyang kalaban gamit ang pisikal niyang kakayahan. Subalit, kahit na malakas ang pisikal niyang kakayahan, malaki pa rin ang agwat ng lakas nila ni Yandel. Matapos ang ilang serye ng laban, nagsimula na siyang magtamo ng mga sugat. Subalit, kakaiba ang pisikal niyang katawan. Para bang may kakayahan ito na pagalingin ang kanyang sarili. Boom!
Si Leandro Xamir ay ang butler ng Son of Heaven, isang habag na tagapaglingkod. Subalit, dahil sa may malaking impluwensya ang Son of Heaven, walang sinuman ang may lakas ng loob na kumalaban kay Leandro. Sa pangkaraniwang pagkakataon, ang kanyang salita ay kumakatawan sa Son of Heaven. Nang makita niya ang nakakatakot na lakas ni James, balak na niya itong patayin sa Mount Bane. Nagtinginan silang dalawa at tumango. “Matagal ko na siyang gustong patayin,” sabi ni Xain. Pagkatapos patayin ni James ang kanyang disipulo, nag-iisip na siya ng mga paraan para makapaghiganti. Subalit, natatakot siya sa lakas ni James. Ngayon na nagsanib-pwersa na sila, hindi na siya takot ngayon. Sa may mallayo, duguan si Yandel, at magulo ang buhok. Galit siyang nakatingin kay James at sinigaw nito, “Ngayon ay ginagalit mo na ako, bastardo! Pagpipirasuhin kita!” Fwoosh! Sa mga sandaling iyon, maririnig ang tunog ng hangin. Sinuri ni James ang kanyang paligid. Sila Xain, Wynter, Samarth
”Si-Sino ba ang earthling na ito?” “Bakit siya napapalibutan ng maraming mga bigatin?” “Napapalibutan siya ng maraming mga cultivators na nasa Supernatural Consummation rank. Kahit ang isang Herculean ay hindi mananalo sa sitwasyon na ito.” Marami ang nag-usap. Samantala, sa may labanan… Kahit na si Samarth ang unang kumilois, ang kanyang atake ay madali lang na nasalag ni James. Labis siyang napahiya dahil dito. Dumilim ang kanyang mukha habang nakatingin sa iba pa, at sinabi, “Ano pa ang tina-tayo-tayo ninyo dyan? Umatake na dapat tayo ng sabay!” Ang iba pa ay inilabas na ang kanilang mga sandata. Swish! Sa pagkakataon na ito, si Leandro ang kumilos. Habang hawak ang kanyang espada, isang malakas na Sword Energy ang nabuo at sumugod kay James ng may malakas na pwersa. Ang maaasahan lang ni James ay ang nagising niyang Natal Supernatural. Ang black lotus ay kaagad na lumitaw sa kanyang harapan at hinarang ang atake ni Leandro. Nang tumama ang Sword energy ni Leand
Kahit na malubhang nasugatan ni James si Yandel, nagtamo din siya ng pinsala. Ang kanyang katawan ay nasaksak ng espada, at ang kanyang likuran at tinamaan ng suntok. Bumagsak siya mula sa langit at humampas sa isang bundok sa ibaba, na kaagad naman gumuho. “Patay na ba siya?” “Marahil ay tinamaan siya ng espada sa delikadong lugar. Kahit na mabuhay pa siya, hindi na niya magagawa pang lumaban.” “Kung ganun ay tapos na ang laban na ito.” “Ang martial artist na iyon mula Earth ay nakakatakot. Para isipin na nagawa niyang puruhan ang kabilang partido habang napapalibutan ng mga ito.” Mula sa malayo, maraming mga martial artists mula sa Overworld ang pinanood ang laban mula sa malayo. Nang makita nila ang duguang katawan ni Yandel, hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili na huminga ng malalim. At nung ang lahat ay iniisip na natalo na si James, isang itim na ilaw ang lumipad sa ere mula sa ilalim ng lupa. Pagkatapos, lumitaw si James sa ere. Kahit na mukha siyang
Humalakhak siya. Pagkatapos, tumuntong siya sa black lotus at nagtungo sa direksyon ni Yandel. “Nanaman?!” Nang makita niya na muling pasugod si James sa kanyga, si Yandel, na sa wakas ay nakahinga na ng maluwag, ay sinumpa, “Sino ka ba sa tingin mo?” Nagalit ito. Hindi alintana ang kanyang mga sugat, ginamit niya ang buo niyang lakas, at ang kanyang aura ay biglang lumakas. Isang ilusyon ng isang tigre ang nabuo mula sa True Energy sa kanyang likuran. Na may taglay na kakaibang kapangyarihan, naglabas ito ng isang matinding aura. Sa mga sandaling ito, umalulong ang tigre at tumalon papunta kay James. Nang maramdaman niya ang parating na panganib, sinubukan ni James na umilag ngunit hindi niya nagawa. Ang tigre ay nakalmot siya sa dibdib at tumapyas ng piraso ng kanyang laman. Nakaramdam ng matinding sakit si James sa buo niyang katawan. Sa mga sandaling iyon, gayunpaman, isang itim na aura ang lumabas mula sa kanyang katawan, na kaagad na nagpagaling sa kanyang s