Inicio / Urban / Realistic / Ang Alamat ng Dragon General / Capítulo 421 - Capítulo 430
Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 421 - Capítulo 430
3803 chapters
Kabanata 421
Hindi nagtagal, bumalik na si James.Binuksan niya ang pinto ng Common Clinic at pumasok siya.Agad na tumayo si Whitney at binati si James, “James.”“Mhm.”Tumango si James at tumingin siya kay Thea, na siyang nakatingin sa screen. Lumapit siya at umupo siya sa tabi ni Theo. “Ayos ka lang ba, Thea?”“Oo.”Tumingin si Thea kay James at tumuro siya sa TV. “A-Ano ang nangyayari? P-Patay na si Gavin?”Tumango si James at sinabi niya, “Alam ko na malakas ang impluwensya ng mga Watson. Dahil hindi gagana kapag tumawag tayo ng pulis, nireport ko sila sa militar. Sineryoso ng mga may mataas na posisyon ang report ko. Dahil pumalag sa pag aresto si Gavin, pinatay agad siya.”“Oo nga pala, patay na rin si Maximus. Ngayon at wala na siya, wala nang pupuntirya sa mga Callahan.” “A-Ang Blith King mismo?” Nabigla si Thea.“Syempre. Sakop ng Blith King ang Cansington. Hindi siya tatayo lang ng basta basta at manonood habang ginagawa ng mga masasamang tao ang gusto nila.”Hinawakan ni Jam
Leer más
Kabanata 422
Nang makita na ligtas si Thea, lumapit si Gladys at umiyak siya dahil sa tuwa. “Thea, ayos ka lang. Salamat sa Diyos. Nanonood ako ng balita. Sinabi nila na sina Maximus at ang iba ay nasa ilegal na pagtitipon sa Osmanthus villa. Akala ko na ikaw ay…”“Nanay, ayos lang ako. Nireport ni James ang pangyayari sa militar. Siya ang rason kung bakit ligtas kami.”“Oo nga pala, nasaan si Dave? Nasaan ang kapatid mo?”“Nasaan ang asawa ko? May nangyari ba sa kanya?”Nang makita na hindi nila kasama si David, nagsimulang umiyak si Alyssa. “David, paano mo nagawa na umalis ng basta basta? Hindi pa pinapanganak ang anak natin…”“Nanay, ayos lang siya. Nasugatan lang siya at dinala siya sa hospital. Bibisitahin natin siya.”Nang marinig ito, gumaan ang loob ng lahat.Pagkatapos, dumiretso sila sa hospital.Dahil maaga dinala sa hospital si David, tapos na ang operasyon niya ngayon.Nakahiga siya sa kama sa loob ng espesyal na ward at nakatingin siya sa kisame, nananaginip ng gising.Masy
Leer más
Kabanata 423
Ang isip ni Thea ay klaro pagkatapos ng lahat ng naranasan niya.Mahal niya si James. May lugar si James sa puso niya.Naalala niya kung paano trinato ni James ang mga sugat niya. Naalala niya ang metikuloso na pag aalaga at pagmamahal ni James sa kanya.Iminungkahi niya na sabay silang maligo.Gusto niyang si James ang una niya.Tulala na tumingin si James kay Thea.Pagkatapos, ngumiti siya at tinanong niya, “Ganun ba? Pwede kang magbago ng isip. Hindi kita pinipilit.”“Kung ayaw mo, bahala ka.”Namula ang mukha ni Thea at pumunta siya sa banyo.Kinamot ni James ang kanyang ilong.Gusto niyang kumilos.Ngunit, hindi ito ang tamang oras.May mga bagay pa siya na kailangan gawin.Bukod pa dito, wala pa silang wedding ceremony ni Thea. Plano niya na opisyal na magpakasal kay Thea kapag tapos na siyang harapin ang lahat. Ito ay magiging isang engrandeng kasal, at mapupuno ng inggit ang lahat dahil dito. Doon lang siya magaganap ang first time niya kay Thea.Naligo na si Thea
Leer más
Kabanata 424
Naghalikan sila. Pagkatapos, nagyakapan sila.Knock! Knock! Knock!Biglang dumating ang mga katok mula sa pinto.Tumalon sila sa gulat at lumayo sila sa isa’t isa na para bang may ginawa silang masama.Umubo ng mahina si James. “Sino ‘yan?”Hindi siya natutuwa.‘Sino ang kumakatok sa pinto? Bastos naman. Muntik ko nang makuha. Walang hiya siya para abalahin ako.’Tumunog ang boses ni Gladys sa pinto. Sumigaw siya, “Buksan mo ang pinto! Nagpatawag ng family meeting si Lex.“Sa gitna ng gabi? Hindi pwede!” Nainis si James.Samantala, nakabihis na si Thea.Mabilis siya. Nakabihis na siya bago pa makakilos si James. Namumula ang mukha niya at ngumit siya kay James. “B-Baka sa susunod…”Ano pa ba ang masasabi ni James.Sa susunod na lang.Nagbihis na siya.Pagkatapos magbihis, lumabas siya ng kwarto.“Bakit ang tagal niyong dalawa?”Nairita si Gladys.Biglang may napansin siya.Tumitig siya kay Thea at nakita niya na pula ang mga pisngi nito.Naintindihan niya sa isang ti
Leer más
Kabanata 425
Nagtanong siya, “Lolo, kamusta na ang Eternality ngayon?”Tumaas ang mga kilay ni Lex at tumigin siya kay Thea. “Ano? May lakas ng loob ka para magtanong? Pinahiya mo ang mga Watson, at ngayon ay pinupuntirya nila tayo. Ang Celestial Group at ang Longevity Pharmaceuticals ay tinapos na ang kontrata nila sa atin. Hindi lang ‘yun, kinakasuhan pa nila tayo dahil sinasabi nila na may problema sila sa mga produkto natin. Selyado na ang Eternality. Dinedemanda ng mga banko na bayaran natin ang mga utang natin. Ang lahat ng business sa ilalim ng mga Callahan ay tumigil na. May utang na tayo na higit sa sandaang milyong dolyar.Nang marinig ito ni Thea, dumilim ang mukha niya.Hindi niya inaashan na ganito kalala ang sitwasyon.“Ano ang dapat natin gawin ngayon?”Tumingin si Lex sa madla.Wala silang magagawa kundi i-declare ang bankruptcy.Sa ilang dekada, nagsikap si Lex para palaguin ang mga Callahan. Ngunit, pagkatapos makuha ang bilyong dolyar ng assets, nawala ang lahat sa kanila.
Leer más
Kabanata 426
May ilang daang milyong halaga pa ang Eternality. Gayunpaman, may utang ang mga Callahan na ilang daang milyon at kung ibebenta ang kumpanya, magiging sapat ito para bayaran ang mga utang. Hindi na mapipigilan ang pagkalugi at pagiging isang pangkaraniwang pamilya. "Honey, may paraan ka ba talaga para makatawag ng investments?" Nagdududang tumingin si Thea kay James. Tumango si James. Madali lang sa kanya na makatawag ng investments. Nakaramdam ng simpatya si James para kay Lex at hindi niya kayang makita ang pinaghirapan niya nang buong buhay niya na mauwi sa wala. Matigas ang ulo ni Lex dahil sa obsesyon niya. Pangarap niyang ihatid ang mga Callahan sa tagumpay. Para marating ang mga pangarap niya, lumalaban pa rin siya kahit na sa edad niya, kung saan dapat ay nagsasaya na lang siya sa natitirang panahon ng buhay niya. Sa halip, nagtatrabaho pa rin siya para sa pamilya. Higit pa rito, may layunin siya sa pagkilos niya. Kung hindi, wala sanang patakaran ang pa
Leer más
Kabanata 427
Sa loob ng ward, iyak nang iyak si Alyssa. Sinubukan siyang pakalmahin ni David, "Babe, bakit ka umiiyak? Isipin na lang natin yung positibo. Himala na nga na nabuhay pa ako." Pagkatapos mapunta sa bingit ng kamatayan, nagnilay-nilay si David at nagsisising nagsabi, "Kasalanan ko tong lahat at ang sarili ko lang ang masisisi ko." Tumingin siya kay James habang nagsasalita nang may pasasalamat sa mukha niya. "J-James, nagpapasalamat talaga ako sa'yo ngayon. Patay na siguro ako sa morge ngayon kung wala ka." Natuwa si James na marinig si David na tawagin siya sa pangalan at napatuwid siya ng tayo. 'Pagkatapos maranasan ang ganun, sa wakas ay nakapag-isip-isip na ang batang to," naisip ni James. "Tumabi muna kayo. Titignan ko siya." Naglakad si James papunta sa kama. Kaagad na tumayo si Alyssa nang may luhaang mukha. Sinuri ni James ang mga binti at kamay ni David, kasunod ang buo niyang katawan. Kakaopera pa lang kay David, at gaya ng sabi ng doktor, nakadepende sa
Leer más
Kabanata 428
Maayos na ang kondisyon ni Henry. Ngayon, nakasalalay na ang lahat sa katawan niya para pagalingin ang sarili niya. Napakakumplikado ng katawan ng isang tao at may isa itong natatanging kakayahan—ang pagpapagaling sa sarili. Ayon sa teorya, kahit gaanong pa katindi ang sugat na natamo ng katawan ng katawan, papagalingin nito ang sarili nito. Gayunpaman, may limitasyon rin ito, at kapag nalagpasan ang limitasyon na ito, mawawala ang kakayahan ng katawan na pagalingin ang sarili nito. Nakatala ang kaalaman tungkol sa aspetong ito sa medical book na nakuha ni James. Mapapabilis ang pagpapagaling ng katawan gamit ng gamot para pakilusin ang sari-saring organs, cells, at dugo. "J-James, ayos lang ba si Henry? Magigising pa siya, di ba?" Umaasang tumingin si Whitney kay James. "Magiging ayos lang siya. Hindi siya mamamatay kahit na gustuhin niya pa hangga't nandito ako, kaya wag kang mag-alala." Tumango si James. Nakahinga nang maluwag si Whitney nang narinig niya ang mga sal
Leer más
Kabanata 429
Ang Black Dragon lang ang sinusunod ng Black Dragon Army. Pagkatapos mamatay ng dating Black Dragon, nanatiling walang commander ang Black Dragon Army hanggang sa nakaakyat at nakuha ni James ang posisyon bilang bagong commander gamit ng mga narating niya. Lumapit ang Emperor, umupo sa sofa, at dumekwatro. Tinignan niya ang Blithe King nang may madilim na ekspresyon pero nagsabi nang nakangiti, "Bakit hindi? Hindi ba ako gustong makita ng Blithe King?" "Hindi naman…" Lumambot ang ekspresyon ng Blithe King, at nagtanong nang nakangiti, "Napakarami mong hinahawakan at baka napakarami ng ginagawa mo. Nagtataka ako bakit ka aalis sa Capital at pupunta sa Cansington." Nakangiting sumagot ang Emperor, "Malapit nang mangyari ang medical conference ng Cansington, at dahil payapa na ngayon ang borders, binigyan ko ang sarili ko ng dalawang linggong bakasyon. Gusto kong bisitahin ang Cansington at makita ang engrandeng taunang event ng Sol. At saka gusto kong makita ang ilan sa mga kai
Leer más
Kabanata 430
Umuwi si James. Kasabay nito, sa private room ng isang bagong bukas na restaurant sa Transgenerational New City food street. Tinignan ni Quincy si Thea at nagtanong, "Anong nangyari kagabi, Thea? Bakit biglang namatay si Gavin? Paanong nabugbog si Zavier hanggang sa naospital siya? Nagtanong ako tungkol dito at narinig ko na nabasag ang lahat ng buto niya. At saka, ang pagkalalaki niya…" Huminto sandali si Quincy at bumulong, "Hindi na siya pwedeng magkaanak." "Ha? Totoo ba'to? Kanino mo naring to? Tama ba ang balita?" Nabigla si Thea at nagtanong. "Tama yun. Isa sa mga Watson ang nagpakalat nito." "H-Hindi ko alam." Bahagyang nagtaka si Thea. Alam niya na binugbog ni James si Zavier sa umaga pero hindi siya sigurado sa kung anong nangyari sa kanya sa gabi. Ang alam niya lang ay nagsumbong si James at nagpadala ng tao ang Blithe King. Pagkatapos nito, nanlaban si Gavin ss pang-aaresto sa kanya at binaril. "Wag kang magsinungaling sa'kin, Thea. Narinig ko na nagpadal
Leer más