"Hindi mo kailangang magmadali." Isang lalaking may mahabang buhok na nakasuot ng asul na damit ang nakaupo sa isang bato at simpleng nagsabi, "Higit anim na buwan na nating binabantayan ang Sacred Tree, pero ninakaw ito ng babaeng to mula sa'tin. Paano ko to hindi babawiin? Kung walang magbabalik nito sa'tin, papatayin natin siya tapos pupunta tayo sa Lothian." "Ang sabi niya, kinuha ng mga kasabwat niya ang Sacred Tree. Siya ang anak ni Langston, malamang ay mula sa Lothian ang taong kumuha nito. Hindi ba mas madali para sa'tin kung aatakihin na lang natin ang Lothian?" payo ng isa pa sa kanila. Marahang kumumpas ang lalaking naka-asul na balabal. "Hindi tayo nagmamadali at makakapaghintay pa tayo ng ilang araw." "Masusunod." Dahil sinabi ng Young Master nila, hindi na nagpumilit ang iba pa. Ang mga taong ito ay nagmula sa Overworld at nagpunta sa Earth isang taon ang nakaraan. Nang dumating sila sa Earth, naghanap sila ng mutated na halamang nabuo dahil sa Empyrean Spi
Natakot siya kay James. Lumamig ang dugo niya sa takot. Tumingin si James sa kanya at simpleng nagsabi, "Brayden, tama?""Tama ka. Ako ang Young Master ng Seven Star Sect, si Brayden." Sumagot si Brayden at alertong tinitigan si James. Nakaramdam siya nang matinding bigat mula kay James. Napakadominante ng mga salita at kilos ni James. "Ano ang cultivation rank mo?" tanong ni James. May file siya sa phone niya kung saan nakasulat ang impormasyon tungkol sa malalakas na grupo ng Overworld, ngunit wala siyang oras na basahin ito nang buo. Hindi gustong sumagot ni Brayden, ngunit natatakot siyang labanan si James dahil sa mabigat niyang presensya. Kung kaya't matapat siyang sumagot, "Isa akong Supernatural na nabuksan na ang Seventh Inner Gate." Nang marinig ito, nagulat si James. Nabuksan na ng taong ito ang Seventh Inner Gate at mas malakas siya nang sobra sa mga disipulo ng Sword Sect. Hindi siya sigurado kung kayang tumalo ng kasalukuyan niyang lakas ng isang Su
"Mula ka sa Overworld, tama?" Sabi ni James nang may seryosong ekspresyon, "Hindi tinatrato ng Overworld Outsiders ang mga earthling na parang tao, sa halip ay tinuturing niyo kaming mga alipin at pinapatay ang mga kalahi ko. Kailangan kong ipaghiganti ang mga tao ko, magmula sa Seven Star Sect." Hinigpitan ni James ang mga kamao niya at isang matinding Demonic Energy ang bumuhay mula sa katawan niya. "Atake!" Utos ni Brayden. Sabay-sabay na binunot ng ilang tao ang mga espada nila. Swoosh! Kaagad na lumipad papunta kay James ang ilang bugso ng Sword Energy. Tumayo si James sa pwesto niya, hindi siya kumilos na parang isang bundok. Nang makalapit sa kanya ang Sword Energies, naglaho ang katawan niya na parang kislap ng ilaw at mabilis na iniwasan ang mga atake. Kaagad matapos nito, ibinato niya ang kamao niya at umatake. Sumabog kaagad ang isa sa disipulo ng Seven Star Sect. Isa-isa niya silang pinatay sa tig-iisang suntok. Namatay ang pito hanggang walong disipul
Mabilis na tumakas si Brayden. Sa isang hakbang, lumitaw siya isandaang metro papalayo. Gayunpaman, hindi mas mabagal si James sa kanya. Binuo ulit ang pisikal na katawan niya gamit ng Demonic Lotus na nagbigay sa kanya ng nakakatakot na kapangyarihan. Binuhos ni James ang pisikal na lakas niya at mabilis na hinabol si Brayden. Nahabol niya si Brayden sa loob ng kagubatan at hinarangan ang daan niya. Sa sandaling iyon, hindi makagamit ng lakas si Brayden sa braso niya. Nagpatuloy na dumugo ang braso niya. Tumingin siya kay James na nakaharang sa daan niya at malamig na nagsabi, "Wag kang maging arogante, James. Mula ako sa Overworld, at hindi magtatagal bago humalo ang mundo ko sa Earth. Pagdating ng oras na yun, darating sa Earth ang pinakamalalakas na mga tao mula sa mundo namin. Tiyak na papahirapan ka nila kung papatayin mo ko ngayon." Alam ni Brayden na wala siyang laban kay James. Kung kaya't pinagbantaan at tinakot niya si James. Hindi naapektuhan si James sa mga
Nahirapan si Brayden na magsalita nang malinaw nang dahil sa black lotus. Nagulat si James na makita si Brayden na takot na takot. Nilabas niya lang ang Supernatural Power niya. Mahinang sumagot si James, "Ito ang Supernatural Power ko." "M-Mula ka sa Demon Race! Ikaw ang demonyong nanatili sa Earth noon!!!" Kumunot ang noo ni James. Demonyo? Anong demonyong nanatili sa Earth noon? Gayunpaman, wala siyang oras para isipin ito. May malagim na intensyon sa mukha niya. Thump!Lumuhod si Brayden sa lapag at paulit-ulit na humalik sa lupa, "Great Demon Lord, wag mo kong patayin. Magiging alipin mo ko buong buhay ko." Takot na takot siya. Ang mga demonyo ay mga nakakatakot na nilalang. Nilabanan ng buong mundo ang mga demonyo noon ngunit natalo sila. Kung wala ang ilang malalakas na martial artists na nagbuwis ng sarili nilang buhay, nabura na ng mga demonyo ang Earth at ang ilang libo pang mundo matagal na panahon na. "Mamatay ka na." Dumilim ang mukha ni James.
Binago ni James ang kwento ng pagkawala niya. Naniwala si Xandra na totoo ito. Nakahinga siya nang maluwag na malakas si James at kaya niyang pumatay ng isang Supernatural na nabuksan na ang Seventh Inner Gate. "Oh, oo nga pala!" Biglang may naalala si Xandra at tusong ngumiti kay James, sabay nagsabing, "Nagpunta ako rito para hanapin ang isang milagrosong bagay na kayang pagalingin ang ama ko. Pagkatapos kong pumunta sa Mount Silbergh, natagpuan ko ang mga tao mula sa Seven Star Sect na binabantayan ang puno. Pagkatapos, ninakaw ko ang Sacred Tree at tinago ito nang nalingat sila. Dadalhin ko to sa'yo kaagad." Interesado si James sa Sacred Tree. Ang isang bagay na nakakuha sa interes ng isang Supernatural na nakapagbukas na ng Seventh Inner Gate ay tiyak na pambihira. Tumango siya at nagsabing, "Sige." Tumayo ang dalawa, at dinala ni Xandra si James sa Mount Silbergh. Pagkatapos maglakad ng higit sa dalawang oras, nasa looban ng Mount Silbergh ang dalawa. Huminto si
Kailangang mag-ingat ni James at bantayan ang Sacred Tree hanggang sa mamunga ito. Bumalik siya sa Mt. Thunder Pass at tinanim ang Sacred Tree. Sa sandaling tinanim niya ang Sacred Tree, ramdam na ramdam niyang mabilis nitong hinihigop ang Empyrean Spiritual Energy. Nagtipon ang Empyrean Spiritual Energy sa paligid ng Sacred Tree. Mas makapal ito kumpara noon nagcultivate siya. Tinignan ni James ang maliit na pilak na puno at hindi niya napigilang puriin ito, "Ang galing." Nasabik siya sa misteryosong prutas na tutubo mula sa maliit na puno. Isa itong sandaling kinasasabikan niya. Kahit ang nanay niya ay nagsabing ang maliit na punong ito ay ang kasalukuyang pinakapambihira sa mundo, kaya tiyak na mapapataas nito ang cultivation base niya. Naghintay si James ng ilang araw sa Mr. Thunder Pass, ngunit hindi nagpakita ang puno ng senyales na mamumunga na ito. Paglipas ng ilang araw, nakatanggap siya ng tawag mula kay Xandra. "James, May divine object na lilitaw sa Mount
Pagkatapos ipaliwanag ni James ang intensyon niya kay Delainey, umalis siya ng Mt. Thunder Pass. Ang destinasyon niya ay Mount Bane dahil sabi ng nanay niya ay may divine object na lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo, at ito ang magiging pinakapambihirang lilitaw sa Earth. Sa kung ano naman ito, hindi pa niya alam. Maski ang nanay niya ay hindi sigurado kung ano ang lilitaw ngayon. Ang alam niya lang ay isang pambihirang divine object ang lilitaw sa Mount Bane sa isang linggo. Pagkatapos umalis sa Mt. Thunder Pass, nagpunta siya sa Wyrmstead at sumakay sa private plane na hinanda ni Henry. Pagkatapos ng kalahating araw, lumitaw siya sa Mount Bane ng Sol. Ang Mount Bane ay naging lugar kung saan nagtitipon ang Overworld Outsiders. Nagtitipon ang lahat ng martial artists ng Overworld sa Mount Bane sa nagdaang tatlong taon. Noon, napupuntahan rin ng martial artists ng Earth ang lugar na ito. Gayunpaman, ipinagbabawal ang martial artists ng Earth mula sa lugar pagkatapos lu