Binago ni James ang kwento ng pagkawala niya. Naniwala si Xandra na totoo ito. Nakahinga siya nang maluwag na malakas si James at kaya niyang pumatay ng isang Supernatural na nabuksan na ang Seventh Inner Gate. "Oh, oo nga pala!" Biglang may naalala si Xandra at tusong ngumiti kay James, sabay nagsabing, "Nagpunta ako rito para hanapin ang isang milagrosong bagay na kayang pagalingin ang ama ko. Pagkatapos kong pumunta sa Mount Silbergh, natagpuan ko ang mga tao mula sa Seven Star Sect na binabantayan ang puno. Pagkatapos, ninakaw ko ang Sacred Tree at tinago ito nang nalingat sila. Dadalhin ko to sa'yo kaagad." Interesado si James sa Sacred Tree. Ang isang bagay na nakakuha sa interes ng isang Supernatural na nakapagbukas na ng Seventh Inner Gate ay tiyak na pambihira. Tumango siya at nagsabing, "Sige." Tumayo ang dalawa, at dinala ni Xandra si James sa Mount Silbergh. Pagkatapos maglakad ng higit sa dalawang oras, nasa looban ng Mount Silbergh ang dalawa. Huminto si
Kailangang mag-ingat ni James at bantayan ang Sacred Tree hanggang sa mamunga ito. Bumalik siya sa Mt. Thunder Pass at tinanim ang Sacred Tree. Sa sandaling tinanim niya ang Sacred Tree, ramdam na ramdam niyang mabilis nitong hinihigop ang Empyrean Spiritual Energy. Nagtipon ang Empyrean Spiritual Energy sa paligid ng Sacred Tree. Mas makapal ito kumpara noon nagcultivate siya. Tinignan ni James ang maliit na pilak na puno at hindi niya napigilang puriin ito, "Ang galing." Nasabik siya sa misteryosong prutas na tutubo mula sa maliit na puno. Isa itong sandaling kinasasabikan niya. Kahit ang nanay niya ay nagsabing ang maliit na punong ito ay ang kasalukuyang pinakapambihira sa mundo, kaya tiyak na mapapataas nito ang cultivation base niya. Naghintay si James ng ilang araw sa Mr. Thunder Pass, ngunit hindi nagpakita ang puno ng senyales na mamumunga na ito. Paglipas ng ilang araw, nakatanggap siya ng tawag mula kay Xandra. "James, May divine object na lilitaw sa Mount
Pagkatapos ipaliwanag ni James ang intensyon niya kay Delainey, umalis siya ng Mt. Thunder Pass. Ang destinasyon niya ay Mount Bane dahil sabi ng nanay niya ay may divine object na lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo, at ito ang magiging pinakapambihirang lilitaw sa Earth. Sa kung ano naman ito, hindi pa niya alam. Maski ang nanay niya ay hindi sigurado kung ano ang lilitaw ngayon. Ang alam niya lang ay isang pambihirang divine object ang lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo. Pagkatapos umalis sa Mt. Thunder Pass, nagpunta siya sa Wyrmstead at sumakay sa private plane na hinanda ni Henry. Pagkatapos ng kalahating araw, lumitaw siya sa Mount Bane ng Sol. Ang Mount Bane ay naging lugar kung saan nagtitipon ang Overworld Outsiders. Nagtitipon ang lahat ng martial artists ng Overworld sa Mount Bane sa nagdaang tatlong taon. Noon, napupuntahan rin ng martial artists ng Earth ang lugar na ito. Gayunpaman, ipinagbabawal ang martial artists ng Earth mula sa lugar pagkatapos lu
"Halika dito, h*yop ka. Puputulin ko ang mga binti mo at hahayaan kitang mabuhay. Kapag hindi ka lumapit, walang sinuman na nandito ang makakapagligtas sa'kin sa pagpatay sa'yo. Pinapangako ko 'yan sa'yo."Mayabang ang disipulo ng Sacerdotal Sect. Huminga ng malalim si James, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, at malamig na sinabi, "Ang sabi ko gusto kong makita si Xain, kaya dalian mo at sabihin mo sa kanya na nandito si James.""Hmph! Nagpupumilit ka pa ring makita ang Sect Leader namin?" Dumilim ang ekspresyon ng disipulo, at agad siyang umatake. Noong una, ayaw sana ni James na saktan sila dahil nagpunta siya dito para sa divine object. Subalit, alam niya na imposibleng makaakyat siya sa Mount Bane kapag hindi siya lumaban ngayon. Noong malapit nang tumama sa kanya ang espada ng disipulo, biglang inangat ni James ang kanyang kamay at sinalo niya ang espada gamit ang dalawang daliri niya. "Ano?" Naging seryoso ang ekspresyon ng disipulo ng Sacerdotal Sect.
Malubha siyang nasugatan ni James tatlong taon na ang nakakaraan. Noon, napakahina pa ni James. Hindi pa siya isang Supernatural noon. Ngunit, kahit na napakababa ng rank niya, nagawa niyang magdulot ng matinding pinsala sa kanya. Kapag mas lumakas pa si James, siguradong magiging isa siyang balakid sa kanila. Inakala niya na patay na si James. Hindi niya inasahan na muling magpapakita si James pagkalipas ng tatlong taon at hahanapin siya nito. Ang sabi ni Xain ng may malagim na ekspresyon, "Personal ko siyang sasalubungin."Habang nakaupo siya sa isang tabi, tumingin si Samarth kay Xain at nagtanong, "Sino si James? Kailangan mo ba talaga siyang makita ng personal?" Ang sabi ni Xain ng may malungkot na ekspresyon, "Huwag mong maliitin ang martial artist na nagngangalang James na mula sa Earth. Tatlong taon na ang nakakaraan, hindi pa siya isang Supernatural at isa pa lamang siyang ninth-ranked martial artist na nakawala mula sa tatlong kadena ng kanyang katawan. "Subali
Kung hindi, hindi siya makakaramdam ng kakaibang kaba noong nakita niya si James. Marahil ay napakalakas ni James upang makaramdam siya ng matinding panganib. Pagkatapos siyang pigilan ni Xain, may naramdaman ding kakaiba si Matias. Ang enerhiya ni James ay malamig, napakasama, at gaya ng sa isang demonyo. Gayunpaman, malakas pa rin ang loob niya dahil nasa Earth sila. Mahihina ang mga martial artist ng Earth, kaya hindi siya natatakot. Alam ni Xain ang ugali ni Matias at nag-aalala siya na magpapadalos-dalos ng kilos si Matias. Kaya naman, nagmadali siyang humarang sa harap ni Matias. Tumingin siya kay James at nagtanong, "Bakit mo ako gustong makausap?" Ang malamig na sinabi ni James, "Makakapaghintay 'yun. Pag-uusapan natin ang tungkol sa bagay na ito pagkatapos kong patayin si Matias.""Haha! Sa tingin mo ba kaya mo akong patayin, bata?" Humalakhak ng malakas si Matias. "Tama 'yun! Papatayin kita."Nagngitngit ang mga ngipin ni James at sinabi niya na, "Pumunta ka s
Nagulat ang lahat noong sumulpot ang itim na lotus. Nagtataglay ng napakalakas na Demonic Energy ang itim na lotus. Imposible na magkaroon ng ganito kalakas na Demonic Energy ang isang tao na mula sa Earth. Hindi tao si James. Isa siyang demonyo! Maaaring hindi alam ng mga tao sa Earth ang tungkol sa mga demonyo, ngunit si Xain at ang iba pa ay mula sa Overworld at alam nila ang tungkol sa mga demonyo. Ang mga skill sa Earth sa kasalukuyan ay may kinalaman sa mga demonyo. Maging si Matias ay nagulat at agad na naglaho ang kayabangan niya kanina. Puno ng takot ang kanyang mukha habang patuloy siyang umaatras. "Mamatay ka na!" Tinuro ni James si Matias. Sumugod ang itim na lotus papunta may Matias taglay ang nakakatakot na Demonic Energy. Bago pa makakilos si Matias, binalot na ng Demonic Energy ni James ang kanyang katawan. Pumulupot sa katawan niya ang Demonic Energy ng gaya ng isang ahas. Namilipit sa sakit ang kanyang mukha, at napakapangit at nakakatakot ang eksp
Gayunpaman, pinilit niya itong tiisin at nilunok niya ang dugo sa kanyang bibig. 'Nakakatakot ang enerhiya niya. Gaya ng inaasahan sa isang tao na nakaabot na sa Supernatural Consummation.' Nagulat si James. Pagdating sa True Energy, higit na mas mahina siya kay Xain. Umaasa siya sa pisikal na lakas ng kanyang katawan at sa itim na lotus. Malinaw na wala siyang laban kay Xain kapag umasa lang siya sa pisikal niyang lakas. Sa mga sandaling iyon, sumulpot si Xain sa harap niya. Kinuyom ni Xain ang kanyang kamao at sinuntok niya si James. May taglay na pambihirang lakas ang kanyang suntok, na para bang nais niya durugin ang lahat ng nasa daan niya. Malalim ang iniisip ni James at hindi siya naging maingat. Tumama sa katawan niya ang napakalakas na suntok. Napinsala ang katawan niya, at tumilapon siya sa malayo.Pagkatapos siyang tumilapon ng halos ilang libong metro, sa wakas ay nawala na ang pwersa nito.Noong sandaling iyon, naramdaman ni James na nagkaroon ng mga bita