Kabanata 1210
Mahirap ang posisyon ni Simon.

Tinitimbang niya ang sitwasyon.

Nakakaakit talaga ang salitang imortalidad, pati na rin sa kanya. Sapagkat malapit na siyang mamatay, lalong lumalakas ang takot niya sa kamatayan. Ngunit, mas nag-aalala siya at baka hindi na makontrol ang mga mangyayari.

“Thomas, may kakayahan ka ba talaga para patayin ang Spirit Turtle?” tanong ni Simon.

Matagal na niyang binabantayan ang lugar na ito, pero hindi pa niya pinapasok ang Snow Cavern. Kaya, hindi niya alam ang tungkol sa itsura at lakas ng Spirit Turtle. Ang impormasyon na ito ay pinasa lamang via word-of-mouth sa bawat tagapagmana sa Mount Thunder Sect sa bawat henerasyon. Walang kahit na anong nakasulat kahit na saan.

“Siyempre.” Kumpiyansang sagot ni Thomas, “Ano pa ang saysay na nandito ako kung hindi ko ito kayang patayin?”

“Sabihin mo sa akin ang mga plano mo.”

Ngumiti si Thomas. Lumapit siya at umupo muli.

Umupo si Simon sa tapat niya, habang nakakunot ang noo.

Nagsalita si Thomas, “Ito ang plano ko.
Continue lendo no Buenovela
Digitalize o código para baixar o App

Capítulos relacionados

Último capítulo

Digitalize o código para ler no App