Inicio / Urban / Realistic / Ang Alamat ng Dragon General / Capítulo 231 - Capítulo 240
Todos los capítulos de Ang Alamat ng Dragon General: Capítulo 231 - Capítulo 240
3798 chapters
Kabanata 231
Mula sa Cansington si Calvin Oswald at natural na alam niya ang tungkol kay Thea mula sa Eternality. 'Hindi ba pinutol na ni Lex ang ugnayan niya kay Trevor? Bakit nandito si Thea?' pagtataka ni Calvin. Marami siyang ginawa para makuha ang Pacific Group. Pumayag siya na magpautang ng pera pagkatapos tignan ang pinagmulan ng Pacific Group. Malapit nang mapasakanya ang Pacific Group, pero biglang lumitaw si Thea ngayon. "I-ikaw siguro si Thea mula sa Eternality? "Hello, Ms. Callahan. Ako si Calvin mula sa mga Oswald." Tumayo si Calvin at iniunat ang kamay niya para batiin si Thea nang nakangiti. “Hmm?”Tinignan siya ni Thea, at walang pakialam ang maganda niyang mukha. Binawi ni Calvin ang kamay niya sa hiya at nagsabi nang may naiilang na ngiti, "Ms. Callahan, hindi ka naman siguro nandito para magpautang ng pera sa Pacific Group, tama?" "Anong ibig sabihin mo sa 'pauutangin sila ng pera'? Nandito kami para bilhin at kunin ang Pacific Group," sabi ni James. "Ano?"
Leer más
Kabanata 232
Mabilis lang ang transfer process. Sinabihan ni Trevor ang sekretarya niya na gumawa ng transfer contract habang nag-login naman si James sa online banking niya at nagpadala kaagad ng 100 million sa personal account ni Trevor. Kasabay nito, nagpadala rin si James ng isa pang 100 million sa account ng kumpanya bilang capital funds. Pagkatapos magtagumpay ng transfer, pumirma sila ng kasunduan. Para bang tumanda si Trevor sa isang iglap. Tinignan niya si Thea at tinapik ang balikat niya. "Thea, ikaw na ang bahala sa Pacific Group. Hindi ko to nadala sa rurok ng tagumpay, pero sana magawa mo to sa hinaharap," sabi ni Trevor. "Wag kang mag-alala, Granduncle. Tiyak na palalakihin ko ang Pacific Group," nangako si Thea at pinagaan ang loob ni Trevor. "Oo nga pala…" Biglang nakaalala si Larry at humarap kay Thea para ipaalam sa kanya, "Gumagawa ng gulo ang mga empleyado ng kumpanya sa pabrika at napunta sila roon kasama ng ilang dosenang trak. Nagbabanta sila na ibebenta nila
Leer más
Kabanata 233
Naiintindihan ni Trevor ang paghihirap ng mga empleyado. Tinuro niya si Thea sa tabi niya at nag-anunsyo, "Kayong lahat, siya ang bagong chairman ng kumpanya, si Thea. Siya na ang may hawak sa Pacific Group mula sa araw na'to. Wag kayong mag-alala. May pero na ang Pacific Group at kaagad naming ibibigay ang sahod ng lahat." "Ano? Si Thea?" "Hindi ba nagtatrabaho si Thea sa Eternality? Bakit siya nagpunta sa Pacific Group?" "Totoo ba ang sinasabi mo, Mr. Trevor?" Nakatitig kay Thea ang mga empleyado. "Oo, totoo ito. Ibibigay sa lahat ang tatlong buwang sahod niyo na hindi naibigay noon. Higit pa roon, nagpasya ako na bigyan ang lahat ng dagdag na kalahating buwan ng sahod bilang kumpensasyon. Nangangako ako na magtatrabaho na ang lahat araw-araw at baka pa nga mag-overtime pa kapag bumalik ang sigla ng kumpanya! Tiyak na dodoblehin ko ang sahod ng lahat." Natuwa ang lahat na marinig ang balita. Lumapit si Quill at yumuko. "Ikinagagalak kitang makilala, Ms. Callahan. Ako
Leer más
Kabanata 234
Hindi naapektuhan ng pagra-rally ng mga tao ang mood ni Thea.Sa kanyang pananaw, hindi kailangan ng isang kumpanya ang mga ganitong klaseng tao.Hindi siya makikiusap sa kanila na manatili kung gusto nilang umalis.Para sa mga piniling manatili, bibigyan niya ang mga ito ng pinakamagandang sahod na maaari para sa kanila.“Ms. Callahan, ipapasyal na kita sa buong pabrika.”Inimbitahan siya ni Trevor sa loob ng pabrika.“Ama, Lolo!” Sa wakas ay nagkaroon na din ng pagkakataon si Quinton an lapitan sila. Naguluhan siya nang makita niya si Thea.“Lolo, anong nangyayari dito? Paano naging chairman ng kumpanya si Thea na mula sa Eternality?”“Ang Pacific Group ay ang buhay ko, at hindi ko maatim na mahulog ito sa kamay ng ibang tao. Hindi naman ibang tao si Thea. Ang kumpanya ay tiyak na lalago sa mga kamay ni Thea.” Paliwanag ni Trevor.“Titiyakin ko na mahihigitan ko pa ang inaasahan niyo sa akin, Granduncle.”Pumasok ang grupo sa loob ng pabrika.“Ms. Callahan, ang kagamitan n
Leer más
Kabanata 235
Pwede ka na din magbukas ng isang restaurant sa may food street.Kahit na sinong malaking negosyo ay pwedeng magtayo ng kanilang store doon at pwedeng magpakasasa sa maraming benepisyo.Ang one-time fee para makasiguro ng pwesto sa Transgenerational New City, tulad ng sa food street, ay masyado din malaki. Hindi nila pinangarap na makapasok sa loob ng Transgenerational New City.“Seryoso ka ba, Ms. Callahan?” Nasabik si Quinton.“Susubukan natin. Pwede naman mangyari yun o hindi.” Sa totoo lang, hindi kampante si Thea.Noong nasa Eternality pa siya, naghahanda na siya na at nagtatrabaho para palawakin ang negosyo para paatasin ang kwalipikasyon ng kumpanya at makakuha ng pwesto sa Transgenerational New City. Hindi siya ganun kasigurado sa tiyansa dahil mas mababa ang Pacific Group kaysa sa Eternality.Subalit, pangarap niya iyon.Pangarap din ito ng lahat ng bawat negosyo.Ang makapasok sa Transgenerational New City ay nangangahulugan na magkakaroon ka ng proteksyon mula sa T
Leer más
Kabanata 236
Tanghali na nang matapos ni Thea ang transfer process at ang paglibot sa pabrika ng Pacific Group.Magkasamang umalis sila James at Thea.Nakasakay kami ni Thea sa electric motorcycle.“Mahal, huwag muna tayong sa bahay. Kumain tayo sa labas para mag-celebrate.” Niyakap ni Thea si James habang nakaupo ito sa likuran.Ang malakas na hangin ang gumulo sa kanyang makintab na itim na buhok.Binaon niya ang kanyang ulo sa balikat ni James para hindi siya tangayin ng hangin.“Sige.”Sang-ayon si James sa ideya niya.Matagal na din nung huli silang kumain ni Thea ng sila lang.“Gusto mo bang kumain tayo sa Gourmand?”Umiling si Thea at sinabi, “Ayoko. Sa tuwing pupunta ako sa Gourmand, palagi akong sinasalubong ni Bryan ng personal na para akong isang prominenteng tao.”“Haha… Kasi naman, isa ka nang maimpluwensyang tao ngayon! Sino pa ba ang lalapitan nila para makakuha ng pabor kung hindi ikaw?”“H-hindi, hindi naman ako ganun! Dahil ito…” Nag-alangan si Thea.“Hmm? Dahil ito s
Leer más
Kabanata 237
Nahumaling si Zavier sa kagandahan ni Thea.Marami na siyang nakitang magagandang babae sa ibang bansa. Gamit ang kanyang pagkatao at pinagmulan, pati mga sikat na artista ay nakarelasyon na din niya.Gayunpaman, wala na siya sa edad para maglaro pa.“Akin ka, Thea.” Inunat niya ang kanyang kamay papunta kay Thea, na nasa labas ng bintana, at tinikom ang kanyang kamay. Pagkatapos, binawi niya ang kanyang kamay at nilapit ito sa kanyang dibdib ng amy mapagmahal na ekspresyon.Samantala, si Thea ay walang kaalam-alam na isa na pala siyang target..Uminom siya ng wine, at namula ang kanyang mukha, na naging dahilan para lalo siyang maging kaakit-akit. Humaling na humaling si James sa kanya.Maganda siya. Talagang napakaganda.Nakaupo si James sa kabilang panig ni thea at nakatingin sa nakakaakit nitong mukha. May hawak itong wine glass at naglalabas ng isang nakakabighaning aura. Lalong nahumaling si James sa kanya sa kakatingin lang sa kanya. “Anong tinitingin tingin mo dyan?”
Leer más
Kabanata 238
Napagalante ni Zavier.Binigyan niya sila ng mga regalo, mamahaling kotse, at isang villa na nagkakahalaga ng daan-daang milyong dolyar.Tuluyan na niyang napasakamay ang mga Callahan sa kanyang ginawa.Kaagad na naging tulay si Gladys para kay Zavier. Nilabas niya ang kanyang phone at tinawagan si Thea, at sinabihan ito na umuwi na kaagad.Kararating lang nila James at Thea sa may sinehan.Sa loob ng sinehan, nakaupo ang dalawa sa may komportableng couple seat.Magkahawak silang dalawa ng kamay at sumandal si Thea sa balikat ni James.Nakatanggap siya ng tawag at hindi mapigilan na sumimangot habang sinasabi, “Mahal, mukhang hindi na natin matatapos ang pelikula.”“Ano? Bakit naman?” Tanong ni James. “Hindi ko alam kung ano ang nangyari, pero tinawagan ako ni Nanay at sinabihan ako na bumalik na kaagad ng bahay. Mukhang importante,” sabi ni Thea.“Bumalik na tayo kung ganun. May oras pa naman tayo sa susunod.”“Sige!” Tumango si Thea.Maagang umuwi ang dalawa.Hinatid ni
Leer más
Kabanata 239
Si Thea ay isang napakagandang babae na talagang hinahabol ng maraming lalaki. Patuloy na kinatok ni Gladys ang pinto.Sa loob ng kwarto, hindi sumasagot sila Thea at James.Hindi nagtagal, wala na silang naririnig mula sa labas. Umalis na marahil si Zavier.Nakahinga ng maluwag si Thea matapos niyang marinig na wala nang tao sa labas. Tinignan niya si James, at namula ang maganda niyang mukha hanggang sa kanyang leeg.“Anong problema, Thea? Masama ba ang pakiramdam mo?” Tanong ni James matapos na maramdaman na may kakaiba sa kinikilos ni Thea.“W-Wala… Ayos lang ako. Mahal, tara…gawin na natin. Ibibigay ko na ang sarili ko sayo.” Niyuko ni Thea ang kanyang ulo, nilakasan ang kanyang loob, at sinabi.Kahit na asawa niya ito, nakaramdam pa din siya ng hiya habang sinasabi ang bagay na ito. Sa kanyang puso, hindi niya mapigilan na makaramdam ng hiya.Nanginig ang katawan ni James matapos niyang marinig ang sinabi nito.Ito na ang araw na hinihintay niya.Kailanman ay hindi p
Leer más
Kabanata 240
Lumabas ng kwarto si Thea at nakahinga ng maluwag dahil wala na si Zavier.“Ikaw na bata ka!”Kaagad siyang pinagalitan ni Gladys ng makalabas si Thea ng kwarto.“Ano naman ang maganda kay James? Galing sa isang mayaman na pamilya si Zavier na may ari-arian na nagkakahalaga ng isang daang bilyon! Siya ang anak ni Gavin at ang magmamana ng negosyo ng kanilang pamilya sa hinaharap!”“Nay, may iba pa akong gagawin. Lalabas muna ako!”Nagmamadaling lumabas ng bahay si Thea.Pagkatapos niyang umalis, tinawagan niya si James sa phone at sinabi, “Mahal, pupunta muna ako sa Longevity Pharmaceuticals para hingan si Yuna ng mga order para makapagsimula na uli sa paggawa ang Pacific Group.”Tumango si James. “Sige.”Naglakad si James palabas ng kwarto dahil abala naman si Thea.Nang makalabas siya ng kwarto, si Gladys, na nasa may sala, ay kaagad siyang pinigilan, “Hanggang dyan ka lang!”“Nay~”Naiilang na lumapit si James.Naglabas si Gladys ng isang card at nilagay ito sa lamesa. P
Leer más