Matapos sabihin sa kanya ni Callan na huwag magpadalos-dalos, wala ng tinawagan pa si James. Matapos bumalik sa bahay, nagpahinga siya.Sa kuwarto niya noong gabi…Yakap ni Thea si James at nagtanong, “Darling, kailan tayo pupunta sa Malgudi?”Nagsalita si James, “Maghihintay tayo ng balita sa Mount Thunder Sect. Sa oras na matapos ang diskusyon namin ni Callan bukas, tutungo ako sa Mount Thunder Sect at makikipagkita kay Jackson Cabral.”Nagsalita si Thea, “Pakiramdam ko may mali.”Nagtanong si James, “Bakit? Anong problema?”Ang Celestial Sect ang nakatuklas nito. Ngunit, nag-aalala si Thea tungkol sa paraan ng pag-iimbestiga nila. Ang impormasyon na ito ay natuklasan ng disipulo ni ng Celestial Sect na pinasok ang Gu Sect. Ang bagay na ito ay isa sa mga matinding lihim ng Gu Sect, na mga high-ranking members lang ang dapat na nakakaalam. Pero, nalaman ng Celestial Sect ang tungkol sa impormasyon na ito ng walang kahirap-hirap. Marahil ang balak nila ay palabasin si James at mga anci
Gayunpaman, si Callan pa din ang isa sa pinakamakapangyarihan sa buong mundo.“Nasaan si Thomas?” tanong ni Callan.Umiling-iling si James at sinabi, “Hindi ko siya makontak. Mahirap siyang hanapin. Hindi mo malalaman kung nasaan siya sa mga oras na ito. Sa tuwing aalis siya, hindi ko siya makita kahit paano ko siya hanapin.”“Hahaha!”Isang tawa ang maririnig mula sa labas.Pagkatapos, bumukas ang pinto.Isang lalake na nakaputi na robe ang pumasok.Matapos makita ang lalake, umirap si James at nagtanong, “Lolo, nasa tabi lang ba kita palagi? Paano mo nagagawang magpakita sa tuwing binabanggit ko ang pangalan mo?”Lumapit si Thomas sa tabi ni James at umupo, nagsalita siya habang nakangiti, “Kung hindi dahil sa akin na pumoprotekta sa iyo mula sa dilim, matagal ka ng patay.”Lolo, narinig mo na siguro ang plano ko papunta sa Malgudi.”Matapos ito marinig, naging malagim ang itsura ni Thomas. Pagkatapos, tumango siya at sumagot, “Oo.”“Anong opinyon mo tungkol dito?” tanong ni James.“
Naguluhan si Thea.Anong sinusubukan sabihin ni Thomas? Maaari kayang alam na niya ang tunay na pagkakakilanlan niya?Hindi siya sigurado. Samantala, hindi matindihan ni James ang mga salita ni Thomas.“Sige, aalis na ako.”Nag-inat si Thomas at tumayo. Pagkatapos, mabilis siyang lumabas ng bahay.Walang masabi si James pagdating sa lolo niya. Hindi na siya nagpaalam sa kanya.Tumayo si Callan at sinabi, “Aalis na ako, James. Mauna ka na. Susunod ako. Ngunit, hindi ako magpapakita kung hindi malala ang sitwasyon.”“Mhm.” Tumango si James.Sa tulong ni Thomas at Callan na nag-aabang sa dilim, wala siyang dapat ikatakot.Pagkaalis nila, inutusan ni James si White Eagle na tumawag at alamin ang sitwasyon sa Celestial Sect.“Sumangayon ang Sect Leader dito. Pero, abala siya ngayon sa isang bagay. Ngunit, huwag kang mag-alala, nangako siya na pupunta siya doon para tulungan ka.”Matapos ito marinig, nakahinga ng maluwag si James.Ang lolo pa lang niya kaya labanan ang tatlong Callan. Samant
Bakit nga naman hindi sasama si Thea sa pagpunta ni James as Malgudi?“Mag-iingat ka, okay?” sagot ni Maxine.Humarap sa kanya si Thea. Pagkatapos, tumalikod siya at umalis ng hindi nagsasalita.Sa oras na nakaalis ng Capital si James, nilisan din ni Thea ang Capital.Sa loob lang ng kalahating araw, nakarating siya sa headquarters sng Celestial Sect. Ang headquarters ng Celestial Sect ay matatagpuan sa isang gubat sa sentro ng Sol. Doon, isang sinaunang gusali ang itinayo.Sa main hall, nakasuot si Thea ng itim na overcoat at isang nakakagimbal na maskara.Marami ang nakatayo sa ibaba niya. Sila ang mga martial artist na sinanay ng husto ng Celestial sect na at least fifth-rank grandmaster.“Mabuhay, Sect Leader!”Dumagungdong ang boses nila sa buong hall.Sumenyas ng kaunti si Thea at nagsalita ng pao, “Bantayan ng mabuti ang Capital. Huwag ninyong hayaan na may mangyari ng wala ako.”“Masusunod.” Sabay sabay na sagot nila.Itinaas ni Thea ang kamay niya, at ang Malevolent Sword sa p
Matapos dumating sa Moutn Thunder Sect, nagsimula si James na makipagdiskusyon sa plano nila ng mga martial artist. Ngunit, hindi nila alam ang eksaktong lokasyon ng research laboratory at wala silang ideya sa mga specific na impormasyon. Kaya, matapos ang mahabang diskusyon, walang malinaw na plano ang nabuo. Sa huli, napagdesisyunan nila na tumungo sa Malgudi sa ngayon para hanapin ang mga research laboratory bago gumawa ng malinaw na plano. Ang gagawin nila ay mag-iimprovise at kikilos base dito.Matapos ang diskusyon, nilisan nila ang Mount Thunder Sect at sumakay sa isang pribadong eroplano na inihanda ng military region, at tumungo sa Malgudi.Samantala, ipinaalam na agad ng mga awtoridad na Solean sa Malgudian Air Force ang pagdadating nila James. Kaya pahihintulutan nila ang pagbaba ng pribadong eroplano papasok ng Malgudi.Ang Malgudi ay isang nasyon na nasa border ng Sol. Kahit na ang teritoryo nito ay kalahati ng Sol, mas kaunti pa ang populasyon nito.Matapos ang kalahating
Nagmamadaling tinungo ni James ang may marked region sa mapa kasama ng iba pa. Tinahak nila ang layong tatlong daang kilometro sa loob lamang ng tatlong oras.Swoosh!Umiikot ang buhangin sa hangin. Pinipigilan sila ng malakas na hangin na makita ang nasa unahan nila."Ito na dapat ang lugar." Tumingin si James sa mapa. Pagkatapos, inilabas niya ang kanyang phone pero dahil walang signal dito, hindi niya nagamit ang satellite-based positioning. "Ito ay maaaring isang bitag ng Gu Sect. Mag-ingat kayong lahat!” sigaw ni James. Inisip ni James ang mga babala ni Thea at ang mga alalahanin ni Callan. Nandito siya para magligtas ng mga buhay at sirain ang research laboratory habang nandoon siya. Kung mahulog sila sa bitag ni Lucjan, hindi lamang nila mailigtas ang mga dinukot na martial artist, kundi sila mismo ay nasa panganib. Mula ngayon, kailangan na niyang maging alerto palagi. “Lahat, ang Gu Sect ay dalubhasa sa Gu venom, na mas makapangyarihan at nakakatakot kaysa sa or
Walang ideya si James na nai-set up na ni Lucjan ang Thousand-Machinery Formation para mahuli silang lahat sa isang iglap.Sa sandaling iyon, patuloy na sumulong si James kasama ang mga martial artist ng sinaunang martial world. Isang mainit, tuyo, maalikabok na hangin ang natuyong lugar sa paligid at nalalanta na mga halaman. Sapat na ang lakas ng hangin para matangay ang isang sasakyan. Ngunit, dahil lahat sila ay sinaunang martial artist, kaya nilang labanan ang hangin sa pamamagitan ng pag-catalyze ng True Energy. Hindi nagtagal, lumitaw ang isang burol na limampung metro ang taas sa kanilang paningin. May pasukan sa ibaba, at ilang SUV ang nakaparada sa labas. “Teka!” Nang makita ito, nagtaas ng kamay si James. Huminto lahat ng nasa likod niya. Napatingin si James sa burol at sa pasukan sa ibaba. "Ito dapat ang lugar na hinahanap natin." Tinuro niya ang sipi sa ibaba. "May mali." Tinitigan ni Jackson ang pasukan at ang mga SUV ay nakaparada sa labas at sinabing,
Tinanggal ni James ang damit at maskara ng walang malay na disipulo ng Gu Sect at isinuot ang mga ito. Pagkatapos, sinimulan niyang hanapin ang mga dinukot na martial artist sa underground na templo nang walang takot na matuklasan ang kanyang pagkakakilanlan. Matapos maghanap ng ilang oras, napagtanto niya na ang palasyo sa ilalim ng lupa ay napakalaki. Kung gaano ito kalalim, mas lalo itong binabantayan. Kahit siya ay hindi nangahas na walang habas na pumasok sa lugar.“Argh!” “Pakawalan mo ko!” “G*go ka!” … Malabo na naririnig ni James ang mga hiyawan ng paghihirap mula sa malayo. Pagtingin niya sa direksyong nasa harapan niya, naramdaman niyang iyon ang research laboratory. Sa pagpunta niya rito para iligtas ang mga dinukot na martial artist at sirain ang research laboratory, hindi siya kumilos nang walang ingat bagkus ay umalis siya ng tahimik. Naniniwala si James na palihim ang kanyang mga galaw. Ngunit, ang bawat aksyon niya ay sinusubaybayan ng Gu Sect. "Sir, uma