"Mula ka sa Overworld, tama?" Sabi ni James nang may seryosong ekspresyon, "Hindi tinatrato ng Overworld Outsiders ang mga earthling na parang tao, sa halip ay tinuturing niyo kaming mga alipin at pinapatay ang mga kalahi ko. Kailangan kong ipaghiganti ang mga tao ko, magmula sa Seven Star Sect." Hinigpitan ni James ang mga kamao niya at isang matinding Demonic Energy ang bumuhay mula sa katawan niya. "Atake!" Utos ni Brayden. Sabay-sabay na binunot ng ilang tao ang mga espada nila. Swoosh! Kaagad na lumipad papunta kay James ang ilang bugso ng Sword Energy. Tumayo si James sa pwesto niya, hindi siya kumilos na parang isang bundok. Nang makalapit sa kanya ang Sword Energies, naglaho ang katawan niya na parang kislap ng ilaw at mabilis na iniwasan ang mga atake. Kaagad matapos nito, ibinato niya ang kamao niya at umatake. Sumabog kaagad ang isa sa disipulo ng Seven Star Sect. Isa-isa niya silang pinatay sa tig-iisang suntok. Namatay ang pito hanggang walong disipul
Mabilis na tumakas si Brayden. Sa isang hakbang, lumitaw siya isandaang metro papalayo. Gayunpaman, hindi mas mabagal si James sa kanya. Binuo ulit ang pisikal na katawan niya gamit ng Demonic Lotus na nagbigay sa kanya ng nakakatakot na kapangyarihan. Binuhos ni James ang pisikal na lakas niya at mabilis na hinabol si Brayden. Nahabol niya si Brayden sa loob ng kagubatan at hinarangan ang daan niya. Sa sandaling iyon, hindi makagamit ng lakas si Brayden sa braso niya. Nagpatuloy na dumugo ang braso niya. Tumingin siya kay James na nakaharang sa daan niya at malamig na nagsabi, "Wag kang maging arogante, James. Mula ako sa Overworld, at hindi magtatagal bago humalo ang mundo ko sa Earth. Pagdating ng oras na yun, darating sa Earth ang pinakamalalakas na mga tao mula sa mundo namin. Tiyak na papahirapan ka nila kung papatayin mo ko ngayon." Alam ni Brayden na wala siyang laban kay James. Kung kaya't pinagbantaan at tinakot niya si James. Hindi naapektuhan si James sa mga
Nahirapan si Brayden na magsalita nang malinaw nang dahil sa black lotus. Nagulat si James na makita si Brayden na takot na takot. Nilabas niya lang ang Supernatural Power niya. Mahinang sumagot si James, "Ito ang Supernatural Power ko." "M-Mula ka sa Demon Race! Ikaw ang demonyong nanatili sa Earth noon!!!" Kumunot ang noo ni James. Demonyo? Anong demonyong nanatili sa Earth noon? Gayunpaman, wala siyang oras para isipin ito. May malagim na intensyon sa mukha niya. Thump!Lumuhod si Brayden sa lapag at paulit-ulit na humalik sa lupa, "Great Demon Lord, wag mo kong patayin. Magiging alipin mo ko buong buhay ko." Takot na takot siya. Ang mga demonyo ay mga nakakatakot na nilalang. Nilabanan ng buong mundo ang mga demonyo noon ngunit natalo sila. Kung wala ang ilang malalakas na martial artists na nagbuwis ng sarili nilang buhay, nabura na ng mga demonyo ang Earth at ang ilang libo pang mundo matagal na panahon na. "Mamatay ka na." Dumilim ang mukha ni James.
Binago ni James ang kwento ng pagkawala niya. Naniwala si Xandra na totoo ito. Nakahinga siya nang maluwag na malakas si James at kaya niyang pumatay ng isang Supernatural na nabuksan na ang Seventh Inner Gate. "Oh, oo nga pala!" Biglang may naalala si Xandra at tusong ngumiti kay James, sabay nagsabing, "Nagpunta ako rito para hanapin ang isang milagrosong bagay na kayang pagalingin ang ama ko. Pagkatapos kong pumunta sa Mount Silbergh, natagpuan ko ang mga tao mula sa Seven Star Sect na binabantayan ang puno. Pagkatapos, ninakaw ko ang Sacred Tree at tinago ito nang nalingat sila. Dadalhin ko to sa'yo kaagad." Interesado si James sa Sacred Tree. Ang isang bagay na nakakuha sa interes ng isang Supernatural na nakapagbukas na ng Seventh Inner Gate ay tiyak na pambihira. Tumango siya at nagsabing, "Sige." Tumayo ang dalawa, at dinala ni Xandra si James sa Mount Silbergh. Pagkatapos maglakad ng higit sa dalawang oras, nasa looban ng Mount Silbergh ang dalawa. Huminto si
Kailangang mag-ingat ni James at bantayan ang Sacred Tree hanggang sa mamunga ito. Bumalik siya sa Mt. Thunder Pass at tinanim ang Sacred Tree. Sa sandaling tinanim niya ang Sacred Tree, ramdam na ramdam niyang mabilis nitong hinihigop ang Empyrean Spiritual Energy. Nagtipon ang Empyrean Spiritual Energy sa paligid ng Sacred Tree. Mas makapal ito kumpara noon nagcultivate siya. Tinignan ni James ang maliit na pilak na puno at hindi niya napigilang puriin ito, "Ang galing." Nasabik siya sa misteryosong prutas na tutubo mula sa maliit na puno. Isa itong sandaling kinasasabikan niya. Kahit ang nanay niya ay nagsabing ang maliit na punong ito ay ang kasalukuyang pinakapambihira sa mundo, kaya tiyak na mapapataas nito ang cultivation base niya. Naghintay si James ng ilang araw sa Mr. Thunder Pass, ngunit hindi nagpakita ang puno ng senyales na mamumunga na ito. Paglipas ng ilang araw, nakatanggap siya ng tawag mula kay Xandra. "James, May divine object na lilitaw sa Mount
Pagkatapos ipaliwanag ni James ang intensyon niya kay Delainey, umalis siya ng Mt. Thunder Pass. Ang destinasyon niya ay Mount Bane dahil sabi ng nanay niya ay may divine object na lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo, at ito ang magiging pinakapambihirang lilitaw sa Earth. Sa kung ano naman ito, hindi pa niya alam. Maski ang nanay niya ay hindi sigurado kung ano ang lilitaw ngayon. Ang alam niya lang ay isang pambihirang divine object ang lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo. Pagkatapos umalis sa Mt. Thunder Pass, nagpunta siya sa Wyrmstead at sumakay sa private plane na hinanda ni Henry. Pagkatapos ng kalahating araw, lumitaw siya sa Mount Bane ng Sol. Ang Mount Bane ay naging lugar kung saan nagtitipon ang Overworld Outsiders. Nagtitipon ang lahat ng martial artists ng Overworld sa Mount Bane sa nagdaang tatlong taon. Noon, napupuntahan rin ng martial artists ng Earth ang lugar na ito. Gayunpaman, ipinagbabawal ang martial artists ng Earth mula sa lugar pagkatapos lu
"Halika dito, h*yop ka. Puputulin ko ang mga binti mo at hahayaan kitang mabuhay. Kapag hindi ka lumapit, walang sinuman na nandito ang makakapagligtas sa'kin sa pagpatay sa'yo. Pinapangako ko 'yan sa'yo."Mayabang ang disipulo ng Sacerdotal Sect. Huminga ng malalim si James, pinilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili, at malamig na sinabi, "Ang sabi ko gusto kong makita si Xain, kaya dalian mo at sabihin mo sa kanya na nandito si James.""Hmph! Nagpupumilit ka pa ring makita ang Sect Leader namin?" Dumilim ang ekspresyon ng disipulo, at agad siyang umatake. Noong una, ayaw sana ni James na saktan sila dahil nagpunta siya dito para sa divine object. Subalit, alam niya na imposibleng makaakyat siya sa Mount Bane kapag hindi siya lumaban ngayon. Noong malapit nang tumama sa kanya ang espada ng disipulo, biglang inangat ni James ang kanyang kamay at sinalo niya ang espada gamit ang dalawang daliri niya. "Ano?" Naging seryoso ang ekspresyon ng disipulo ng Sacerdotal Sect.
Malubha siyang nasugatan ni James tatlong taon na ang nakakaraan. Noon, napakahina pa ni James. Hindi pa siya isang Supernatural noon. Ngunit, kahit na napakababa ng rank niya, nagawa niyang magdulot ng matinding pinsala sa kanya. Kapag mas lumakas pa si James, siguradong magiging isa siyang balakid sa kanila. Inakala niya na patay na si James. Hindi niya inasahan na muling magpapakita si James pagkalipas ng tatlong taon at hahanapin siya nito. Ang sabi ni Xain ng may malagim na ekspresyon, "Personal ko siyang sasalubungin."Habang nakaupo siya sa isang tabi, tumingin si Samarth kay Xain at nagtanong, "Sino si James? Kailangan mo ba talaga siyang makita ng personal?" Ang sabi ni Xain ng may malungkot na ekspresyon, "Huwag mong maliitin ang martial artist na nagngangalang James na mula sa Earth. Tatlong taon na ang nakakaraan, hindi pa siya isang Supernatural at isa pa lamang siyang ninth-ranked martial artist na nakawala mula sa tatlong kadena ng kanyang katawan. "Subali