Kabanata 195
Tumingin si Lex kay Brody.

Tumayo si Brody at sinabi na, "Uncle, hindi ba tinawagan kita kahapon tungkol sa pambubugbog sa'min ng mga Xenos?"

Tumango si York. "Ata? Sa tingin ko nangyari nga 'yun."

Tinawagan nga siya ni Brody kahapon, pero abala siya sa ginagawa niya at wala siyang panahon upang asikasuhin ang mga ganoong klaseng bagay, kaya pinagwalang bahala na lamang niya ito.

"Oo. Pagkatapos, dumating si Mr. Watson kasama ang mga nambugbog sa'min upang humingi ng tawad at pinayagan nila kaming gamitin ang House of Royals upang idaos ang birthday party."

“Huh?”

Tumingin si Scarlett kay Gavin.

Naguluhan din si Gavin.

'Anong nangyayari dito?'

Humingi siya ng tawad dahil tinawagan siya ng presidente, at sinabi na nagalit daw ang heneral.

Dahil si Chase lang ang tanging heneral na nandito, inisip niya na siya ang may kagagawan nito.

'Mali ba ako?'

Nagdilim ang mukha ni Scarlett, at tiningnan niya ng masama ang mga naggagandahang dekorasyon sa loob ng House of Royals
Capítulos gratis disponibles en la App >

Capítulos relacionados

Último capítulo