"Halika dito, h*yop ka. Puputulin ko ang mga binti mo at hahayaan kitang mabuhay. Kapag hindi ka lumapit, walang sinuman na nandito ang makakapagligtas sa'kin sa pagpatay sa'yo. Pinapangako ko 'yan sa'yo."Mayabang ang disipulo ng Sacerdotal Sect. Huminga ng malalim si James, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, at malamig na sinabi, "Ang sabi ko gusto kong makita si Xain, kaya dalian mo at sabihin mo sa kanya na nandito si James.""Hmph! Nagpupumilit ka pa ring makita ang Sect Leader namin?" Dumilim ang ekspresyon ng disipulo, at agad siyang umatake. Noong una, ayaw sana ni James na saktan sila dahil nagpunta siya dito para sa divine object. Subalit, alam niya na imposibleng makaakyat siya sa Mount Bane kapag hindi siya lumaban ngayon. Noong malapit nang tumama sa kanya ang espada ng disipulo, biglang inangat ni James ang kanyang kamay at sinalo niya ang espada gamit ang dalawang daliri niya. "Ano?" Naging seryoso ang ekspresyon ng disipulo ng Sacerdotal Sect.
Malubha siyang nasugatan ni James tatlong taon na ang nakakaraan. Noon, napakahina pa ni James. Hindi pa siya isang Supernatural noon. Ngunit, kahit na napakababa ng rank niya, nagawa niyang magdulot ng matinding pinsala sa kanya. Kapag mas lumakas pa si James, siguradong magiging isa siyang balakid sa kanila. Inakala niya na patay na si James. Hindi niya inasahan na muling magpapakita si James pagkalipas ng tatlong taon at hahanapin siya nito. Ang sabi ni Xain ng may malagim na ekspresyon, "Personal ko siyang sasalubungin."Habang nakaupo siya sa isang tabi, tumingin si Samarth kay Xain at nagtanong, "Sino si James? Kailangan mo ba talaga siyang makita ng personal?" Ang sabi ni Xain ng may malungkot na ekspresyon, "Huwag mong maliitin ang martial artist na nagngangalang James na mula sa Earth. Tatlong taon na ang nakakaraan, hindi pa siya isang Supernatural at isa pa lamang siyang ninth-ranked martial artist na nakawala mula sa tatlong kadena ng kanyang katawan. "Subali
Kung hindi, hindi siya makakaramdam ng kakaibang kaba noong nakita niya si James. Marahil ay napakalakas ni James upang makaramdam siya ng matinding panganib. Pagkatapos siyang pigilan ni Xain, may naramdaman ding kakaiba si Matias. Ang enerhiya ni James ay malamig, napakasama, at gaya ng sa isang demonyo. Gayunpaman, malakas pa rin ang loob niya dahil nasa Earth sila. Mahihina ang mga martial artist ng Earth, kaya hindi siya natatakot. Alam ni Xain ang ugali ni Matias at nag-aalala siya na magpapadalos-dalos ng kilos si Matias. Kaya naman, nagmadali siyang humarang sa harap ni Matias. Tumingin siya kay James at nagtanong, "Bakit mo ako gustong makausap?" Ang malamig na sinabi ni James, "Makakapaghintay 'yun. Pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na ito pagkatapos kong patayin si Matias.""Haha! Sa tingin mo ba kaya mo akong patayin, bata?" Humalakhak ng malakas si Matias. "Tama 'yun! Papatayin kita."Nagngitngit ang mga ngipin ni James at sinabi niya na, "Pumunta ka s
Nagulat ang lahat noong sumulpot ang itim na lotus. Nagtataglay ng napakalakas na Demonic Energy ang itim na lotus. Imposible na magkaroon ng ganito kalakas na Demonic Energy ang isang tao na mula sa Earth. Hindi tao si James. Isa siyang demonyo! Maaaring hindi alam ng mga tao sa Earth ang tungkol sa mga demonyo, ngunit si Xain at ang iba pa ay mula sa Overworld at alam nila ang tungkol sa mga demonyo. Ang mga skill sa Earth sa kasalukuyan ay may kinalaman sa mga demonyo. Maging si Matias ay nagulat at agad na naglaho ang kayabangan niya kanina. Puno ng takot ang kanyang mukha habang patuloy siyang umaatras. "Mamatay ka na!" Tinuro ni James si Matias. Sumugod ang itim na lotus papunta may Matias taglay ang nakakatakot na Demonic Energy. Bago pa makakilos si Matias, binalot na ng Demonic Energy ni James ang kanyang katawan. Pumulupot sa katawan niya ang Demonic Energy ng gaya ng isang ahas. Namilipit sa sakit ang kanyang mukha, at napakapangit at nakakatakot ang eksp
Gayunpaman, pinilit niya itong tiisin at nilunok niya ang dugo sa kanyang bibig. 'Nakakatakot ang enerhiya niya. Gaya ng inaasahan sa isang tao na nakaabot na sa Supernatural Consummation.' Nagulat si James. Pagdating sa True Energy, higit na mas mahina siya kay Xain. Umaasa siya sa pisikal na lakas ng kanyang katawan at sa itim na lotus. Malinaw na wala siyang laban kay Xain kapag umasa lang siya sa pisikal niyang lakas. Sa mga sandaling iyon, sumulpot si Xain sa harap niya. Kinuyom ni Xain ang kanyang kamao at sinuntok niya si James. May taglay na pambihirang lakas ang kanyang suntok, na para bang nais niya durugin ang lahat ng nasa daan niya. Malalim ang iniisip ni James at hindi siya naging maingat. Tumama sa katawan niya ang napakalakas na suntok. Napinsala ang katawan niya, at tumilapon siya sa malayo.Pagkatapos siyang tumilapon ng halos ilang libong metro, sa wakas ay nawala na ang pwersa nito.Noong sandaling iyon, naramdaman ni James na nagkaroon ng mga bita
Ang espada ni Xain, na nagmula sa Overworld, na ginawa gamit ng pinakabagong mga technique sa pagpapanday. Dahil dito, may taglay itong napakalakas na kapangyarihan. Maging ang mga Herculean ay hindi kayang baliin ang espadang ito. Subalit, ngayon, nilamon ito ng nakakatakot na Demonic Energy. Kinilabutan si Xain. Kahit na hindi siya nasaktan, lubhang napakasama ng Demonic Energy ng itim na lotus. Kapag nakontamina siya nito, hindi siya makakaalis sa lugar na ito ng walang anumang galos. “Anong klaseng salamangka ito, James? Bilang isang tao, paano mo nagawang magcultivate ng cultivation method ng isang demonyo? Isa kang kahihiyan sa buong sangkatauhan.”Ang malamig na sinabi ni Xain. Tumingin sa kanya si James.Kahit na wala na ang kanyang espada, hindi siya nasugatan. Ibig sabihin nito ay mas malakas siya kaysa sa unang inakala ni James. Kaya naman, walang kasiguraduhan kung kaya siyang patayin ni James. Isa pa, marami pang ibang mula sa Overworld na kapantay ng lakas ni X
Muling nagtanong si Xain, "Narinig mo na ba ang tungkol sa labanang naganap noong sinaunang panahon?" “Oh?” Naging interesado si James dito. Kahit na hindi pa niya narinig ang tungkol sa labanan na ito, may ideya siya na may kinalaman ito sa mga demonyo. "Sabihin mo sa'kin."Tumingin siya kay Xain. Nagpaliwanag si Xain, "Noong sinaunang panahon, isang Demon Race ang sumakop sa Earth, at nagkaroon ng matinding kaguluhan at pagkawasak sa mundo. Ginawa ng mga pinakamalalakas sa mga tao ang lahat ng makakaya nila upang paalisin at puksain sila kapalit ng kapayapaan." Kumunot ang mga kilay ni James at nagtanong siya, "Anong kinalaman nito sa seal sa Earth?" Pinag-isipan ni Xain ang tungkol dito at sinabing, "Hindi ko alam ang mga detalye tungkol dito. Isang maikling paliwanag lang ang maibibigay ko sa'yo." "Magsalita ka." Tumingin sa kanya si James. Napaisip ng malalim si Xain. Paglipas ng ilang oras, sinabi niya na, "Noong sinaunang panahon, ang Earth ay parang isang pa
Sa mga mata ni Yandel, ang mga taga-Earth ay mga makasalanan. Bilang mga alipin, wala silang karapatan na umupo sa main hall ng Sacerdotal Sect. Ngumiti ng mapait si Xain. Syempre, alam niya ang mga magiging epekto nito. Subalit, maikukumpara sa kanya ang lakas ni James. Kahit na ibuhos niya ang lahat ng lakas niya at mapatay niya si James, malubha siyang masusugatan.“Xain, anong pinaggagawa mo sa mga nagdaang taon? Nakakahiya ka.”Galit na tumingin si Yandel kay Xain. Dahil ang Scholastic Sect ay karibal ng Sacerdotal Sect, hindi siya nag-aksaya ng oras sa panenermon kay Xain ngayong nagkaroon siya ng pagkakataon.Sa karaniwang pagkakataon, siguradong magagalit si Xain. Gayunpaman, nagawa niyang pigilan ang kanyang galit.Nginitian niya si Yandel at sinabing, “Yandel, wala akong karapatan na sabihin kung may karapatan ba siyang umupo sa main hall. Bakit hindi mo na lang siya paalisin para sa’kin?”Nang marinig niya ito, tumingin si Yandel kay James, na mayroong kampanteng eksp