Chapter 49 (Part 2)
“Lyzza!” May humila sa kanyang braso kasabay ng malakas ng pagbusina ng sasakyan. Ang businang iyon ay inalog ang isipan niya na ikinabalik niya sa reyalidad. Nakita niya ang sarili na nasa tabi ng kalsada habang may lalaking sakay ng kotse ang matalim ang tingin sa kanya.
“Hoy, kung magpapakamatay ka. Huwag kang mangdamay!” galit na sigaw niyon bago pinausad ang sasakyan paalis.
“Ayos ka lang?” tanong ng boses na kanina pa niya naririnig.
Nalingunan niya si David na nag-aalala habang nakatingin sa kanya. Sinuri siya nito mula ulo hanggang paa para tingnan kung may galos ba siya o kahit ano na kailangan ng atensyong medikal. Nang makita nitong wala naman siyang tinamong pinsala ay muli nitong ibinalik ang paningin sa mukha niya.&
Chapter 50Hinayaan ni Lyzza na lumubog ang kanyang mga paa sa pinong buhangin ng dalampasigan ng Daet. Dito siya napadpad nang sumama siya sa probinsya nina David. Ilang araw na rin siya sa lugar na iyon at kahit sobrang miss na miss niya na si Summer, hindi pa rin maikakaila na malaki ang naitulong sa kanya ng lugar para makapag-isip ng tama.Pagdating sa probinsya, nagdisisyon siyang humiwalay na kina David sa sentro pa lang ng lugar. Niyaya pa sana siya ni Ate Lorelie na sa bahay na lang nito siya manatili na mariin niyang tinanggihan. Ang laki na ng naitulong ng mga ito sa kanya at ayaw na niyang isiksik pa ang sarili sa mga ito.Naghanap siya ng pwede niyang matutuluyan. She ended up staying in newly-opened resort. Maayos ang serbisyo ng resort kahit pa ang mura niyon. Ang totoo ay naka-discount si
Chapter 51 (Part 1)One hundred and seventy-three. One hundred seventy-three times na siyang tumatawag kay Lyzza sa araw na iyon. Halos masiraan na siya ng ulo sa kakahanap sa asawa niya simula nang araw na para itong bulang bigla na lang naglaho. Bigla na lang umalis na hindi man lang sinasabi sa kanya kung saan ba nagpunta.Ang sabi sa ina ay magbabakasyon lang daw ngunit hindi naman sinabi kung saan? He nearly flipped the whole city to find his wife. At malapit niya ng gawin iyon dahil hindi na muli pang sinagot ni Lyzza ang tawag niya.Annulment? Anong annulment ang pinagsasabi nito? P*tangina! Bakit may annulment na naman? Napipikon na siya at talagang paparusahan niya ang babaeng iyon kapag nakita niya ito uli.Gigil na isinuksok niya sa bulsa ng
Chapter 51 (Part 2)“What is it and who are these people?”“Magandang gabi, Sir Vesarius,” magalang na bati sa kanya ng mukhang lider ng mga bagong dating.Tipid siyang tumango at pumamewang na parang hari. Sinulyapan niya ang kanyang wristwatch. Pasado alas-nuwebe na ng gabi, kailangan na niyang malaman kung nasaan si Lyzza.“Tungkol po ito sa asawa niyo.”Nilingon niya ng tuluyan ang lalaki. “We are trying to locate her so I could pick her up.”“Iyon ho ang dahilan kung bakit kami naririto. Nawawala si Mrs. Vesarius.”“What the f*ck are you saying?” h
Chapter 52 (Part 1)“H-yop ka, huwag mong gagalawin ang anak ko.”Itinaas niya ang mga paa para sana sipain ang babae. Subalit, para lang itong nababaliw na umiwas sa kanya habang tumatawa. Para lang itong nakikipaglaro sa kanya sa pagkakataong iyon, tuwang tuwa na hindi niya ito maabot para saktan.Gigil na gigil siya sa kinauupuan. Kung hindi lang siya nakatali, ay hahablutin niya ang buhok ng babaeng ito at ingungodngod niya sa sahig.Natigilan siya sa pagpapasag nang bumukas ang pinto ng makipot na kwartong kinaroroonan niya. Sa pangalawang pagkakataon, hindi na siya nagulat nang makita niya si Ian Moscoso. Nasa likod nito ang mga tauhan ng mga ito na alam niyang hindi basta-basta dahil sa mga dala nitong matataas na de-kalibreng baril. His me
Chapter 52 (Part 2)“B*tch! I told you not to hurt her!” galit na asik ni Ian kay Mariz. Napapitlag siya nang sampalin nito ang babae dahilan para matumba ito sa sahig.Marahas na itinapon ni Ian ang baril na inagaw nito kay Mariz bago nito dinaklot sa batok ang babae na parang kuting. Mariin nitong hinawakan si Mariz sa panga.“Hindi ka ba nag-iisip? Kapag pinatay mo ang babaeng iyan, wala na tayong maipapalit kay Vesarius. Huling alas natin siya at kung ikaw ang magiging dahilan para hindi natin makuha ang pera, mas mabuti pang unahin na lang kitang papuntahin sa impyerno.”She flinched on her seat when Ian slapped Mariz again. Pagkatapos ay sinabunutan nito ang babae at itinulak sa mga tauhan nito. Chapter 53 (Part 1)“Ang ganda mo naman, Mrs. Vesarius.” Manyak na nakangisi itong hinawakan ang kanyang pisngi gamit ang likod ng palad.“Lumayo ka sa akin!” she spats on him.Ngunit sa halip na sundin ang sinabi niya, dinilaan lang ulit nito ang mga labi na para bang isa siyang nakakatakam na putahe sa paningin nito.“Ang kinis naman ng pisngi mo, Mrs. Vesarius. Alagang-alaga.” Nangaligkig siya nang ilapit nito ang ilong sa kanyang leeg. “Ang bango-bango pa. Siguro palaging takam na takam sa ‘yo si Vesarius.”“Lumayo ka sa akin, Bastos!”“Ang arte mo,” singhal nito at mas lalo pChapter 53 (Part 1)
Chapter 53 (Part 2)“I have the money.”“Nasaan. Huwag tayong maglokohan,” galit na wika ni Ian at mas ipinagduldulan pa ang nguso ng baril sa kanyang sintido.“In the car.” Kumiling ang ulo ni Gideon para isenyas na nasa loob ng kotse nito ang pera.“Kunin mo.”Hindi ito kumilos bagkus ay natuon ang mga mata sa kanya. “It’s heavy. It’s a d*mn billion dollars. What did you do to her?”Gusto niyang magsisigaw at isumbong lahat ng mga pananakit ng mga ito sa kanya subalit, ang sarili niyang boses ang hindi nakikisama sa kanya. Tila may bumikig sa lalamunan niya at sa tuwing nagtatangka siyang m
Chapter 54Masyadong naging mabilis ang pangyayari. Nakita niya na lang ang sarili na muling nakatali sa loob ng umaandar na bangka. Rinig na rinig niya ang pagsalpok ng alon sa katawan ng bangkang de-motor. Ang nakakairitang tunog ng makina ay halos magpasigaw sa kanya upang patahimikin iyon.Madilim ang langit, wala ang buwan na nagtatago sa likod ng makakapal na ulap ng gabing iyon. Ni isang bituin sa kalangitan ay wala siyang maaninag. Nagpalinga-linga siya bago pilit na inaalis ang pagkakatali ng kanyang mga kamay sa poste.Gusto niyang sigawan ang mga tauhan ni Mariz na parang mga robot lamang na nakatayo sa paligid ng may kalakihang bangka. Gusto niyang pagsisipain ang mga ito upang mahulog ang mga katawan sa malalim na dagat at huwag ng magpakita pa sa kanya. Subalit, lahat ng iniisip niya ay hin