Inicio / Todos / Nang Namulat Ang Kanyang Mata / Capítulo 131 - Capítulo 140
Todos los capítulos de Nang Namulat Ang Kanyang Mata: Capítulo 131 - Capítulo 140
3175 chapters
Kabanata 131
Gumagaling ng maayos ang mga paa ni Elliot, at nakakagalaw na siya ng mas malaya gamit ang tungkod. Bumangon siya sa kama at naglakad patungo sa aparador para pumili ng damit na susuotin niya ngayon araw. Karamihan sa mga damit niya ay may matingkad kulay. Kumunot ang noo niya habang kinukuha ang kadiliman sa kanyang aparador. Naglakad palayo si Elliot sa kanyang aparador nang wala siyang mapiling sang-ayon na damit tapos ay tinawagan niya si Chad. "Chad, gusto ko ng matingkad na kulay na suit.""Sige po, Sir. Naghahanap ka po ba ng kaswal o pormal na suit?"Kaswal.""Masusunod. Kukuhain ko na agad," sabi ni Chad. "Maiba tayo, ang taga-disenyo ng alahas na sinabi mong kontakin ko ay natapos na ang ginuhit niyang hinihingi mo. Pinadala ko ang mensahe sa'yo. Maari na nilang ituloy iyon sa oras na sumang-ayon ka sa guhit.""Sige," sagot ni Elliot. Binaba niya ang tawag, tapos ay pumasok siya sa kanyang silid at binuksan ang computer. Ang paparating na New Year's Eve ay a
Leer más
Kabanata 132
Walang epekto si Avery sa mga sinabi ni Tammy. Totoo na ang relasyon niya kay Elliot ang pinaka-boring sa lahat. Tulad noong nakaraang linggo, ginugol nila ang buong oras sa bahay. Kung hindi nagbabasa ng libro si Elliot sa sala ay nagta-trabaho naman siya sa kanyang silid. Si Avery, sa kabilang banda, ay kung hindi gumagawa ng thesis ay nagbabasa naman sa sala kasama siya. Nasa ibang lenggwahe ang libro ni Elliot na hindi maintindihan ni Avery. Binabasa ni Avery ang libro ni Professor Hough sa neurolohiya. Sigurado siya na wala ring maintindihan si Elliot doon, kaya pakiramdam niya ay pantay lang sila."Ang ganda nito. Binigay ba ito ng boyfriend mo?""Oo! Regalo niya 'nong pasko. Nakaukit din diyan ang pangalan ko!""Pwede kang magpagawa ng alahas na may libreng ukit na hindi bababa sa sampung bucks," mapresyong sinabi ni Avery. "Hindi mo na dapat iniisip ito!"Hindi iyon inisip ni Tammy. "Ang tungkol lang naman sa pag-ukit, masaya lang ako na may binigay siya sa
Leer más
Kabanata 133
Nakatali ang buhok ni Avery sa isang simpleng pusod, at nakabihis ng asul na denim jacket sa ilalim ng mahabang puting bestida. Dala ang gitara sa kanyang mga kamay, umupo siya sa mataas na upuan na nakapwesto sa gitna ng entablado. Inayos niya ang mic sa harap niya, dumilim ang ilaw sa paligid, at naiilawan siya ng ilaw ng spotlight na nakatutok sa kanya. Ang melodiya pagkalabit niya sa kanyang gitara ay nagsimulang umalingawngaw sa buong bulwagan, kasunod ang kanyang mala-anghel na pagkanta. Ang tingin niya ay partikular na hindi hinanap ang kahit na sino sa mga tao, pero ramdam niya ang pares ng mga mata na mariin siyang pinapanood. Pinikit ni Avery ang kanyang mga mata at tinuon ang sarili sa kanyang palabas. Pagkatapos noon, lumiwanag ang entablado at ang makulay na alon ng mga talulot ng bulaklak ay lumutang pababa mula sa dingding. Naging sabik ang mga tao, sabay sabay na humiyaw. Minulat ni Avery ang kanyang mga mata, kumibot ang makapal niyang pilik-mata.Ang
Leer más
Kabanata 134
Naramdaman ni Elliot ang paninigas ng katawan niya sa tabi ni Avery. Kakabili lang ng kanyang suot, pero, pinagkakamalan pa rin siya matandang tao ng mga tao. Hindi siya naabala 'ron."Si Avery ang-"Nagsimulang magsalita si Elliot, pero pinutol siya ni Avery gamit ang paghila sa kanyang kamay, tapos ay pinaliwanag niya, "Hindi ko kilala ang lalaking ito. Ang lamig dito. Punta tayo sa kotse!"Sa parehong pagkakataon, pinatabi ni Tammy ang lalaking estudyante sa kanilang daanan.Binigyan niya ng salamat na tingin si Tammy, tapos ay tinulungan si Elliot makabalik sa itim na Rolls-Roice. "Hindi pa magaling ang mga paa mo," sinabi niya sa nag-aalalang tono. "Hindi ka dapat naglalakad-lakad ng ganito.""Hindi na masakit," sinabi ni Elliot. Napadpad ang mga mata niya sa palumpon na mga bulaklak sa kamay ni Avery. "May regalo riyan sa bulaklak," nahihiyang sabi niya. "Ano?" sinabi ni Avery habang nakatitig siya kay Elliot sa gulat. "Binilhan mo ako ng regalo? Hindi ako bumili
Leer más
Kabanata 135
Hindi mapigilan ni Avery ang kanyang sarili, tumipa siya sa mensahe mula kay Ben. [Ang ganda ng boses ng asawa mo! Nakakhinayang na hindi siya naging singer!"]Hindi inaasahan ni Avery na nabubuksan niya ang telepono ni Elliot. Hindi niya mabubuksan ito kung naglagay siya ng passcode, pero hindi siya naglagay. Pagkatapos pumasok ng text mula kay Ben, nagpadala siya ng bidyo mula sa palabas ni Avery. Pinadala rin ni Tammy ang parehong bidyo kanina at sinabihan siyang magiging sikat ito sa online forum ng kolehiyo. Binalik ni Avery ito sa home screen at binalik ang telepono kung saan niya nakita ito. Sa pagkakataong iyon din na nadulas ang daliri niya at binuksan ang gallery ni Elliot, pinakita ang mga larawan doon. ...Nang lumabas si Elliot sa banyo pagkatapos ng kanyang pagligo, sumenyas si Avery sa kanya, at agad siyang umupo sa kama. "Parang gusto ko biglang magluto. Paglutuan ba kita simula ngayon?" tanong ni Avery.Tumingin si Elliot sa kanya, nagtataka. "Sery
Leer más
Kabanata 136
Umuwi ng hapon sina avery at Elliot para magpahinga dahil magpupuyat sila upang salubungin ang bagong taon.Nang makatulog si Elliot, nagmulat naman nang mata si Avery at tinitigan ang mukha nito.Pakiramdam niya kahit gaano man katagal ang oras ay hindi pa rin sapat upang matignan lamang siya.Sayang nga lang at hindi niya kayang pahintuin ang oras.Maganda sana kung kaya niyang pahintuin lahat ngayon mismo.Wala si Avery sa tabi ni Elliot nang siya ay magising bandang alas kwatro ng hapon.Umalis siya sa kama at bumaba para hanapin ito."Gising ka na!"Nasa kalagitnaan si Avery ng paghahanda ng kanilang hapunan."Parang gusto ko ng steak. Ano sa tingin mo?"Tumayo si Elliot sa entrada ng kusina at pinanood siya sa pag aasikaso."Paano kung ako ang maghanda ng hapunan?" tanong niya."Nagluluto ka?" bulalas ni Avery habang bakas ang gulat sa kanyang mukha saka hinubad ang kaniyang apron at sinabing, "Gawin mo! Hindi ko pa natitikman ang luto mo!""Hindi ako na
Leer más
Kabanata 137
"Maligayang bagong taon, Avery," pagbati ni Elliot at pinahid ang mga luha sa mukha ni Avery.Humakbang palayo si Avery sa kanya."Aalis na ako, Elliot," malamig niyang sinabi.Bago pa man makatugon si Elliot ay tinanggal na ni Avery ang singsing sa kamay."Hindi ko matatanggap ito," sabi ni Avery at inilagay ang singsing sa bulsa ng jacket ni Elliot."Mahal kita pero hindi ko na kayang ipagpatuloy ito."Tumingala si Avery habang tumutulo ang mga luha sa kanyang mga pisngi."May mga litrato ka ng babaeng ‘yon sa computer at phone mo. Sigurado akong nasa puso mo rin siya. Aaminin kong naging mabuti ka sa akin pero mas mahal mo siya. Hindi kita pipilitin na ipaliwanag ang sarili mo o bitawan mo siya! Dahil alam kong aksaya lamang ‘yon sa oras," sabi ni Avery"Tapos na tayo!"Hindi na ito kailangan pang pag-usapan.Ipinaaalam lamang ni Avery kay Elliot ang desisyon niya.Hindi nakakilos si Elliot mula sa kanyang kinatatayuan at bakas sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala.Maayos
Leer más
Kabanata 138
Matapos ang isang linggo, maingat na binubusisi ni Avery ang mga property models sa sales department ng Starry River Villas.Napansin ng salesperson ang mukha niya saka nagtanong, "Anong klaseng property ka interested Miss? Meron kaming detached villas, townhouses, at semi-detached na properties.""Mayroon pa kayong detached villas?" Tanong ni Avery.Nagliwanag ang mga mata ng salesperson sa kanyang tanong at saka sinabing, "Meron! May isa pang natitira, malaki rin ang sukat. Mahigit three thousand square feet.Mas malaki rin ang presyo kesa sa mga townhouse at semi-detached, kaya...""Pwede na ba kaming lumipat agad kung magbabayad ako ng buo ngayon?"Tumango naman nang masigasig ang salesperson at sumagot, "Oo naman! Lahat ng villa namin ay inayos nang todo at kumpleto na lahat. Mga sarili at gamit niyo na lang ang kailangan niyong dalhin.""Sige. Magkano ang babayaran?""Apat at kalahating milyong dolyar. Medyo mataas pero ito nalang kasi ‘yung detached villa na natitira. Pero kung s
Leer más
Kabanata 139
"Avery, mag grocery muna ako. Magpahinga ka kung pagod ka," sabi ni Laura.Binuksan ni Avery ang kanilang mga maleta at isa-isang nilabas ang mga gamit."Mag ingat ka ma. Hindi ako pagod, kaya isasalansan ko na ang mga gamit natin.""Sige, aalis na ako."Nang wala na si Laura, biglang tumahimik ang bahay.Natapos si Avery sa pagsasalansan, saka siya umakyat upang tingnan ang mga anak.Natutulog pa rin si Layla habang si Hayden ay nakahiga sa tabi nito at nakapikit.Nang umalis si Avery sa kwarto, bumuntong hininga siya pahiwatig sa lungkot na nababakas sa kanyang mukha.Malusog si Hayden ngunit iba siya sa ibang bata.Tahimik siyang bata na hindi kumakausap sa hindi kilala.Apat na taong gulang na siya, pero hindi pa rin nag aaral.Maraming beses na siyang dinala ni Avery sa physical examinations para ipacheck up.Normal naman lahat ng resulta, maliban nalang sa cerebral cortex nito na mas developed pa kesa sa karaniwang tao.Psychological ang problema ni Hayden.Ngunit, maski ang mga
Leer más
Kabanata 140
Nanlaki ang mata ni Layla nang titigan niya ang litrato ni Cole sa laptop."Wow! Ang gwapo ng papa natin!"Pinatay ni Hayden ang laptop, at sinabi sa sarili, "Ano naman kung gwapo? Hindi naman karapat-dapat kay mommy!""Kailan natin kikitain si Daddy? Sa tingin mo ba magiging masaya siya kapag nalaman niya ang tungkol sa atin?"Maganda ang tingin ni Layla sa ama nila dahil hindi siya siniraan ni Avery sa harap nila.Sa tuwing magtatanong si Layla kung sino ang ama nila, mahaba ang pasensya ni Avery na sumagot, "Wala kang ama."Bumalik sa higaan si Hayden at tumitig sa kisame."Hindi," prangkang sagot niya.Sumama ang loob ni Layla."Bakit hindi? Hindi naman sa gusto ko natin ang pera niya. Gusto ko lang siya makasama!""Matulog ka na.""Hindi ako makatulog," pagtatampo ni Layla. "Gusto ko si Dad."Dismayado si Hayden sa sinasabing ama nila na nagpawala sa kanya sa magandang mood."Manahimik ka," nauubos na pasensya niyang sabi.Agad namang nanahimik si Layla.Nararamdaman niyang nainis
Leer más