Maraming Empyrean Spiritual Energy ang pumasok sa katawan niya at narefine para maging puro na True Energy.Nagbago ang katawan niya, bumilis ang cultivation speed niya. Ang bilis ng pag-absorb niya ng Empyrean Spiritual Energy ay mas mabilis ng sampu hanggang sa isang daang beses kaysa sa kaya niya noon.Patuloy ang paglaki ng True Energy niya.Tahimik na lumipas ang panahon.Nagcultivate si James sa rurok ng Mt. Thunder Pass ng kalahating buwan at lumipas ito ng isang kisapmata lamang.Matapos ang kalahating buwan, napansin niya na hindi na nadadagdagan ang True Energy niya at alam niyang naabot na niya ang hangganan ng realm barrier.Isang hindi nakikitang barrier ang nakita barrier ang nasa itaas ng ulo niya.Pinipigilan ng barrier ang pagtaas ng cultivation base at True Energy niya.“Break!”Inipon ni James ang True Energy mula sa buong katawan niya at sinuntok ang barrier.Ang kasalukuyang lakas niya ay higit pa sa rank niya. Sa isang suntok gamit ang buong lakas niya, agad na n
Matapos maging Supernatural ni James, nilisan niya ang Mt. Thunder Pass at bumalik sa Wyrmstead Palace.Sa oras na nakarating siya, nagpakita si Delainey.“Nagkaroon ka ng breakthrough, James? Mabilis ka lumabas ngayon.”Tumango ng kaunti si James at sinabi, “Mhm. Isa na akong Supernatural.”“Huh?” nabigla si Delainey.“Isa ka ng Supernatural?”Tumango si James at nagtanong, “Oo, anong problema?”“P-Pero napatay mo ang isang Supernatural powerhouse na nabuksan na ang Fourth Inner Gate.” Nabigla si Delainey na kakatungtong lang ni James sa pagiging Supernatural.Kung totoo ang mga salita ni James, ibig sabihin, hindi siya Supernatural noong una siyang bumalik. Kung ganoon, paano niya napatay ang isang Supernatural na nabuksan na nag Fourth Inner Gate ng hindi pa nagiging Supernatural.”Ngumiti si James at hindi ipinaliwanag ang muling pagkabuhay niya.“Huwag na natin ito pag-usapan. Balak ko tumungo sa Lothian para makita si Winnie. Pagkatapos, aasikasuhin ko ang mga Overworld Outsiders
Bumulong si Delainey at hindi na nagsalita pa.Lumipad sa himpapawid ang eroplano ng mabilis at agad na nakarating sa Lothian.Ang Lothian ay isang bansa na itinaguyod ng Prince of Orchid Mountain.Ang bansa na ito ay absolute autocracy kung saan ang Emperor ang may buong kontrol dito.Matapos bumaba ng dalawa mula sa eroplano, tumungo sila sa Lothian Palace.Noong nakarating sila sa gate, hinarangan sila ng mga guwardiya ng Lothian.“Sabihin ninyo ang pagkakakilanlan ninyo. Bawal pumasok ang tagalabas sa palasyo.”Tumayo ng tuwid si Delainey at nagsalita, “Ako si Delainey mula sa Wyrmstead. May importante akong dapat ipaalam sa Kamahalan.:Tinignan ng guwardiya si Delainey at nagsalita, “Maghintay kayo dito. Ipapaalam ko ang pagdating ninyo.”Naghintay ng matiyaga ang dalawa sa gate ng palasyo.Sa oras na iyon, si Langston na nanghihina ay nakahiga sa isang kuwarto sa hardin ng Lothian Palace. Namumutla siya at mahina ang paghinga niya.Ginamit ni Tyrus ang True Energy niya para gamut
Tuwang-tuwa si Tyrus.Tatlong taon na ang nakararaan, nagmadali siyang tumungo sa Floret Palace matapos malaman na nasawi si James sa labanan.Ngunit, gumuho na ang Floret Palace noong dumating siya.Nagpadala siya ng mga tao para hukayin ang lugar pero ang nakita lang nila ay ang armas ni James matapos mamatay—Ang Primordial Dragon Blade at Crucifier.Hindi makita ang katawan niya.Kaya, napagtanto na patay na si James.Ang totoo, naniniwala ang buong martial arts world na patay na si James, at hindi lang siya.Hindi niya inaasahan na magpapakita si James makalipas ang tatlong taon.Nagtanong si James, “Tito, kumusta si Winnie? Naparito ako para makita siya.”Nagsalita si Tyrus, “Nasa kindergarten na siya. Nasa Lothian Royal Kindergarten siya, at mayroon pang dalawang oras bago matapos ang klase.”Matapos ito marinig, nakahinga ng maluwag si James.“Oo nga pala, narinig ko na napinsalaan ng matindi si Lolo at hindi pa gumagaling. Kumusta na siya ngayon?”“Huff,” bumuntong hininga si T
Diniinan ni James ang dulo ng alambre at kaagad itong naging mga karayom. Pagkatapos nito, dinampot niya ang mga karayom at nilagyan ito ng True Energy. Naging mas maliwanag ang mga karayom at naglabas ng gintong ilaw. Sinimulan ni James na itusok ang mga karayom. Hindi nagtagal, tapos na ang panggagamot gamit ng Crucifier. Sa kabilang banda, may maginhawang ekspresyon si Langston sa mukha niya. Nakaramdam siya ng isang mahikal na enerhiyang mabilis na inaayos ang sugatan niyang katawan at mabilis na gumagaling ang katawan niya. Sa loob lang ng sampung minuto, gumaling na si Langston. Inalis ni James ang mga karayom. Tumayo si Langston at iniunat ang kalamnan at buto niya. Hindi siya makapaniwala. Sabi niya, "Isa tong milagro. Ang galing! Namamatay na ko kanina, pero magaling na magaling na ako ngayon. Mas epektibo pa ang pagpapagaling mo kumpara sa kahit na anong elixir o tonic." Tinignan ni James ang Crucifier na nasa kamay niya. Nakuha niya ito matagal na at ala
"Wag kang magpadalos-dalos, James," mabilis siyang pinaalalahanan ni Tyrus. Sabi ni Langston, "Ako na mismo ang pupunta roon. Nahuli siguro si Xandra ng mga Overworld cultivators. Masyado pang mahina ang martial artists natin sa Earth. Wala silang laban para sa cultivators ng Overworld. Wala tayong magagawa kundi magkompromiso sa ngayon at umiwas sa direktang harapan." Alam na alam niya ang lakas ng Overworld Outsiders. Sa nagdaang mga taon, hinamon siya ng marami sa kanila at malubha siyang nasugatan sa bawat isang beses na nangyari ito. Hindi man lang siya nanalo ni-isang beses. Nag-aalala si Langston na baka may mangyari kay James kung pupunta siya sa Mount Silbergh. Tumingin si James kina Tyrus at Langston at nagsabing, "Tito, Lolo, hayaan niyong ako na lang ang pumunta roon. Kaya ko nang ayusin ang mga bagay na'to ngayon. Mga Overworld martial artist lang sila. Dudurugin ko sila kapag sinaktan nila ang nanay ko." May malamig at seryosong ekspresyon si James. "Ikaw?"
"Hindi mo kailangang magmadali." Isang lalaking may mahabang buhok na nakasuot ng asul na damit ang nakaupo sa isang bato at simpleng nagsabi, "Higit anim na buwan na nating binabantayan ang Sacred Tree, pero ninakaw ito ng babaeng to mula sa'tin. Paano ko to hindi babawiin? Kung walang magbabalik nito sa'tin, papatayin natin siya tapos pupunta tayo sa Lothian." "Ang sabi niya, kinuha ng mga kasabwat niya ang Sacred Tree. Siya ang anak ni Langston, malamang ay mula sa Lothian ang taong kumuha nito. Hindi ba mas madali para sa'tin kung aatakihin na lang natin ang Lothian?" payo ng isa pa sa kanila. Marahang kumumpas ang lalaking naka-asul na balabal. "Hindi tayo nagmamadali at makakapaghintay pa tayo ng ilang araw." "Masusunod." Dahil sinabi ng Young Master nila, hindi na nagpumilit ang iba pa. Ang mga taong ito ay nagmula sa Overworld at nagpunta sa Earth isang taon ang nakaraan. Nang dumating sila sa Earth, naghanap sila ng mutated na halamang nabuo dahil sa Empyrean Spi
Natakot siya kay James. Lumamig ang dugo niya sa takot. Tumingin si James sa kanya at simpleng nagsabi, "Brayden, tama?""Tama ka. Ako ang Young Master ng Seven Star Sect, si Brayden." Sumagot si Brayden at alertong tinitigan si James. Nakaramdam siya nang matinding bigat mula kay James. Napakadominante ng mga salita at kilos ni James. "Ano ang cultivation rank mo?" tanong ni James. May file siya sa phone niya kung saan nakasulat ang impormasyon tungkol sa malalakas na grupo ng Overworld, ngunit wala siyang oras na basahin ito nang buo. Hindi gustong sumagot ni Brayden, ngunit natatakot siyang labanan si James dahil sa mabigat niyang presensya. Kung kaya't matapat siyang sumagot, "Isa akong Supernatural na nabuksan na ang Seventh Inner Gate." Nang marinig ito, nagulat si James. Nabuksan na ng taong ito ang Seventh Inner Gate at mas malakas siya nang sobra sa mga disipulo ng Sword Sect. Hindi siya sigurado kung kayang tumalo ng kasalukuyan niyang lakas ng isang Su