Inicio / Todos / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Capítulo 541 - Capítulo 550
Todos los capítulos de Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Capítulo 541 - Capítulo 550
3175 chapters
Kabanata 541
"Hoy, sino ang kikitain mo?" tanong ni Mike. "Bridgedale 'to. Pamilyar ka ba sa lugar?""Kahit ang Demonyo ay gagawin ang lahat para sa pera. Alam ng lahat 'yon. Hangga't kaya mong umubo ng pera, maraming tao ang pipila para isugal ang mga buhay nila sa akin!" sagot ni Elliot. Pinanood ni Mike si Elliot magmayabang, pero sa dulo ay natakot sa sarili niyang espiritu at masunuring umalis sa driver's seat. Gayunpaman, hindi nakalimutan ni Mike na suntukin si Elliot. "Umiyak ka ba nung hindi ka pinansin ni Avery sa airport noong araw na 'yon? Siguradong oo. Dapat ni-record ko ang buong pangyayari...""F*ck off!" tinapunan siya ng masamang tingin ni Elliot, tapos ay padarag na sinarado ang pinto ng sasakyan....Sa White Mansion, bumangon si Sabrina sa kama at nakatanggap ng medical report mula kay Wesley. Kasama ang lahat ng mga galos niya, dumating na maraming pahina ang report. Tiningnan ito ni Avery ng ilang sandali bago siya matapos. "Hindi siya patay, Miss Tate. Magigi
Leer más
Kabanata 542
Nanlamig ang buong katawan ni Avery. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya ng isang biro!Kahit na siya ang pinakamagaling na doktor sa mundo, hindi niya kayang buhayin ang patay!"Miss Tate, ito ang pinakamamahal kong anak. Siya ang pinakamagandang babae sa mundo." Sabi ni David habang yumuyuko palapit kay Avery. Ang boses niya ay may pahiwatig ng panunuya at kabaliwan dito. "Kaya mo ba siyang gamutin? Kung kaya mo, handa akong ibigay sa'yo ang lahat!"Kasama ang namumulang mga mata, tinulak siya ni Avery sa tabi at bumulalas, "Baliw ka na! Paano ko magagamot ang patay na?! Kaya ko lang gamutin ang mga taong buhay pa. Hindi ko kailanman sinabi na sobrang galing ng abilidad ko sa punto na kaya kong buhayin ang patay!""Sinabi ng mga tao sa akin na ikaw ang huling estudyante ni James Hough, at mga abilidad mo sa medikal ay kaya siyang lagpasan! Bakit hindi mo magamot ang patay?! Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan?!" hinawakan ni David ang braso ni Avery at hindi siya hinah
Leer más
Kabanata 543
"Bridgedale 'to. Hindi ako mahahawakan ng mga batas sa Arydalle," pagpatuloy ni David ng may halakhak. "Kahit na iyon ang kaso, may gumagamit ng balita sa mga scandal natin para i-blackmail tayo para iligtas siya! Pakawalan mo na siya sa ganitong instansiya!""Ayoko," determinadong sabi ni David. "Gusto kong pahabain niya ang buhay ko. Isa siyang medical genius. Sigurado ako na kaya niyang gumawa ng paraan para humaba ang buhay ko!""Sigurado ka?""Oo," sabi ni David. "Kung ganoon, huwag mo muna siyang hawakan ngayon... Panatilihin mo siyang buhay," sabi ni Senator Kane. "Ako nang bahala sa mga bagay dito. Mas maiging panatilihin mo ng mabuti ang babae sa tabi mo. Sa ganoong paraan, hindi siya tataliwas sa'yo!""Kuha ko!" Nawala ang ngiti sa mukha ni David. Panatilihin siyang mabuti?Paano niya magagawang panatilihin ng mabuti si Avery sa tabi niya?...Sa tanghaling iyon, nahanap ni Mike si Elliot sa misteryoso, espesyal na security company. Hindi niya inaasahan na hin
Leer más
Kabanata 544
"Avery!" Nahihirapang tawag ni Elliot. Ang malamig na mukha niya ay may nakakatakot at nakakamatay na aura.Gusto niyang pumunta at iligtas si Avery!Malapit siya, pero malayo. Naririnig niya lang ang kanyang mabibigat na hininga at ang takot sa kanyang mga mata, pero wala siyang magawa!Sa kabilang banda ng video call, nanigas si Avery. Narinig niya ang boses ni Elliot!Hindi niya inaasahan na tatawagan ni David si Elliot ng palihim!"Elliot! Huwag kang tumingin!" Ang mga luha ng kahihiyan ay bumalot sa mga mata niya. "Pakiusap! Huwag kang tumingin!"Pakiramdam ni Elliot ay nadurog ng pira-piraso ang puso niya habang pinapanood na walang magawa at miserableng mukha ni Avery. Mahigpit na kumuyom ang mga daliri niya sa kanyang phone habang ang mabangis na galit ay lumitaw sa kanyang mga mata. "Pupuntahan kita! Pupunta ako para iligtas ka ngayon, Avery!" iyak niya habang tumatakas ang mga luha sa kanyang mga mata at tumulo ito sa gilid ng kanyang labi. Mapait ang mga lu
Leer más
Kabanata 545
"Sinabi ko na sa kanya ang tungkol dito sa eroplano," paliwanag ni Mike. "Sa pagkakataon na lumabas ang power kung nasaan siya ay ang magiging senyales na pumunta tayo para iligtas siya. Hahanap siya ng lugar ng pagtataguan tuwing siklaban, at sasagipin natin siya sa oras na tapos na tayong harapin ang mga kalaban!""Kapag hindi natin pinutol ang kuryente nila at nagulo ang internal operation nila, siguradong gagamitin nila si Avery bilang hostage para takutin tayo!"...Sa White Mansion, nawala ang boses ni Avery sa pagkakataong natapos ang video call. Nang tumigil siyang umiyak at pumiglas, nawala ang interes ni David. Ginagawa niya ito para mapasakanya si Avery. Ang paggawa sa kanya bilang babae niya ang tanging paraan para mapanatili niya ito ng maayos!Gumawa siya ng video call dahil nalaman niya na lalaki ni Avery si Elliot. Pagkatapos makita na binastos siya, siguradong hindi na niya gugustuhin si Avery. "Bakit hindi ka na sumisigaw? Hindi mo seryosong iniisip na p
Leer más
Kabanata 546
Binalot ni Mike ang mukha niya at humagulgol sa iyak. "Nagsisisi ako! Bakit ko sinabi ang mga masasakit na salitang 'yon sa kanya kagabi?!"Nabalot ng luha ang mga mata ni Elliot sa ala-alang nangyari noong gabing iyon. "Wala siyang magawa at takot. Kahit na hindi agad natin siya mapupuntahan, hindi ko dapat sinabi 'yon! Siguradong napanghihinaan na siya ng loob pagkatapos marinig ang sinabi ko..." nasaktan si Mike sa pagsisisi at hindi na makontrol ang kanyang emosyon. Umangat ang adam's apple ni Elliot sa kanyang lalamunan at namamaos na sabi, "Huwag ka nang umiyak! Tapos mo na bang sirain ang system?"Pinalis ni Mike ang kanyang mga luha, tapos ay sumulyap sa progress bar sa kanyang computer screen."Halos... Matatapos 'to bago mag-tanghali. Masakit ang ulo ko. Anong gagawin ko kapag patay na talaga si Avery?"Walang lakas ng loob si Elliot isipin ang ganoong posibilidad. "Umuwi ka kaya muna at maligo?" Nakita ni Mike ang balbas na tumutubo sa baba ni Elliot at nakita n
Leer más
Kabanata 547
"Hindi ka pa kumakain, 'di ba? Gagawa na ako ng tanghalian," sabi ni Mrs. Scarlet, tapos ay naglakad patungo sa kusina. Bumaling si Elliot sa paligid ng bahay. Ito ay isang open layout at ang mga dekorasyon ay minimalistic. Akala ni Layla ay hinahanap niya ang kanyang kwarto, kaya tumakbo siya patungo sa guest bedroom at pinakita sa kanya ang daan. "Pwede kang matulog dito!"Tumugon si Elliot, pero ang naka-frame na litrato sa shelf ang pumukaw sa atensyon niya. Ito ay isang family photo ni Laura at Avery na may hawak hawak na baby sa bawat bisig nila. Tumungo siya sa shelf, kinuha ang litrato at pinagmasdan itong mabuti. Sa kanang sulok sa ibaba ay may nakasulat na "Isang taon na kami!"Ibig sabihin ay isang taon na ang mga bata sa litrato noong kinuha ito. Ang isa sa mga bata ay nakabihis ng smart suit, habang ang isa naman ay nakasuot ng puti, puffy dress at isang tiara sa kanyang ulo... Halata ito na ang mga bata ay isang lalaki at isang babae. Kung ganoon, sila H
Leer más
Kabanata 548
Habang lumilipas ang oras, nagsimula nang dumilim ang kalangitan. Biglang nagsimulang umulan. Hindi ito mabigat na pagbagyo, pero sapat na ito para hindi siya maging komportable. "Tapos nang palamigin ang medisina, Miss Tate."Ang boses ang nagpabalik kay Avery sa reyalidad. Tumungo siya sa kahoy ng batya at nilagay ang kanyang kamay sa tubig para tingnan ang temperatura. "Ilagay ang bangkay sa loob!" sabi niya. "Oh... HIndi ba mabubulok ang katawan kapag nilagay natin sa loob?" Hinalang tanong ng assistant ni David. "Mabubuhay mo ba talaga ang patay, Miss Tate?"Tinapunan siya ng malamig na tingin ni Avery at sabi, "Pinagdududahan mo ba ako?""Kuryoso lang ako.""Ito ay isang special concoction," taas noong sabi ni Avery. "Hindi mabubulok ang bangkay."Nang makita ang pagiging seryoso niya, hindi na siyang pinagdudahan ng assistant. Maraming bodyguard ang bumuhat sa bangkay ng babae at nilagay ito sa kahoy na batya. Nakita ni Avery ang iba't ibang antas ng pagkabalisa
Leer más
Kabanata 549
"Nasaan si Avery Tate?!" sigaw ni David. "Mga walang kwenta! Hanapin niya siya at dalhin sa akin!"Agad nagsimulang maghanap ang mga bodyguard at ang assistant para hanapin si Avery. Nakatayo lang siya sa batya at hindi gumagalaw. Paanong bigla na lang siya nawala?Inilawan ng assistant ang bangkay na nakababad sa batya, at nabitawan niya ang phone sa sahig. "May multo! Multo!"Dumadaloy ang dugo palabas sa gilid ng mga mata at labi ng bangkay. Mukha itong buhay na patay at nakakatakot ito!Lumipad ang assistant sa takot. Tinapat ng mga bodyguard ang mga ilaw nila sa mukha ng bangkay. Walang sumigaw, pero agad silang nagsimulang tumakbo sa silid. "Sir! Mayroong kumpol ng mga helicopter sa labas!"Nang nakarating ang assistant sa unang palapag at nadiskubre ang kung ano sa labas, mas lalo siyang natakot!Pinangngalaiti ni David ang mga ngipin niya, tapos ay tinaas ang kanyang baril at nagsimulang barilin ang ulo ng bangkay. Nagsimulang masira ang ulo ng bangkay haban
Leer más
Kabanata 550
Agad napuno ng nakakatakot na aura ang mga mata ni Elliot!Mabilis na tinama ng doktor ang kanyang sarili at sinabi, "Hindi ko sinasabing patay na siya. Posibleng gulat siya pagkatapos mawalan ng maraming dugo. Ahem, maaring isa itong hypovolemic shock!"Kumurap ang pilikmata ni Elliot habang humuhugot ng malalim na hininga. Hinawakan niya ng mahigpit si Avery sa kanyang mga braso na parang gusto niyang higupin ito ng sarili niyang katawan. Ilang sandali, nakarating ang helicopter sa ospital, at agad dinala si Avery sa emergency room. Habang nakatayo si Elliot sa labas ng pinto ng emergency room, parang may pumindot ng pause button sa kanya. Na parang ang buong puso at katawan niya ay tuyong sinisipsip!Anong gagawin niya kapag may nangyaring masama kay Avery?Tumunog ang phone niya, ginagambala ang mahirap niyang iniisip. Kinuha niya ang kanyang phone at sinagot ito. "Kamusta si Avery?! Nakita ko na si Grimes!" masayan sabi ni Mike. "Gagong matandang 'yon! Alam kong tata
Leer más
Escanea el código para leer en la APP